top of page
BIDA - DENNIS KAY GELLI- SISIHIN MO ‘YUNG NAGSIMULA NG GULO_IG _dennistrillo & _gellidebel

ICC, pinayagang gamitin ang naitalang testimonya ni 'P-1100' sa kaso ni Duterte

Writer: BULGAR
BULGAR
14 hours ago
1 min read

by BRT @News | October 4, 2026



Courtesy- Office of the Comelec Spokesperson

Photo: ICC / SS



Pinayagan ng International Criminal Court (ICC) ang mga prosecutor na gamitin ang naunang naitalang testimonya ng testigong P-1100 sa kaso laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.


May kaugnayan ang testimonya sa umano’y operasyon ng Davao Death Squad at sa sinasabing kaalaman, intensiyon at pananagutan ni Duterte sa mga krimeng iniuugnay sa grupo.


Ayon sa ICC, hindi makaaapekto sa karapatan ng depensa ang paggamit ng naitalang testimonya dahil bibigyan pa rin sila ng pagkakataong kuwestiyunin si P-1100. Makakatulong din umano ito para mapabilis ang paglilitis.


Sa halip na pitong oras na pagtatanong, isang oras lamang ang itinakda ng korte para sa karagdagang pagtatanong ng prosecution kay P-1100.


Nilinaw naman ng ICC na paunang pahintulot pa lamang ito. Kailangan pa ring humarap sa korte si P-1100 at pumayag sa paggamit ng kanyang naitalang testimonya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page