Ibinuking ng BFF na si Angelica… GLAIZA, NAWALAN NG PANTY, BUMILI SA TALIPAPA
- BULGAR
- Jan 22, 2024
- 1 min read
ni Beth Gelena @Bulgary | January 22, 2024

May nakakaantig na birthday message si Angelica Panganiban sa kaibigang si Glaiza de Castro.
Sa kanyang Instagram page ay nag-post ang aktres ng mga photos nila ng Kapuso actress na kuha nu'ng mga nakaraang taon pa.
Ani Angelica sa mahabang caption niya, "Si Glaiza, pinakamasarap maging kaibigan, pinaka-game sa puyatan, kahit anong oras, pupuntahan ka niya. Aangkas siya sa motor ng masahista makarating lang sa 'yo.
"Si Glaiza ang pinakamasarap kasama sa sound trip, bibiritin niya mga kanta ni Dua Lipa ng ganu'n-ganu'n na lang.
"Si Glaiza pinakamasarap kasama sa byahe, mawawala maleta niya pero chill lang siya, bibili na lang kami ng panty sa talipapa ng Bhutan, lalabhan at isasampay namin mga bagong panty niya.
"Si Glaiza ang pinaka-rockstar na ninang ni Bean, bubuhatin niya si Bean para makakain ako.
"Si Glaiza ang pinakamatagal ko nang kaibigan. Hanep na, solid pa. Hippie birthday sa 'yo amigah! Kahit may bata na 'ko ngayon, ikaw pa rin ang Number 1 bataah sa puso ko.
Fly high baard!"
Naantig ang puso ng kanilang mga fans sa napakagandang birthday message ni Angge sa kaibigan.





Comments