top of page
SPECIAL - SAM, UMAMING NAWALA ANG TIWALA AT RESPETO SA KANILA NI RHIAN KAYA NAGHIWALAY-FB

Ian, pinaringgan na banal na aso, santong kabayo… NETIZENS KAY MATET: MALDITA, BASTOS AT WALA KANG UTANG NA LOOB

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 1 day ago
  • 3 min read

ni Janiz Navida @Showbiz Special | June 22, 2026



NETIZENS KAY MATET: MALDITA, BASTOS AT WALA KANG UTANG NA LOOB

Photo: FB - Matet de Leon



Walang direktang pahayag si Matet de Leon matapos ang naging sagutan sa social media ng kanyang mga kapatid kay Superstar Nora Aunor (SLN) na sina Lotlot at Ian de Leon tungkol sa usapin ng mana.


Ang tanging ipinost ni Matet kinabukasan after ng naging interview ni Ian sa Fast Talk with Boy Abunda, na sinagot nga agad ni Lotlot sa presscon ng movie na kinabibilangan nito ilang oras pa lang ang nakaraan, ay ang Dubsmash niya ng kantang Banal na Aso, Santong Kabayo.


Makikita sa video na habang kumakanta ay may idinuduro si Matet at waring nang-aasar.


Bagama't wala nga siyang pinangalanan, iisa naman ang pagkakaintindi ng mga nakapanood sa kanya at iisa rin ang hula kung patungkol kanino ang lyrics ng kanta.

Matatandaan nga kasing sa statement ni Lotlot ay sinabi niyang tigilan na ni Ian ang pagsisinungaling tungkol sa binitiwan nitong pahayag kaugnay ng mana.


Tipong inayunan nga ito ni Matet at pumanig siya sa kanyang Ate Lotlot laban kay Ian.

May mga tawang-tawa kay Matet dahil ang lakas daw nitong mang-asar. Pero karamihan naman ng mga comments sa kanya na nag-trending sa threads ay gigil na gigil at galit sa kanyang patutsada kay Ian.

Ilan sa mga komento…


“Sana pinanood nina Matet at Lotlot buong interview ni Tito Boy kasi wala namang masamang salita na binitawan si Ian sa kanila, lalo na mang-aagaw ng mana. Wala ‘yun, si Lotlot lang nagsabi.”


“Ungrateful adopted, shame on you Matet.”


“Mga bastos na mga ampon, ‘di na lang magpakumbaba sa biological son ng nag-ampon sa kanila.”


“Maldita naman n’yan. Amponera.”


May mga nagpaalala pa ng pang-aaway daw noon ni Matet sa kanyang Mama Guy.

“Sa mga galawan nila at reaction, hindi nila maipagkakaila na nasaktan sila nang husto sa ginawa ng mother nila. Sino ba naman mag-e-expect na wala ni singkong duling na iniwan sa inyo kung itinuring kayong tunay na anak? Dapat si Matet, hindi talaga siya mag-expect dahil inaway niya nanay niya noon dahil sa tuyo business niya. Tingnan mo ang karma na inabot niya, sampal sa mukha. Ngayon isaksak niya sa baga niya ‘yung tuyo niya. Hahaha!”


“Napakamaldita. Kaya ‘di ako nanonood sa kanya. ‘Yung genes mo, du’n talaga sa nag-anak sa iyo.”


Ouch!!! Laban pa kaya si Matet o bawi na?





US-based nurse at singer-performer na si Nick Vera Perez (NVP).


NAKABALIK na nga sa USA ang US-based nurse at singer-performer na si Nick Vera Perez (NVP).


Recently, nakibahagi ang kilalang Filipino-American community figure sa engrandeng pagdiriwang ng ika-128 anibersaryo ng Araw ng Kalayaan ng Pilipinas na ginanap sa Grand Ballroom ng Hyatt Regency O'Hare, kasama ang iba pang miyembro ng Filipino-American community. 


Agaw-pansin si Perez sa suot niyang majestic black organza ensemble accented with gold streaks resembling elongated diamonds, na gawa ng  mentor niyang si Lisa Vasich, na itinuturing niyang ina, kaibigan, at katuwang sa trabaho. 


Kasama rin niya si Vasich, na nagsuot ng deep-black caped gown na may gintong accent.


Naging tampok din sa pagdiriwang ang pagdalo ni Republican gubernatorial candidate Aaron Del Mar, na posibleng maging kauna-unahang Filipino-American governor ng Illinois.


Bilang supporter ng Republican party, ipinahayag ni Perez ang kanyang suporta kay Del Mar at sa  kandidatura nito para sa Filipino-American community.


"Seeing Aaron Del Mar stand before our community as a candidate for Governor is a profound moment of pride," ani Perez.


Dagdag pa niya, "He represents the absolute best of our community's leadership, and God willing, his victory will bring historic honor to the Philippines and Filipino-Americans everywhere."


Maraming Pinoy friends ang singer abroad ‘coz no wonder, magaling siyang makisama at sabi nga niya, saanman siya makarating, proud Pinoy siya at ‘di tulad ng ilang halfies na nagkaroon lang ng dugong-banyaga ay feeling mga untouchables na.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page