top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Ibinuking ni Vhong… VICE, GUSTONG DALHAN NG FOOD SI ION SA SHOOTING, 'DI UMUBRA

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 24, 2020
3 min read

ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters | December 24, 2020




Sobra-sobrang nagpapasalamat si Vhong Navarro sa kaibigang si Vice Ganda dahil ipino-promote nito ang pelikulang Mang Kepweng: Ang Lihim ng Itim na Bandana na entry sa MMFF mula sa Cineko Productions at Star Cinema na idinirek ni Topel Lee.


Base sa kuwento ni Vhong sa nakaraang vitual bloggers presscon niya nitong Martes nang gabi kasama si Direk Topel, “Sabi niya (Vice), 'Wala akong Metro Manila Filmfest ngayon. Wala akong entry, pero ang suporta ko ay na kay MK (Mang Kepweng).' Nasa akin daw ang suporta niya kaya kapag nagpo-promote kami (It’s Showtime) ay sumusundot na siyang panoorin ang Mang Kepweng.


“Masaya rin siya para sa aking pelikula kasi kasama ko ang kanyang labalabidubs (Ion Perez) kaya talagang nakasuporta si Vice.”


Naikuwento rin ni Vhong na noong isinu-shoot nila ang MK ay nagtatanong si Vice kung saan ang location ng shoot nila dahil gusto niyang dumalaw at magdala ng pagkain, lalo na kay Ion, pero hindi nangyari kasi nga malalayo ang locations dahil karamihan ay sa bundok ito at kuweba, bagay na hindi naman madaling puntahan ng komedyante dahil araw-araw ang Showtime at nataon pang umuulan nu'ng mga panahong ginawa ang pelikula.


Ang suwerte ng Mang Kepweng ni Vhong dahil araw-araw ay puwede niyang i-promote sa Showtime ang pelikula, hindi katulad ng ibang entry ngayong MMFF 2020 na limitado ang exposures.


Anyway, sinigurado naman nina Vhong at Direk Topel na hindi magsisisi ang mga manonood ng Mang Kepweng: Ang Lihim ng Bandanang Itim dahil sa magagandang effects nito na level-up talaga kumpara sa naunang MK noong 2017.


Bukod kay Vhong ay kasama rin sa cast sina Joross Gamboa, Fumiya Sankai, Yamyam Gucong, Ritz Azul, Benjie Paras, Ion Perez, Ryan Bang, Alora Sasam, Lotlot de Leon, Barbie Imperial, Jaclyn Jose at marami pang iba.


Puwedeng makabili ng tickets para sa Mang Kepweng: Ang Lihim ng Bandanang Itim sa UPSTREAM.PH.





Wilbert Tolentino, COVID survivor, idinaan sa pagba-vlog para maka-inspire



Dahil nakaramdam ng depression at anxiety ang kilalang businessman at dating Mr. Gay World-cum philanthropist na si Wilbert Tolentino noong nagkaroon siya ng Covid19 ay pinasok niya ang pagba-vlog at wala pang dalawang buwan ay umabot na ito sa 300K subscribers sa kanyang YouTube channel.


Achievement ito para kay Wilbert dahil ang bilis ng pagtaas ng subscribers niya kumpara sa iba na ilang buwan nang nagba-vlog ay iilan pa lang ang tagasubaybay.


“Pinasok ko ang mundo bilang isang vlogger para bigyan ng kasiyahan at bonggang entertainment ang mga taong dumadaan sa anxiety at depression sa panahon ng pandemya,” say ni Wilbert.


Dagdag pa niya, “Bilang isang critical COVID pneumonia severe with acute respiratory distress syndrome survivor, ang aking adhikain sa paggawa ng vlog ay patuloy na pagtulong sa ating mga kababayan tulad ng mga nasalanta ng bagyo at kalamidad, ganu'n din sa iba’t ibang komunidad na nagsa-suffer sa pandemya.”


Anyway, may malaki siyang pasabog na event ‘pag bumalik sa normal ang lahat at may vaccine na.


“Magkakaroon ako ng THE PHILIPPINES INFLUENCER AWARDS 2021. Ito ay para ma-cater natin ang mga press, media at mga vloggers kasama ang mga negosyante na naghahanap ng influencers para sa kanilang negosyo,” katwiran nito.


Gumawa rin siya ng music video na Kafreshness ng Pasko na nagsisilbing inspirasyon at ligaya ngayong pandemya.


Nagkaroon din ng pagkakaisa at sanib-puwersang aliw sa kanyang vlog dahil sa mga collab niya sa Beks Battalion (Chad Kinis, Richardson dela Cruz, Reginald Lassy Marquez, Mc Muah Calaquian), ganoon din sa #DoLaiNab (Donnalyn Bartolome, Jelai Andres at Zeinab Harake).


May collab din siya kay Sachzna Laparan, pati sa Kapuso actress na si Sanya Lopez. May pasabog din siya kasama ang JaMill (Jaysam Manabat, Camille Trinidad).


At dahil generous talaga si Sir Wil, mmamahagi siya ng blessings para sa mga solid kafreshness subscriber.


“Despite of struggles and challenges that we are facing global health issues, bangon tayo, mga Pilipino. 'Wag nating hayaan na lamunin tayo ng lungkot! Spread positive vibes at dapat, tayo ay laging fresh.


"See you on December 24, 2020, 7 pm para lang sa exclusive kafreshness subscriber for Noche Bola Raffle Bonanza,” pahayag pa ni Wilbert.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page