top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Ibang klase! SARAH...

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 7, 2020
1 min read

SINIRA MUNA ANG IMAGE NI PIA SAKA TODO-PAKIUSAP SA NETIZENS NA 'WAG MAGALIT SA UTOL

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | November 7, 2020




Bagama't nakiusap na si Sarah Wurtzbach-Manze na huwag magalit ang mga netizens sa kanyang kapatid na si Pia Wurtzbach, hindi na mabubura pa ang pangit na impresyon na ginawa niya laban sa sariling pamilya, especially sa kanilang Mommy Cheryl.


Mas matindi ang kanyang akusasyon sa sariling ina kumpara sa panunumbat sa pagbabago diumano ng ugali ng kanyang Ate Pia.


Nabunyag pa sa buong mundo ang kanyang dinanas na gang rape noong bata pa siya. At mismong ang kanyang ina ang sinisisi ni Sarah sa masakit na karanasang pinagdaanan.


Sey ng ilang netizens, sana, kahit na sobra niyang kinasusuklaman ang kanyang ina, inisip man lang ni Sarah na damay sa kanyang ginawa ang reputasyon ng kanyang Ate Pia na inirerespeto ng marami bilang Ms. Universe.


Mahirap nang mabawi pa ni Sarah ang lahat ng kanyang sinabi kahit na anong paliwanag pa ang gawin niya. Ano pang mukha ang maihaharap ni Pia Wurtzbach ngayong nakabilad na sa buong mundo ang mga iskandalo ng kanilang pamilya?


Sayang, dapat ay nag-esep-esep muna si Sarah at hindi nagpadalus-dalos o nagpadala sa kanyang galit.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page