top of page

Ibinulgar ng 18 ex-Marines... Remulla, inaming naka-meeting ang ICC sa kanyang bahay

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 3 hours ago
  • 1 min read

ni Madel Moratillo @News | March 3, 2025



Jesus Crispin Boying Remulla

Photo File: Boying Remulla / FB



Inamin ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla na nakapulong niya sina dating Sen. Antonio Trillanes IV, Gen. Nicolas Torre III at dalawang ICC investigators sa kanyang bahay sa Makati noong nakaraang taon, tulad ng binanggit sa joint affidavit ng 18 ex-Marines.  


Nangyari umano ito matapos maaresto si dating Pangulong Rodrigo Duterte at nu’ng siya ay kalihim pa ng Department of Justice (DOJ).


Ang nasabing meeting ay para umano sa proteksyon ng mga testigong Pilipino sa crimes against humanity case laban kay dating Pangulong Duterte.


Nais aniya nila sa DOJ na masiguro ang kaligtasan ng mga Pilipinong testigo.

“Since we're in the DOJ, kinakailangan gawin namin 'yun. Mga Pilipino kasi mga testigong 'to.

This happened maybe less than a year ago,” pahayag ni Remulla.


Sa joint affidavit na isinumite ni Atty. Levi Baligod, abogado ng 18 dating Marines, sa Ombudsman, nakasaad na nakipagpulong umano si Remulla sa ICC personnel noong kalihim pa siya ng DOJ.


“Kailangan protektahan natin ang ating mga testigo pero ang mas mahalaga d'yan 'yung allegations na ginawa nila na iba. Kasi kung 18 sila na nandoon na magkakasama ng dalawang taon na walang patid, na lahat ng pangyayari nakita nila, 'yun ang ating gustong malaman,” pahayag ni Remulla.


Sabi ni Remulla, gusto niyang magkaroon ng kopya ng affidavit ng bawat isa sa 18 dating Marines upang makasiguro na may personal knowledge sila sa kanilang mga alegasyon. 


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page