Ibinuking ng mga co-stars… JULIA, MUKHA LANG SOSYAL PERO 'KANAL' DIN
Updated: Feb 25, 2022
ni Janiz Navida @Showbiz Special | February 24, 2022

Puring-puri si Julia Barretto ng kanyang mga co-stars sa bagong youth comedy-drama series mula sa VIVA TV at Project 8 Projects, ang The Seniors.
Sa ginanap na Zoom mediacon nu'ng Martes nang gabi kung saan present hindi lang si Julia kundi maging ang mga co-stars niyang sina Ella Cruz at Andrea Babierra, ikinuwento ng dalawang aktres na mukha lang daw pasosyal si Julia pero 'kanal' din ang ugali.
Oooops, don't get them wrong. Ang ibig lang naman nilang sabihin, sosyal magsalita si Julia pero may pagka-jologs din at marunong makibagay sa mga kapwa niya artista, ke maliit o big star, baguhan o hindi.
Kumbaga, hindi raw ito maarte at nag-iinarte sa set. Minsan pa nga raw, carefree si Julia sa mga kilos at pinapansin ng ate-atehan niyang si Ella kapag nakikita na raw ang panty ng aktres sa locked-in taping nila.
Kaya naman, hindi kataka-taka na nakabuo sila ng magandang rapport at pagkakaibigan sa set ng The Seniors.
Nabanggit nga rin ni Julia na tuwang-tuwa naman siya sa gay comedian na si Awra Briguela at naging close raw talaga sila sa taping.
Well, tiyak na makaka-relate ang mga kabataan sa bagong youth comedy-drama series na The Seniors na simula sa March 20 ay streaming online sa VIVAMAX Philippines, Hong Kong, Taiwan, Thailand, Malaysia, Indonesia, Singapore, Japan, South Korea, Macau, Vietnam, Brunei, Maldives, Australia, New Zealand, Canada, the USA, the Middle East at Europe.
Tatalakayin kasi rito ang high school life at ang mga problema at pagsubok na pinagdaraanan ng mga kabataan.
Maraming aral ang matututunan sa movie na mula sa direksiyon ni Shaira Advincula-Antonio at produced ng director couple na sina Antoinette Jadaone at Dan Villegas.





Comments