Jepoi Tupas, itinanggi ang umano’y cash delivery kay Sara

by BRT @News | October 4, 2026

Photo: Sara Duterte / Courtesy Reuters / Eloisa Lopez
Itinanggi ni dating Davao City information officer Jeffrey “Jepoi” Tupas na tumanggap o naghatid siya ng mga maleta ng pera para kay Vice President Sara Duterte, gaya ng alegasyon ng dating pulis na si Rodulfo Gracioso Jr.
Sa kanyang sinumpaang salaysay sa NBI, sinabi ni Tupas na “pawang kasinungalingan” ang mga paratang ni Gracioso. Hindi rin umano siya personal na kilala ni Gracioso.
May dala rin umanong records si Tupas na nagpapakitang nasa South Korea siya noong Abril 2019 at nasa Japan naman noong Setyembre 2019, mga petsang sinabi ni Gracioso na naganap ang umano’y cash deliveries.
Ayon sa abogado ni Tupas na si Atty. Caesar Europa, dapat suriin ng NBI ang immigration at airline records para mapatunayan kung nasaan si Tupas sa mga nabanggit na petsa.
Samantala, nabahala si Tupas matapos puntahan ng mga tauhan ng NBI ang bahay ng kanyang mga magulang sa Kabacan, Cotabato. Ayon kay Europa, natakot ang kanyang kliyente dahil inakala nitong may kaugnayan ang pagbisita sa umano’y banta sa kanyang seguridad.





Comments