top of page
Search
  • BULGAR

Ikakasal na sa fiance… KRIS, DAWIT SA HIWALAYANG KYLIE-ALJUR

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | February 28, 2021





Tiyak na aalmahan ni Kris Bernal ang pagkakadawit niya sa paghihiwalay ng mag-asawang Kylie Padilla at Aljur Abrenica.


Dahil sa tsismis na may third party daw na involved, inakala ng ilang netizens na si Kris ang babaeng binalikan ni Aljur dahil naging GF niya ang petite na aktres.


Pinagselosan nga raw ni Kylie si Kris dahil nang minsang sumalang si Aljur sa challenge na Jojowain o Totropahin at nabanggit nga ang ex-GF, sinabi ni Aljur na totoong minahal niya noon si Kris Bernal. At kung pareho silang single ngayon, jojowain niya ito.


Pero paanong mangyayari na si Kris ang dahilan kaya nagkaroon ng marital problem sina Kylie at Aljur, eh, alam naman ng lahat na engaged na ang una sa BF niyang rich businessman na si Perry Choi?


Secured na secured ang future ni Kris kapag nakasal na sila ng kanyang longtime BF. Kahit siguro minahal niya noon si Aljur, ayaw naman niyang mabansagang homewrecker.


Bahagi na lang ng kanyang nakaraan ang mister ni Kylie Padilla.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page