DFA sa China: ‘Wala kayong pahintulot’ sa tubig ng Batanes

by BRT @News | October 4, 2026

Photo: Ang Chinese research vessel na JIA HAI KE 7 - PCG
Mariing pinalagan ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang pag-angkin ng China ng sovereign rights at jurisdiction sa karagatan malapit sa Batanes.
Ayon sa DFA, nakita ang Chinese research vessel na JIA HAI KE 7 na nasa tinatayang 37 nautical miles northwest ng Itbayat, Batanes—malalim sa loob ng Exclusive Economic Zone (EEZ) ng Pilipinas.
Iginiit ng DFA na walang hiningi at walang ibinigay na pahintulot ang Pilipinas sa China para magsagawa ng marine scientific research sa lugar. Dahil dito, sinabi nitong legal at regular na law enforcement operation ang isinagawa ng Philippine Coast Guard.
Samantala, sinabi ng Chinese Embassy na nasa waters umano ng China ang barko at tinawag na “harassment” ang ginawa ng PCG.
Nanawagan ang DFA sa China na sundin ang international law at iginiit na patuloy na ipagtatanggol ng Pilipinas ang karapatan nito sa EEZ sa mapayapa at legal na paraan.





Comments