Humingi ng tulong, sinopla… NETIZEN KAY DINGDONG: MGA ARTISTA, DAPAT MAG-DONATE NG TIG-P1 M!
ni Nitz Miralles - @Bida | December 22, 2021

Kumilos na rin ang mga taga-showbiz sa pagtulong sa mga naapektuhan ng Bagyong Odette. Sina Kris Aquino at Angel Locsin, magka-tandem sa pagtulong at kahapon, sumama si Kris kay VP Leni Robredo sa pamimigay ng relief goods.
Si Willie Revillame, sakay ng helicopter, buong araw inikot ang mga lugar na naapektuhan ng bagyo dala ang relief goods. Nabanggit nitong walang Christmas party ang mga taga-Wowowin dahil ‘yung budget sa party, itutulong na lang.
Si Gerald Anderson, naghatid din ng tulong at nakipag-coordinate sa Philippine Coast Guard kung saan isa siyang reservist. Kumilos na rin si Matteo Guidicelli na isang Marine reservist.
Si Sunshine Cruz, sa halip na magkaroon ng Christmas annual party, ido-donate na lang ang budget para sa mga nasalanta ng bagyo.
Si Dingdong Dantes na isang Navy reservist at ang Yes Foundation, nagpahatid na ng tulong sa Siargao at may mga susunod pa tiya
May post si Dingdong tungkol sa kalamidad na dumaan sa ating bansa. Sabi nito, excited sana silang umuwi ni Marian Rivera mula sa Israel, pero dahil sa nangyaring kalamidad, napalitan ng lungkot ang kanilang tuwa. Nanawagan si Dingdong ng contribution sa mga kaya pang tumulong.
May epal lang na nag-comment na dapat, bawat artista ay magbigay ng P1M at hindi lang puro post kung paano mag-donate.
Mahaba ang sagot ni Dingdong, nag-quote lang kami ng ilang parte, “Musta ka? Sana’y okay ka, pati ang mga mahal mo sa buhay. Kung mayroon ka mang kakilala (kami marami) na nasalanta, sana’y ligtas sila. Alam mo, p're, marami mang tulong ang naiparating na, tinitiyak ko sa iyo na marami pa ring kulang.”
Dugtong niya, “Alam mo bang itong post na ito ay nakalikom ng daang libo na dahil lamang sa isang pindot? Ilang litrong tubig para sa ilang pamayanan din ang maaari nitong ibigay - bukod pa sa mga personal naming contribution (na hinding-hindi ko sasabihin sa iyo kung magkano at ano). Mejo “creative” 'tong mungkahi mo, p're. Pero ako na nagsasabi sa iyo, kung magawa mong kumbinsihin na gawin 'yan sa mga tao (artista man o hindi) ay saludo ako sa iyo. Pero sa ngayon, 'di ako bilib sa paraan mo.”





Comments