Humingi ng dasal… EDU, MANGIYAK-NGIYAK NANG SUMAKAY SA KOTSE NI CHERRY PIE
- BULGAR
- Dec 28, 2021
- 1 min read
ni Nitz Miralles - @Bida | December 28, 2021

Binabasa namin ang mga comments sa post ni Cherry Pie Picache noong Christmas kung saan, kasama ng kanyang pamilya na nag-celebrate ng Pasko ang boyfriend niyang si Edu Manzano.
Dahil hindi itinatago ang relasyon, kita ang genuine na ngiti at saya sa mga mata at mukha ng couple. First Christmas nina Edu at Cherry Pie ito, kaya special sa kanilang dalawa.
Ang daming taga-showbiz na nag-like ng larawan at ang iba nga, nag-comment pa. Nag-agree rin ang mga followers ni Cherry Pie sa caption niya sa ipinost na photos na “Dahil Pag-ibig ang Kulay ng Pasko!!! Mula sa aking mga pamilya, isang Maligaya at Mapagpalang Pasko!!!”
Hindi pa ipinost ni Edu ang photos sa Christmas niya with Cherry Pie and her family, pero sobrang aliw ang caption nito sa larawan niyang kunwari, takot na takot habang nakasakay sa car ng GF.
“Eto ako kapag nakasakay sa kotse ni Pie Picache at siya ang nagmamaneho!! Nagdadasal at mangiyak-ngiyak pa!!!” at may nakakatawang hashtag na #dyuskopo #watchoutwatchout #prayforme.
Sumagot ang aktres ng “Sobra naman” at sinagot ni Edu ng “Almost had a nervous breakdown.”
Comment ng mga netizens, masaya siguro kapag magkasama ang dalawa dahil sa mga patawang hirit ni Edu. Kasunod nito ang wish ng marami na sila na forever at kasalan na ang kasunod.





Comments