Idinispley ni Jinkee sa socmed... PAMILYA NI PACQUIAO, SA BAGONG MANSIYON NA MAGPA-PASKO
- BULGAR
- Dec 21, 2022
- 2 min read
ni Julie Bonifacio @Winner | December 21, 2022

Ipinasilip na ni Jinkee Pacquiao ang bago nilang bahay ng kanyang mister at boxing champ na si Manny Pacquiao sa social media.
Sunud-sunod na larawan ni Jinkee with her kids na nakasuot-pambahay sa bawat area sa loob at labas ng bahay ang ipinost ng misis ni Manny sa kanyang Instagram account kahapon.
Dalawang beses nag-post si Jinkee ng mga larawan nila ng kanyang mga anak sa loob at labas ng bahay. Una, ang mga larawan sa harap at loob ng bahay. Pangalawa, ang full view ng kabuuan ng bahay sa labas.
Halatang bagung-bago pa ang bahay dahil sa mga nakatakip pa na diyaryo sa island counter at mga cabinet sa kitchen area sa isa sa mga naka-post na picture sa IG ni Jinkee. At may picture rin na makikita sa likod ng mag-iina ang naka-construct na trusses sa tila living room/area ng bahay.
Simple lang ang naging caption ni Jinkee sa kanyang IG post. Sa unang IG post niya with her kids sa loob ng bahay, “Lovely day” lang ang inilagay ni Jinkee.
Habang sa sumunod na IG post naman niya ay mga emojis ng bahay at praying hand ang nakalagay na maaaring simbolo ng pasasalamat ni Jinkee sa prayer niya na ipinagkaloob ng Diyos sa kanila.
Walang duda na ito na ang kapalit ng multi-billion peso Forbes Park house nila na naibenta na.
Hopefully, we can get more details kung saan ang bagong bahay na ito nina Manny at Jinkee. And of course, kung worth billion pesos din kaya ang halaga nito.
Malamang, dito magse-celebrate ng Christmas at New Year ang pamilya nina Manny at Jinkee.
Samantala, bukod kina Manny at Jinkee, magse-celebrate rin ng Pasko sa bago nilang bahay ang mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera.
Lumipat sina Marian at Dingdong sa bago nilang bahay noong November 10.
Bagong taon, bagong bahay ang mga sikat na celebrity couples. Bonggabels, ‘di ba?
Sana all.
Kommentarer