ICE, TULOY PA RIN ANG PLANONG MAGKA-BABY SILA NI LIZA
ni Julie Bonifacio @Winner | October 24, 2023

Hindi na matandaan ni Ice Seguerra ang last time na nagpunta siya sa Ormoc City para mag-perform. Kaya happy siya nu’ng maimbitahan as one of the performers sa 76th Charter Day celebration na ginanap sa Ormoc Sports Complex last Friday.
Nag-post si Ice ng kanyang mensahe ng pasasalamat para sa mga Ormocanon at piktyur niya with his wife, Liza Diño Seguerra, Ormoc City Mayor Lucy Torres at Ormoc’s 4th District Representative Richard Gomez sa kanyang Facebook page.
Mensahe ni Ice, “Medyo matagal na rin mula nu'ng huli akong nakapunta dito kaya sobrang amazed ako sa laki nang pagbabago. Nakakatuwa dahil kahit napakaraming tao ang pumunta, hindi sila nagkakagulo. Nakapila sila papasok sa venue.
“Ang saya din ng crowd! They know when to listen and when to sing along. Nakakatuwa rin when I found out na hindi lang mainstream artists ang dinadala ng LGU doon. Pati Philharmonic Orchestra ay dinadagsa rin ng mga taga-Ormoc kapag may performance sila.
“Then we went to the museum kung saan naka-display ngayon ang private collection nina Mayor Lucy and Cong. Richard. From contemporary art to the classics, new artists at mga National Artists na sina BenCab at Amorsolo are all on display for the public to enjoy.
“What used to be a city beset with peace and security problems, ngayon isa na siyang siyudad bustling with life, arts, and sports. Isang araw lang kami doon but ramdam at kitang-kita namin ang mga pagbabago.
“Thank you, Ormoc City, for the warm welcome last night. Maraming salamat rin, Mayor Lucy and Cong. Richard for your hard work. Mabuhay kayo!!!”
Nakatsikahan namin nang matagal si Ice after ng late dinner hosted by Cong. Richard at Mayor Lucy sa Ormoc Museum.
Natuwa si Ice sa mahigit 100K na mga nanood sa kanya at na-appreciate ang mga kinanta niya and also his performance kahit medyo ‘di na inabot ng younger generation na nasa crowd ang iba sa mga kanta niya.
Most memorable na raw para kay Ice sa performance niya when the crowd joined him sa pagkanta ng songs niya.
Humanga rin si Ice sa narating ni Cong. Richard sa public service. Sayang lang daw na noong artista si Goma ay never nagka-chance na magkasama sila sa pelikula or TV show.
“Hindi pa huli. Malay natin, lalo na ngayon, parang gusto niyang gumawa ng movie,” pahayag ni Ice.
Siyempre, ‘di namin mapapalampas ang tanong namin kay Ice tungkol sa plano nilang baby ni Liza.
It’s been a long time na rin since we had the chance na tanungin siya about sa baby nila ni Liza. Kaya feeling namin, puwede na namin siya ulit hingan ng update.
“Sabi ko na nga, eh, itatanong mo sa akin ‘yan,” biro ni Ice sa amin.
So, ano na? Tuloy pa rin ba ang plano nilang magka-baby?
“Basta naka-freeze lang ‘yung eggs ko, tuloy ‘yan,” paniniyak ni Ice.
'Yun na!
Hindi naman kasi nabalita ito sa mga diyaryo at maging sa news program ng mga networks. At hanggang ngayon, walang follow-up kung ano na ang nangyari sa malaking halaga na nawala kay Alden.
Katulad din kaya ito ng nangyari sa magkasintahang Mikee Quintos at Paul Salas na nag-invest ng P8 M sa isang crypto currency scheme? Ito rin kaya ang dumale kay Alden Richards?
Walang detalye na ibinibigay si Alden tungkol dito pero may naging quotation siyang hindi na baleng nawalan ng pera, may leksiyon naman siyang natutunan sa buhay.





Comments