top of page
Search
  • BULGAR

Idinispley sa socmed, Julia… YASSI, NAGKA-MANSIYON DAHIL KAY COCO

ni Julie Bonifacio - @Winner | July 29, 2021




Ipinasilip ni Yassi Pressman ang construction ng bago niyang bahay sa social media. Maraming netizens ang humanga at bumati kay Yassi sa latest achievement niya sa buhay.


Based sa picture na ipinost ni Yassi sa kanyang Instagram, mukhang pagkalaki-laki ng ipinapatayo niyang balur kaya ang feeling ng iba, mansiyon na itey!


Nakatayo si Yassi sa ikalawang baitang na tila hagdan papasok ng bahay. At sa likuran niya, nakikita ang sala-salabat na mga bakal at iba pang construction materials.


"Trust the process," caption ni Yassi sa kanyang IG post.


Pinuri ng mga netizens si Yassi sa kanilang mga comments.


"Hardworking woman deserves a bless from God! Step by step Yass."


"You deserve all the blessings the world could give. Super proud of u as a woman!"


"I'm so proud of everything that you do Ate Yass."


Dito napatunayan na marunong mag-handle ng kanyang finances si Yassi.

For sure, kung hindi man lahat, malaking bahagi ng ginastos ni Yassi sa pagpapatayo ng bahay ay galing sa ilang taong kinita niya mula sa ABS-CBN's FPJ's Ang Probinsyano bilang leading lady ni Coco Martin.


Sa true lang, ang dami talagang natulungan ni Coco sa Ang Probinsyano, lalo na 'yung mga artistang naghirap pero nakaahon muli.


Hopefully, magtuluy-tuloy ang pagpapagawa ni Yassi ng kanyang bonggang bahay kahit wala na siya sa Ang Probinsyano.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page