Horoscope | Setyembre 30, 2026 (Miyerkules)

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | September 30, 2026

Sa may kaarawan ngayong Setyembre 30, 2026 (Miyerkules): Hindi ka para sa mababa. Sa hanapbuhay, sa negosyo at sa mismong buhay, ikaw ay angat na angat dahil ito mismo ang kahulugan ng araw ng iyong pagsilang.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Itulak mo pa ang sarili mo sa mas mataas na kalagayan. Makakaasa ka na aayon sa iyo ang langit at malalagay ka sa lugar, kung saan ay nasa ibaba mo ang mga karibal mo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-9-12-18-20-29-41.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Lumayo ka sa alam mong hihilahin ka lang pababa. Mas maganda na nag-iisa ka lang kaysa naman sa may kasama ka nga, pero argabiyado ka naman. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-6-17-21-28-31-35.
GEMINI (May 21-June 20) - Matagal nang sinasabi sa iyo na bilis ang susi upang umunlad at lumigaya. Kaya ano pa ang ginagawa mo? Magmadali ka nang tapusin ang lahat ng nakabinbing gawain! Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-4-19-24-32-39-43.
CANCER (June 21-July 22) - Magmumula sa mga angat sa buhay ang magagandang kapalaran mo. Ingatan mong mahulog ang loob mo. Pansamantala lang sila hanggang sa matupad ang letra ng mga hulang ito. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-8-10-14-20-25-38.
LEO (July 23-Aug. 22) - Bumaba ka para itaas ka. Ito ang sikreto ng kapalaran mo sa mga araw na ito. Muli, gawin mo kahit pa nag-aalinlangan ka. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-3-15-22-26-30-39.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Mamili ka sa napakaraming ideyang labas-masok sa isip mo. Dahil ang totoo, kahit isa lang sa mga ito ay sobra pa sa sapat para matupad ang malalaking pangarap mo sa buhay. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-6-18-25-27-36-41.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Samahan mo ng positibong pananaw ang mga bagong kapalarang dumarating sa iyo. Hindi ka mabibigo dahil inaalalayan ng langit ang mga taong positibo sa buhay. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-5-16-21-24-34-42.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Napansin mo ba na kapag alam mo kung ano ang gusto mo at nilakipan mo agad ng pagkilos, agad mo itong nakukuha? Ngayong alam mo na, dapat laging ganoon ang gawin mong diskarte sa buhay mo. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-1-17-22-25-28-31.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Ngayon na ang araw mo! May kani-kanyang takdang araw ang bawat tao. Muli, ngayon na ang araw mo, kaya gawin mo na anumang gusto mong gawin. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-7-11-15-20-38-41.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Nakakatuwa ang nangyayari sa iyo. Lumalakas ang loob mo, pero nanghihina rin. Sa ganitong kalagayan, padadalhan ka ng suwerte ng langit at ikaw ay sobrang matutuwa. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-5-19-23-26-29-33.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Huwag kang magugulat kung makaranas ka na may ilang pangarap kang tila lumilipad at nawawala na sa iyo. Ito’y pagbabawas lamang sa mga walang katuturang gusto mo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-8-17-19-21-27-34.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kapag nawalan ka sa mga araw na ito, magbawas ka! Ito ang sikreto ng kapalaran mo, na ang resulta ay ang mabilis na pagdapo sa iyo ng mga bagong suwerte at mas magagandang kapalaran sa susunod na mga araw. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-2-16-18-25-30-37.



Comments