- BULGAR
- 3 hours ago
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | January 13, 2026

Sa may kaarawan ngayong Enero 13, 2026 (Martes): Misyon mong tulungan ang iyong kapwa para ipagkaloob sa iyo ng langit ang dagdag na biyaya.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19 ) - Susubukan ka ng langit kung mahaba ba ang iyong pasensya sa kapwa mo na nagkamali nang hindi nila sinasadya, rito mababase kung huhulugan ka ng grasya o hindi. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-9-11-18-30-36-41.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Hindi umaagos ang tubig kapag barado ang kanal. Nakabara ang ilang negatibong pananaw na nasa isip mo, kaya naaantala ang pagdating ng magagandang kapalaran mo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-6-16-20-27-39-45.
GEMINI (May 21-June 20) - Dagdagan mo kahit konti ang iyong puhunan nang sa ganu’n ay malagpasan mo ang umiiral na panahon upang mapatakbo mo ang iyong negosyo. Pero matapos naman nito, tuluy-tuloy nang darami ang iyong kabuhayan. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-2-15-29-31-35-44.
CANCER (June 21-July 22) - Nagpaparaya ang nakakaunawa. Habaan mo ang iyong pang-unawa para hindi na lumala ang mga problema. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-2-14-22-25-33-42.
LEO (July 23-Aug. 22) - Nagkakabungguan ang magkatapat. Sa ngayon, ang katapat mo ay ang makakaharap mo. Ito ang hiwaga ng kapalaran na dapat mong maunawaan. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-1-13-21-23-37-43.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Nakukuha sa mabuting usapan ang mga hindi pagkakaunawaan. Ang pinakamahalaga ay nag-uusap kayo nang bukas ang isipan at handang maghanap ng solusyon. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-5-18-24-28-34-40.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kapag kailangan huminto, huminto ka muna! Huwag mo nang ipagpilitang magpatuloy, lalo na kung wala namang pag-asa maayos pa. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-4-9-19-29-38-41.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Ito ang araw na magsisimula ang pagdating ng iyong suwerte. Isa lang ang dapat mong gawin, huwag kang kokontra at huwag kang mag-iisip ng negatibo, bagkus ituon mo ang isip mo sa magaganda at masasayang bahagi ng buhay. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-3-15-26-32-36-42.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Tinatalo ng pag-ibig ang galit. Ito ngayon ang isabuhay mo nang sa ganu’n ay mamagitan ang pagmamahalan. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-1-10-17-23-35-40.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Nangyayari ang hindi puwedeng mangyari sapagkat mahiwaga ang mundo. Ganu’n din ang iyong kapalaran, akala nila ay hindi ka yayaman, pero ito ay unti-unti nang magaganap ngayon! Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-6-14-16-25-39-44.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Para mapanatag ka, ang payo ay huwag kang dumikit sa mga kilala mong panay daing. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-2-19-22-27-30-45.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) – Kung ayaw pang pumabor sa iyo ng kapalaran, hayaan mo lang. Hindi dapat hinuhugot ang sariwang kahoy dahil ito ay mababali lamang. Hindi ka dapat mainip, dahil ipagkakaloob din naman ito sa iyo ng langit. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-5-18-21-24-37-43.




