Ibinuking ni Pepe… KIM AT PAULO, PARANG MAG-ASAWA NA
- BULGAR
- Mar 11, 2024
- 2 min read
ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | March 11, 2024

Grabe ang kilig at ‘di matapus-tapos na hiyawan ng fans nang ibuking ni Pepe Herrera na parang mag-asawa na raw sina Paulo Avelino at Kim Chiu sa set ng What’s Wrong with Secretary Kim.
Sinabi ito ng komedyante sa mediacon ng naturang serye nu’ng Saturday, March 9, na ginanap sa Gateway 2.
“Sa totoo lang, ha, ito hindi naman ‘to secret, kinikilig talaga kami sa kanila – kay Paulo saka kay Kim,” sabi ni Pepe.
Dagdag pa niya, “Kasi kung lolokohin nila kami, sabihin nila, matagal na silang magkasintahan, maniniwala kami. Actually, para silang mag-asawa sa set. ‘Yung pagiging comfortable nila (sa isa’t isa). Parang lang, ha?”
Napanganga si Kim sa sinabi ni Pepe sabay-sabing, “Kumanta ka na!”
Kumanta naman ang komedyante at habang kumakanta siya ay pinag-holding hands niya sina Kim at Paulo na naging dahilan na naman ng sigawan ng mga KimPau fans.
Nagkunwari naman si Paulo na binibigyan ng pera si Pepe dahil sa mga sinabi nito.
Samantala, ang WWWSK (What’s Wrong with Secretary Kim) ang second teleserye ng KimPau matapos ngang mag-click ang tambalan nila sa Linlang. Dito na rin sila nagsimulang ma-link at may tsika pang si Paulo ang third party sa breakup nina Kim at Xian Lim.
Kasunod nga nito ang tsikang break na rin daw sina Paulo at Janine Gutierrez at ang itinuturong dahilan ay si Kim.
Sa lahat ng speculations na lumalabas ay nananahimik pa ang KimPau at hindi pa nagsasalita tungkol dito.
Sa mediacon ay nagpasalamat si Kimmy sa mga supporters nila ni Paulo.
“Nakaka-amaze naman din na marami ‘yung sumusuporta sa aming dalawa, which is nagugulat talaga kami and we’re very thankful of course sa suporta online and nakakagulat na sa edad namin na ‘to, meron pang nagsi-ship.
“‘Yung parang ang weird nu’ng feeling pero parang… salamat po,” masayang sabi ni Chinita Princess.
Samantala, magsisimula nang mapanood ang WWWSK sa March 18 sa Viu app, kasama sina Janice de Belen, Angeline Quinto, Romnick Sarmenta, Franco Laurel at marami pang iba.





Comments