top of page

IAN, NEVER MAGPAPA-SEXY KAHIT SI STEVEN SPIELBERG ANG DIREKTOR

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Oct 23, 2022
  • 3 min read

ni Janiz Navida @Showbiz Special | October 23, 2022



First time naming nakausap nang matagal ang heartthrob pa ring magaling na aktor at ngayon ay nagbabalik-action star na si Ian Veneracion sa face-to-face presscon ng kanyang newest digital action series na One Good Day na mapapanood sa online streaming app na Amazon Prime Video simula sa November 17 mula sa Studio Three-Sixty Productions.


Ang One Good Day ang pang-40th anniversary offering ni Ian sa kanyang mga fans and supporters lalo't tiniyak niyang magmamarka ang kanyang role rito at hopefully nga raw ay ma-appreciate ng mga viewers para madagdagan pa ang mga episodes ng 6-part series.


Bagets pa si Ian ay nag-a-action films na siya kaya hindi na bago kung tutuusin ang One Good Day para sa kanya, bukod sa in real life naman daw ay bumabaril talaga siya since 15 yrs. old na nag-start siyang mag-action.


Kaya naman super-excited siyang gawin ang kanyang role rito bilang si Dale Sta. Maria kung saan may mga stunts siyang talagang pinag-aralan at kinarir niya.


Ibang-iba nga ang hitsura ni Ian sa One Good Day, pina-mature nang konti kaya hindi siya makikilala agad at sa unang tingin, para siyang Hollywood action star. Although, noon pa naman ay marami na ang nagsasabi sa kanya na siya ang Pinoy version ni Robert Downey, Jr. a.k.a. Iron Man.


Bagama't nakilala si Ian ng mga bagong henerasyon (wow, ha, parang super-lolo naman na siya, char!) bilang heartthrob at papable actor sa mga romance-drama series ng ABS-CBN kapareha sina Bea Alonzo, Jodi Santamaria at Iza Calzado, inamin ni Ian na mas exciting at challenging pa rin talaga sa kanya ang action tulad nga nitong One Good Day.


At nu'ng biniro namin si Ian kung willing din ba siyang tumanggap ng sexy roles na uso ngayon, tutal ay marami pa rin naman ang nagpapantasya sa kanya, natatawa at paulit-ulit na sabi nito, "No, no. I have nothing against sa mga gustong magpakita ng boobs nila o ng puwet nila, pero for me, I will not do that kahit si Steven Spielberg pa ang direktor."


Kaya 'wag na nating asahan na may sexy or intimate scenes si Ian sa kanyang seksing leading lady sa One Good Day na si Andrea Torres.

When asked nga about their working relationship ni Andrea, natatawang kuwento ni Ian,


"Si Andrea, 'yung akala mong ang sexy niya, ang laki ng boobs, pero sa totoo lang, in real life, manang siya."


In short, conservative pala ang ex-GF ni Derek Ramsay, which is very opposite sa napaka-liberated namang si Ellen Adarna.


So, no wonder na si Ellen ang piniling pakasalan ni Derek dahil mas swak siguro sila personality wise.


Anyway, masayang pagbibida ni Ian sa One Good Day, “Masu-surprise sa ganda ng quality ang mga Pinoy viewers natin sa series na ‘to. Dahil sa current technologies na available ngayon, mas mataas na ang kalidad ng mga shots at tunog, pati na 'yung storya at fight scenes, mas creative na kaya talagang proud kaming maipamalas dito 'yung Filipino talent pagdating sa filmmaking."


Sa One Good Day, gagampanan ni Ian ang role ni Dale Sta. Maria, isang hitman na umalis sa Rodrigo Organization matapos niyang malaman na siya ay merong tumor sa utak at nalalapit na ang kamatayan.


Pero dahil sa pagkamatay ng kanyang mga mahal sa buhay, umalis sa pagreretiro si Dale at napilitang gawin ang kanyang huling personal na misyon.


Nangunguna para maisabuhay ang kaabang-abang na action series na ito ay ang action director na si Lester Pimentel Ong – kilala sa mga TV series at pelikula tulad ng Panday, Lastikman, Imortal, La Luna Sangre, Indio at Bagani.


Kasama ni Ian sa star-studded cast ng One Good Day sina Rabiya Mateo bilang Sandra, Andrea Torres bilang Alex Sandoval, Aljur Abrenica bilang Kyzer Catillo, Justin Cuyugan bilang Roman Rodrigo, Nicole Cordoves bilang Anne Rodrigo, Pepe Herrera bilang Joey Rodrigo, Robert Seña bilang Atty. Bobby Miclat and Menchu Lauchengco-Yulo bilang Gloria Marquez.


Mapapanood din sa six-episode series na ito sina Claire Ruiz bilang Mayor Beatrice Marquez, Louise Abuel bilang Lucky, Joe Vargas bilang Agent Renz Cruz, Marela Torre bilang Agent Kona, Lance Pimentel bilang Lando, at Pontri Bernardo bilang Governor Paulo Simon.


Isang kuwento tungkol sa pamilya, pag-ibig, kasakiman at kapangyarihan, i-stream ang One Good Day sa Amazon Prime Video tuwing Huwebes simula November 17, 2022.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page