top of page
Magui Ford Planas at Robbie jaworski - IG.jpg

5 sasakyan nagkarambola, 6 nadale

Writer: BULGAR
BULGAR
3 hours ago
1 min read

by Mai Ancheta @News | November 27, 2026



Karambola sa national highway ng Brgy. Anislagan, Maco, Davao de Oro - FB Harley Mae Castulo Circulated

Photo: Karambola sa national highway ng Brgy. Anislagan, Maco, Davao de Oro - FB Harley Mae Castulo / Circulated



Sugatan ang anim katao sa karambola ng limang sasakyan sa national highway ng Brgy. Anislagan, Maco, Davao de Oro nitong Miyerkules ng tanghali.


Batay sa imbestigasyon ng Police Regional Office 11, patungo lahat sa Tagum City ang mga sasakyang sangkot sa insidente.


Nabangga umano ng isang pampasaherong bus ang likuran ng van na dahilan upang mabangga naman ng van ang isang kotse sa unahan nito.


Dahil sa salpukan, nawalan umano ng kontrol ang bus at sumalpok sa isang tricycle at isang pick-up na nasa outer lane.


Mabilis na nakaresponde ang rescue team ng bayan ng Maco at agad na naisugod sa ospital ang mga sugatang biktima.


Hawak na ng Maco Police station ang driver ng bus at inihahanda na ang kaukulang kasong isasampa laban sa kanya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page