top of page
FRANKLY - ANAK NI PATRICK, LALONG NA-BASH AT NA-BULLY-IG _onlypatrickgarcia.jpg

Horoscope | Oktubre 7, 2022 (Biyernes)

BULGAR
Oct 7, 2022
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| Oktubre 7, 2022


Sa may kaarawan ngayong Oktubre 7, 2022 (Biyernes): Ginagarantiyahan ng iyong kapalaran na kapag nangibang-bansa ka, ikaw ay aasenso at sa totoo lang, ikaw ay yayaman.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Magiging mayaman ang iyong imahinasyon sa araw na ito. Dahil dito, maraming magagandang pormula ng pagpapayaman ang maiisip mo. Gawin mo agad ang pormula ng pagyaman na mapipili mo upang yumaman ka agad. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-2-19-20-25-28-30.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Makinig ka at sa bawat marinig mong maganda, itanim mo sa isip mo dahil kung susubukan mo, ayon sa iyong kapalaran, magtutuloy-tuloy ang pag-abante ng iyong kabuhayan at negosyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-16-25-27-30-34-38.

GEMINI (May 21-June 20) - Makakabuti sa iyo kung mamamahinga ka muna sa paglalakwatsa. Ayon sa kapalaran, sa mga sandali ng iyong pag-iisa, papasok sa isip mo ang napakagandang susi ng pagpapayaman. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-13-21-27-28-39-40.


CANCER (June 21-July 22) - Magpapabago-bago ang isip mo at madalas kang magpapalit ng pasya. Hindi ito makakabuti sa kapalaran mo, kaya ituloy mo lang ang dati mo nang ginagawa at mga plano. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-19-21-23-36-40-42.

LEO (July 23-Aug. 22) - Madaling masaktan ngayon ang iyong damdamin. Kapag nangyari na, manahimik ka lang dahil ang nasasaktang damdamin ay hindi na nakakapag-isip nang maganda. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-15-22-27-31-33-39.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Magugulo ang isip mo dahil magkakasalungat ang mga maiisip mong ideya. Ngunit ang pinakabagay sa iyo ay ang tugma sa iyong pagkatao at hindi ka lalayo, pero kikita ka nang malaki. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-3-16-24-26-37-41.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Ngayon ang tamang panahon para bumuo ka ng pangmatagalang plano para sa iyong kinabukasan. Huwag kang mag-alala, ikaw ay gagabayan ng mapagmahal na langit. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-2-18-20-23-30-32.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Nakakatuwa ang masuwerteng balita para sa iyo dahil ito ay nagsasabing, ang mismong kapalaran mo ang naghahanda para mapasaya at malubos ang kagalakan sa iyong puso. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-15-21-25-27-39-40.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Huwag kang magalit kapag ginagalit ka ng isang tao na sa totoo lang ay malapit sa iyo. Ito ay nangyayari para gumana ang mga suwerteng matagal nang nasa iyong katawan. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-19-23-24-26-33-38.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Nakakatuwa ang kapalaran mo ngayon dahil hindi ka makakakilos sa dami ng iniisip mo, na sa totoo lang ay mga kung ano-ano at wala namang kabuluhan. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-11-16-18-20-21-25.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Huwag kang makinig sa utos ng isip mo na maghanap ka ng ibang pagkakakitaan. Hindi ngayon ang araw ng pagpapalit ng hanapbuhay. Maghintay ka ng tamang panahon. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-11-14-17-24-26-34.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Mahirap maunawaan ang buhay sa mundo. May mga taong siya mismo ay inililigaw ang sarili. ‘Yun bang, nasa tama na, pero pumupunta pa sa mali. Sino siya? Walang iba kundi ikaw. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-13-21-24-34-38-42.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page