ICC sa arrest warrant vs. Sen. Dela Rosa: Can’t confirm such news
- BULGAR

- 5 hours ago
- 1 min read
by Info @News | November 10, 2025

Photo: Sen. Ronald Dela Rosa / ICC
Hindi makumpirma ng International Criminal Court (ICC) ang mga ulat na naglabas umano ito ng warrant of arrest laban kay Sen. Ronald “Bato” dela Rosa, ayon sa tagapagsalita ng tribunal na si Dr. Fadi El-Abdallah.
Nilinaw ni Abdallah na maaari lamang makumpirma ang updates ukol sa ICC sa kanilang official communications channels at press releases.
“ICC news can be found only on ICC official communications channels and press releases, where you could see that only one case to date has been opened, against Mr. Duterte,” anito.
Sinabi niya ito kasunod ng pagsisiwalat ni Ombudsman Jesus Crispin “Boying” Remulla na naglabas umano ng warrant ang ICC laban sa senador.
Sa kanilang panig, hindi pa umano nakakakuha ng opisyal na impormasyon ang kampo ni Dela Rosa hinggil sa naturang warrant laban sa kanya.








Comments