top of page
Search
  • BULGAR

Huling SONA ng Pangulo, nalimutan agad sa pagkapanalo ni Hidilyn sa Olympics

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | July 28, 2021



GINTONG MEDALYA NI HIDILYN ANG IPINAGBUNYI NG MGA PINOY, HINDI ANG HULING SONA NI P-DUTERTE—Nang matapos ang huling SONA (State of the Nation Address) ni P-Duterte ay nagbunyi ang sambayanang Pilipino, napuno ang social media, lalo na ang Facebook at Twitter nang post at comment na pagbati ng “Congrats, Philippines!”


Noong una, inakala ng mga DDS na ang SONA ni P-Duterte ang kino-congrats ng sambayanang Pinoy, ‘yun pala ay hindi kasi nang tingnan nila ang mga post at comments, nalaman nilang si Weightlifter Hidilyn Diaz ang kino-congratulate ng mamamayang Pilipino dahil nanalo ito ng gintong medalya sa Tokyo Olympics, boom!


◘◘◘


PAGKAINIS NG MAJORITY PINOYS SA HABA NG SONA NI P-DUTERTE, NAPALITAN NG SAYA SA GINTONG MEDALYA NI HIDILYN—Sa totoo lang, daming nainis sa pagkahaba-habang oras na satsat ni P-Duterte sa SONA, gayunman, ang pagkainis ng mayoryang Pinoy sa SONA ng pangulo ay napalitan ng saya nang manalo si Hidilyn at makamit ng Pilipinas ang kauna-unahang gintong medalya mula nang lumahok ito sa Olympic noong year 1924.


Congrats Hidilyn, mabuhay ang Pilipinas!


◘◘◘


SONA NI P-DUTERTE, DINEDMA NG MAJORITY PINOYS, NAGPOKUS SA PAGKAPANALO NG PILIPINAS NG GOLD MEDAL SA OLYMPIC—Matapos manalo ng gintong medalya si Hidilyn, ang ginawa ng mayoryang Pinoy ay hindi na nanood at nakinig sa last SONA ni P-Duterte, at nagpokus na lang sa panonood at pakikinig ng balita tungkol sa pagkapanalo ng Pilipinas ng gold medal sa Olympic.


Ibig sabihin, talbog sa gintong medalya ni Hidilyn ang SONA ni P-Duterte. Boom!


◘◘◘


MGA DDS NA NAMBASH NOON KAY HIDILYN, DAPAT IHINGI NG SORRY NI P-DUTERTE—Siguradong paiimbitahan ni P-Duterte sa Malacañang si Hidilyn upang personal itong mabati, at sana kapag nagkaharap sila ay ihingi ng pangulo ng paumanhin ang ginawang pamba-bash kay Hidilyn ng mga DDS noong 2019.


Nag-post kasi sa social media si Hidilyn na humihingi ng suporta sa mga pribadong kumpanya sa laban niya sa Tokyo Olympic, at wala naman siyang sinabing walang suporta sa kanya ang Duterte gov’t., aba’y mantakin ninyong binash na ng mga DDS ang pambato ng Pilipinas sa Olympic, ginawan ng fake news, siniraan at “binato” ng mga masasakit na salita, tsk-tsk-tsk!

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page