top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Ibinuking ni Derek... ELLEN, GUMAGASTOS NG P300 K PARA LANG SA CONCERT NG BTS

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 17, 2021
2 min read

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | December 17, 2021




Malapit na palang mapaso ang kontrata ni Derek Ramsay sa GMA-7 nitong 2022.


Sa ilang taong inilagi ng aktor sa Kapuso Network ay iisa lang ang ginawa niyang teleserye, ang The Better Woman kung saannaging kapareha niya si Andrea Torres na kalaunan ay naging girlfriend niya, pero naghiwalay din after one year.


Ngayon ay asawa na ni Derek si Ellen Adarna.


Ayon sa aktor, sa pamilya raw muna siya magpo-focus.


Sa isang panayam, sinabi ni Derek na hindi muna siya gagawa ng drama series.


“No plans talaga for now. Next year, may international movie ako. So, focused ako ru'n,”

wika ni Derek.


“Pahinga muna ako from teleserye. Alam mo naman ako, sinabi ko sa mga interviews na ‘pag nag-umpisa na ako ng pamilya, talagang ‘yun ang focus ko. So, ‘yan, kakakasal lang namin.


Wala, eh. Hindi ako makaka-focus sa ibang bagay kundi pamilya ko. I really need to just take a break and enjoy the next chapter of my life,” dagdag pa niya.


Bukod sa international film na gagawin ng aktor, gusto rin daw muna niyang ituloy ang honeymoon nila ni Ellen sa Africa.


Balak daw nilang umalis patungong Africa bandang second week of January next year at isasama raw nila ang anak ni Ellen kay John Lloyd Cruz na si Elias.


“Gusto naming ma-experience ni Elias ‘yung na-experience namin. Pinag-iisipan namin ni Ellen ito, eh, na kung nandu'n na kami, tapos ‘yung mga makikita namin, iwi-wish siyempre na makita ni Elias ‘yun.


"'Yung Safari, once mo lang gagawin ‘yun, eh. Maganda kung makasama namin si Elias, para ma-experience rin niya,” esplika ng mister ni Ellen.


Gusto rin daw sana nilang isama ang panganay niyang anak na si Austin, kaya lang ay hindi raw kakayanin dahil nag-i-school na ito.


Kuwento pa ni Derek, masaya raw ang kanilang pagsasama ni Ellen mula nang ikinasal sila.


Hindi raw sila nag-aaway at ini-enjoy lang nila ang pagpa-prank sa isa’t isa.


Kuwento pa niya, naloloka si Ellen sa kapapanood ng online concert ng BTS boy band ng Korea.


Mamahaling ticket at VIP pa raw ang binibili nito at hindi lang minsan kundi four times daw niyang pinapanood ito.


“Alam n’yo magkano ang ticket ng BTS, 1,500 dollars. Tapos, 4 days. Magkano na ‘yun, 6K dollars?” pambubuko ng aktor sa maganda niyang misis.


OMG!!! So, umaabot sa P300 K mahigit ang concert tickets ng BTS na binibili ni Ellen?


Just asking, sariling pera kaya ni Ellen ang ipinambibili niya o hinihingi niya kay Derek?


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page