top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Ibang level!... LOVI, BINATI NG HAPPY BIRTHDAY NG AKTOR SA HARRY POTTER

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 13, 2021
1 min read

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | February 13, 2021




For a change, mapapanood si Lovi Poe sa isang masayang serye na tiyak na maghahatid ng good vibes at aral sa mga viewers.


Dati-rati ay mga heavy drama series ang ibinibigay ng GMA Network kay Lovi. Minsan, may pagka-daring and sexy pa nga ang role niya.


Kaya nang ialok sa kanya ang Owe My Love ay natuwa si Lovi Poe. Nag-enjoy siya sa locked-in taping dahil bukod sa kuwela ang kanyang character, masasayahing artista pa ang kanyang nakakasama tulad nina Nova Villa, Leo Martinez, Jackielou Blanco, Benjamin Alves, Winwyn Marquez atbp..


Sa set ng Owe My Love na rin inabot si Lovi ng kanyang kaarawan noong Huwebes at naiyak siya sa sorpresa sa kanya na inihanda ng kanyang mga co-stars sa Owe My Love.


Binati kasi siya at nagpahatid ng sweet b-day message sa kanya ang BF niyang si Montgomery Blencowe! At may b-day greetings din kay Lovi ang British actor na si Tom Felton na isa sa cast ng Harry Potter.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page