Ibinuking ni Dimples… ANGEL, MAS GUMANDA NU'NG 'DI NA GUMAGAMIT NG SOCMED
ni Beth Gelena @Bulgary | January 17, 2024

Ibinahagi ni Dimples Romana ang epekto ng socmed detox ni Angel Locsin.
Naitanong kasi sa aktres ang kalagayan ng matalik na kaibigan. Bilib na bilib si Dimples kay Angel na kasalukuyan daw nagso-social media detox at maging siya ay natututo na rin.
Nakakasama raw ni Dimples ang kaibigan at masaya siya sa magandang epekto ng socmed detox ni Angel.
Ani Dimples, maaliwalas ang mukha ni Angel dahil nakapagpahinga sa social media.
Hindi raw talaga ito humahawak ng cellphone.
Maging siya man daw ay natututo at parang gusto niya rin ang detox na ginagawa ng kaibigan.
Aniya, natutunan niyang hindi dapat lahat ng magagandang nangyayari sa buhay ay dapat i-post.
Kaya naman, maging sa kanyang social media ay limitado na rin ang kanyang pag-post.
Nang tanungin siya kung babalik na sa showbiz ang humanitarian actress-philanthropist, hindi raw nila napag-uusapan ang tungkol sa plano ni Angel.
Ani Dimples, hindi raw ito updated sa showbiz at tungkol sa personal na buhay ang kadalasang napagkukuwentuhan nila.





Comments