top of page
Search
  • BULGAR

Ibinuking ng direktor… HEAVEN AT MARCO, PANG-MAG-ASAWA NA ANG GALAWAN

ni Nitz Miralles @Bida | April 19, 2024




Ilang beses nadulas si Marco Gallo at sa mga sagot at sinabi nito sa mediacon ng pelikula nilang Men Are From QC, Women Are From Alabang, sila na nga ni Heaven. 


They are in a relationship, kaya ‘pag pinanood ng kanilang mga shippers ang Viva Films at Sari-Sari Network movie, sigurado silang hindi lang umaarte ang dalawa sa kanilang mga eksena. Sweetness at kilig from a real-life couple ang kanilang mapapanood.


Sabi kasi ni Marco, pinagseselosan ni Heaven ang mga ex niya. 


“Nagseselos siya. 'Bakit ka nagseselos, ikaw lang ang girlfriend ko, ikaw lang,'” sabay tanong kay Heaven.


May mga sinabi pa si Marco na parang relationship reveal na at nang mahalatang he was talking too much, biglang may pambawi at sabi, “We want it to be private.”


Kaso, ibinuking ni Director Gino Santos ang kanilang sweetness sa set at para raw mag-asawa na ang turingan nila. 


Naikuwento tuloy ni Heaven na sa isa nilang taping, nakita ni Marco na marumi ang mga paa niya, pinaupo siya nito at hinugasan ang kanyang mga paa. 


Kundi pa pagmamahal ‘yun, ewan ko na lang.


Sa movie, si Aica ang taga-Alabang at si Marco bilang si Tino ang taga-Quezon City at ipapakita nila ang problema ng magkarelasyon na magkalayo ang mga bahay. 


Mapapanood din sa movie ang commuters problem.

                                                                    


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page