Iba na raw ang gusto… EMPOY, NA-BROKENHEARTED SA BABAE, UMAYAW NA
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | December 16, 2023

Nakabuti sa career ni Empoy Marquez ang pagiging freelancer niya ngayon.
Nakakatanggap siya ng projects mula sa iba’t ibang network at movie outfits.
Napapanood siya sa iba’t ibang shows ng TV5, NET25 at regular cast din siya sa action-seryeng Black Rider ng GMA Network.
Si Empoy ang nagpo-provide ng comedy sa action-packed serye ni Ruru Madrid. Sobrang cool guy si Empoy.
It seems hindi pa rin pumapasok sa kanyang sistema na naging bida siya sa blockbuster movie na Kita Kita katambal si Alessandra de Rossi. Hindi siya kinakitaan ng ere at hindi feeling big star kaya madali niyang nakakasundo ang lahat ng artistang nakakatrabaho niya.
Mabait at mapagmahal na anak si Empoy. Pero marami ang nagpapayo na dapat ay humanap na rin siya ng babaeng makakasama niya sa buhay.
Minsan nang nabigo sa pag-ibig si Empoy kaya natagalan na siyang magmahal uli. Sa career na lang niya ibinubuhos ang kanyang panahon. Dito raw siya masaya.





Comments