top of page
Search
  • BULGAR

Ikakasal uli… ANGELICA, SA SIARGAO ANG CHURCH WEDDING SA MAYO

ni Julie Bonifacio @Winner | April 18, 2024




Muling ikakasal si Angelica Panganiban at mister niyang si Gregg Homan. This time, church wedding naman gaya ng dati pang wedding plans na lumabas sa social media.


Nagulat ang marami nang biglang ikinasal si Angelica kay Gregg sa Amerika noong New Year’s Eve last year. Gusto kasi ni Angelica na maging kakaiba at sobrang memorable ang wedding niya kay Gregg kaya’t naisipan niyang magpakasal sa huling araw ng 2023.


Never na kasing mauulit ang number na “123123” sa kalendaryo, kaya ginrab na nina Gregg at Angelica ang petsa na ‘yan for a civil wedding.


Dahil civil nga lang at gusto lang nilang simplehan, pang-immediate members of the family lang dapat ‘yun.


Kaya nga medyo “nainis” si Angelica sa mga kaibigan niyang sina Kim Chiu at Bela Padilla na sumugod sa US at nag-join sa wedding.


Siyempre nga naman, nadyadyahi si Angelica sa iba pa niyang friends na baka sumbatan siya na bakit ‘di sila inimbita sa civil wedding nito.


Pero ‘yun nga, ang alam ng marami, based na rin sa mga posts sa socmed accounts ng mga Homan, ngayong darating na Mayo magpapakasal ang parents ni Baby Bean o ni Amila Sabine.


In fact, nag-post din si Angelica ng video kung saan tsinetsek na nila ang place for their wedding sa isang private venue sa Siargao.


Nai-reveal lang na tuloy pa rin ang church wedding nina Angelica at Gregg dahil sa post sa Instagram ng isang kilalang skin clinic ng mga sikat na female celebs ngayon, ang The Aivee Clinic na pag-aari ng mag-asawang dermatologist and plastic surgeon na sina Dr. Aivee and Dr. Z’Shen Teo.


Ipinost ng famous beauty skin clinic ang video ng naganap na pa-bridal shower nila for Angelica. Isa kasi si Angelica sa mga endorsers ng nabanggit na clinic.


Caption nila: “@iamangelicap and her girls are soaking up every moment before the big day!


Laughter, love, and self care - the ultimate pre-wedding bash! Here's to celebrating friendship and the journey to ‘I do.’


“To make sure they look their absolute best, they prepared by doing a number of treatments!”


Sa comment section ay naglabas ng kanilang reaction ang mga netizens… 


“Ikakasal ulit s’ya???”


“Church wedding”


“Siargao talaga wedding nila.”


“Kaya pala walang post sa YouTube Mami Angge, busy pala for the upcoming wedding. Congrats and best wishes.”


Marami rin ang nag-post ng kanilang pagbati kay Angelica sa IG ng beauty clinic ni Dr. Aivee.


0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page