Ibinuking ni Ian… BEA, GUSTONG MAGING SPERM DONOR SI PIOLO PARA MAGKAANAK

ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters | March 2, 2021

Gusto nang mag-asawa ni Bea Alonzo noong edad 28 pa lang siya. Halos lahat kasi ng kaedaran niya ngayon ay may mga pamilya na, pero siya ay nananatiling single sa edad na 33.
Kaya natanong niya ang kaibigang aktor at naging leading man sa teleseryeng A Love to Last (2017) na si Ian Veneracion kung sa tingin nito ay kailangan na niyang mag-asawa. Pero laking-gulat ni Bea dahil sinagot siya ni Ian na mag-anak na lang.
Sa latest vlog ni Bea sa kanyang YouTube channel kasama si Ian ay isa ito sa mga napag-usapan ng dalawa.
“No! I think you should have a kid,” diretsong sagot ni Ian kay Bea.
Lumaki ang mata ng aktres, “But not get married, why?”
“Yeah, sabi nga ng kaibigan ko, ‘Kung gusto mo ng bacon, hindi mo kailangang bitbitin ‘yung buong baboy,'” nakangiting sabi ng aktor at nagkatawanan silang dalawa.
Payo ni Ian kay Bea, “Ako, I say this with most sincerity and care for you. I really think that a child would improve the quality of your life, a marriage wouldn’t. Based on what I know about you and how I know you.”
Ayon naman sa aktres, kung mag-aasawa siya ay sana, katulad ni Ian na responsible father.
“I want to have a partner for life. I want like to have someone to be there to raise a family, build the life with at sana, makahanap ako ng kasingbuti mo bilang tatay pero hindi asawa. Hahahahaha!”
Pero hindi pa rin nawawalan ng pag-asa ang dalaga, “Actually, I just want a boring life, a boring family life.”
Sagot naman ni Ian, “May usapan tayo dati, 'di ba? 'Pag umabot ka ng 33, hihingi ka ng donation sa guys na gusto mo (sabay banggit ni Bea na kagaya niya), genetically, gusto mo. Sabi mo nga, si Piolo (Pascual). Ako, random ‘yung usapan na hindi mo alam kung sino.”
Sabi naman ng aktres, “Dapat may waiver kayo na bawal kayo mahabol, I should do that. Umabot na ako ru'n? Hindi pa naman. Siguro, push pa natin hanggang 35.”
Samantala, naitanong ni Bea kay Ian, “Is flirting cheating? Sa'n ‘yung boundaries na nagko-cross ka na?
“I have no idea. If I know that my wife was flirting on someone, siguro, that drives me crazy. So, where do you draw the line?” tanong ng aktor sa dalaga.
Alam ni Bea na seloso si Ian, na inamin din naman nito.
Ang katwiran ng aktor, “Kailangan, confident ako na you can handle yourself. For example, sa ‘yo, you can handle yourself na hindi ka tatanga-tanga, hindi ka mauuto na hindi ka mama-manipulate nito, kasi a guy would try to manipulate you for example. Ikaw, puwede kang ma-flatter pero hindi ka kayang i-manipulate nito. I need to have that confidence pero kung duda ako sa ‘yo, tatanga-tanga ka na mauuto ka nito, parang… oh, sh*t.”
“Meron pa bang courtship ngayon?” balik-tanong ng aktres sa aktor.
“Oo nga, ‘no? I don’t know,” napaisip din bigla si Ian. “Nababaduyan ako sa ngayon na they’ll see each other somewhere else?”
Sabi ng dalaga, “Masarap pa rin ‘yung ipi-pick-up ka sa house.”
“Oo nga. Dati kasi, 'pag nakita ko ‘yung girl, 'Gusto kita, puwede ba akong dumalaw sa inyo?' That shows that I’m willing to face your parents or your brother or whoever. That means my reputation is on the line na haharap ako sa ‘yo, it’s like I introduce myself to your family and manliligaw ako properly,” katwiran ni Ian.
Sabi naman ni Bea, “Meron na rin ngayon pupunta sa bahay pero Netflix and chill na.”
“Parang okay din ‘yun?” tumawang sabi ng aktor na ikinatawa rin ng aktres sabay appear nila.
Tanong ulit ng dalaga, “What can you say about open relationship?"
“I think as long as both of you are aware that it’s an open relationship and wala kayong expectation of exclusivity,” paliwanag ng aktor.
“Would you be in one?” balik-tanong ni Bea.
Mabilis na sagot ni Ian, “No, I’m more selfish than that. I can’t stand that.”
Nabanggit ni Bea na hindi siya selosa dati.
“Oo nga, dati hindi ka selosa, pero nakakainis din ‘yung hindi ka selosa. Kasi kinikilig kami (mga lalaki) kapag nagseselos kayo. Siyempre, parang ‘Uy, selos siya.’ Kasi parang hindi ka nagke-care o wala kang pakialam, parang ganu’n,” sey ni Ian.
Samantala, walang age bracket si Bea pagdating sa type niyang lalaki. Kahit nga raw si Brad Pitt at George Clooney na 50 years old na ay sasama pa rin siyang makipag-date.
“Mas kaya ko ang sobrang matanda kesa sa sobrang bata. Thirty (years old) I think is the youngest or 29. Pero 28, sobrang bata na,” katwiran ng aktres.
At si Ian naman ay kaya raw makipag-date sa edad na 23 at pinakamatanda ay tulad ni J.Lo (Jennifer Lopez).
Regret marrying at a young age?
“That’s the best decision of my life,” ang sagot ng aktor. “Kung hindi ako ikinasal nu’ng time na ‘yun, wala, I would have low quality in life. I can’t imagine myself of all the roles I play. Tulad nga ng sabi mo, you appreciate my role being a father, ‘yun ‘yung favorite role ko sa lahat talaga. Kaya kung wala ‘yun (hindi nag-asawa agad), ano'ng gagawin ko?”
Nang magkuwento si Bea tungkol sa tipo niyang lalaki ay naisip naming bigla kung nasaan ang napapabalitang boyfriend niyang si Dominique Roque sa puso niya nang mga sandaling 'yun.
O baka naman open ang relationship nila kaya isa rin ito sa mga naitanong niya kay Ian?





Comments