Huli sa video… GRETCHEN, MUNTIK MASUBSOB SA PAGHAHABOL NG PANABONG NA MANOK
- BULGAR
- Dec 11, 2021
- 1 min read
ni Nitz Miralles - @Bida | December 11, 2021

Nakakatuwa at nakakatawa ang video ni Gretchen Barretto na naghahabol ng manok na pang-sabong daw. Sa pagmamadali ni Gretchen na mahuli ang manok, muntik na siyang masubsob at nabanggit na unlucky daw siya, sa sabong siguro.
Natuwa ang mga netizens sa pakikipaghabulan ni Gretchen sa manok na mabilis tumakbo.
Still on Gretchen, pasabog na naman ito dahil sa Christmas dinner nila ni Tony Boy Cojuangco with Dominique at ang fiancé nitong si Michael Hearn, may glam team itong nag-ayos sa kanya.
Ang ganda-ganda ni Gretchen sa kanyang white dress at pinansin ng mga netizens na naka-tsinelas ito na tama lang naman dahil nasa bahay nila siya. Gusto sanang alamin ng mga netizens kung anong brand ang tsinelas na suot ni Gretchen.
Samantala, patuloy ang pasasalamat ng entertainment press, mga artista at lahat ng napadalhan ni Gretchen ng Christmas gift.
Ang laking bagay ng box of goodies at sack of rice na kanyang ipinadadala, kaya naman, lahat ay nagpapasalamat.
May mga curious ngang nagtanong kung magkano na kaya ang nagasta ni Gretchen mula pa noong una siyang mamahagi ng ayuda?





Comments