Ibon, alon, isda at 3 dots… MAINE, TANGGAP NG FANS KAHIT MAY 4 NA TATTOO
- BULGAR
- Nov 20, 2021
- 1 min read
ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | November 20, 2021

Hindi naman siguro mamasamain ng mga fans ni Maine Mendoza na ang kanilang idolong Dubsmash Queen ay may mga tattoo sa katawan?
Apat ang tattoo ni Maine pero maliliit lang kaya hindi pansinin at hindi nakikita kahit nakasuot pa siya ng swimsuit.
May swallow (ibon) tattoo sa kanyang balikat at may design din ng wave (alon) at isda.
Meron din siyang tattoo na tatlong dots lamang.
May kani-kanyang symbolism ang mga tattoo ni Yaya Dub. At para sa kayang mga loyal fans, hindi big deal ang mga tattoo ni Maine. Wala namang nabago sa pagkatao niya.




Comments