Ibinulgar ng ninong sa kasal… ECHO AT KIM, 2019 PA HIWALAY
- BULGAR
- Jan 30, 2024
- 2 min read
ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | January 30, 2024

Taong 2019 pa pala hiwalay ang mag-asawang Jericho Rosales at Kim Jones.
Ito'y base sa kuwento ng ninong nila sa kasal na si Ginoong Ricco Ocampo sa panayam sa kanya ng ABS-CBN News kahapon, Lunes, Enero 29.
Matagal nang umuugong ang balitang hiwalay na sina Echo at Kim, batay na rin sa hindi na sila nagpo-post ng kanilang pagsasama sa kani-kanilang social media account. Alam naman ng lahat na kapag may ganitong isyu ay ibinabase ang status sa social media.
Bukod dito ay nasambit din ni Ogie Diaz sa vlog nilang Showbiz Update kasama sina Mama Loi at Dyosa Pockoh na hiwalay na nga ang dalawa, ayon sa source niya at nagkaroon na ng settlement sa pagitan ng mga ito.
Kuwento ni Mr. Ocampo, “While the friendship between the two remains, they have decided it is time to lead separate lives. They are encouraging each other to grow, albeit in different directions. It was a mutual decision, an amicable separation, dealt with grace and maturity by both parties.
“The two are filled with gratitude for the memories they’ve made together and the lessons they’ve learned. They have journeyed through the separation with the utmost respect and care toward one another precisely because Echo and Kim are the best of friends and love each other like family.
“This split is not borne out of ill feelings. On the contrary, one might say that it is a demonstration of their affection and respect, as Echo and Kim only wish the best for each other.
"They are incredibly grateful for those who have supported them throughout the years, and appreciate the respect of their privacy during this time."
Nananatiling magkaibigan at nagsusuportahan sina Echo at Kim sa isa't isa tulad ng isinulat at idinirek ng huli na pelikula na ang una naman ang nag-produce, na sa pagkakaalam namin ay sa ibang bansa kinunan dahil may mga video na inilabas noon sa Instagram account nila na nagsu-shoot sila sa New York City at matagal din silang namalagi roon.
Suportado rin ni Kim si Echo sa ginagawa nitong series na Sell Block na malapit nang ipalabas sa ABS-CBN.
Kapag natatanong si Jericho tungkol sa isyu nila ni Kim ay hindi niya sinasagot nang diretso at lagi niyang sinasabi na “We’re happy, we're good, great, fantastic at amazing.”
Masaya ring dumalo sina Echo at Kim sa ABS-CBN Ball noong 2023.
Nagkakilala sina Jericho at Kim sa pamamagitan ng asawa ni Dominic Ochoa noong 2011 at naging magkarelasyon nu’ng 2012 at 2013 naman ang engagement at ikinasal nu’ng 2014.
Ano kaya ang komento nina Echo at Kim sa kuwento ng kanilang Ninong Ricco na umaming hiwalay na sila?
Bukas ang BULGAR sa panig ng dating mag-asawa tungkol sa isyung ito.




Comments