Hot na hot sa aktor… SANYA, 'DI NAKAPAGPIGIL NANG MAKITA ANG KATAWAN NI DERRICK
ni Nitz Miralles - @Bida | April 22, 2021

Nag-comment si Sanya Lopez sa ipinost ni Derrick Monasterio na larawan ng aktor para sa Bench Body kung saan makikita si Derrick na naka-underwear.
Sa comment ni Sanya na “Oy, ohhhh” at sinundan ng fire emojis, marami na ang naki-comment at sumali sa convo nila ni Derrick.
May mga nag-ship sa dalawa, kaya lang, hanggang friends lang sina Derrick at Sanya kahit ang sagot sa kanya ni Derrick ay “Haha labyu.”
Si Sanya, single pa rin at si Derrick ay break na yata sa beauty queen niyang GF.
Anyway, dahil sa Bench Body pictorial ni Derrick, may mga nag-comment na mas bagay na siya sa mga sexy roles at siguradong aprubado ang mga nag-like sa photos niya at naki-comment.
May nagre-request pa nga ng more photos ng Kapuso actor in Bench Body dahil nabitin sila at hindi raw nila ito pagsasawaang tingnan.
Speaking of Derrick, mapapanood siya sa Legal Wives pero hindi pa alam kung ano ang role niya.
Sa ngayon, kasama siya nina Jose Manalo at Kakai Bautista sa Catch Me Out Philippines. Sorry sa mga fans ng aktor, pero lagi po siyang balot na balot sa show.





Comments