top of page
Nadine Lustre - Zero Studio PH.jpg
Search

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | October 20, 2026



Horoscope


Sa may kaarawan ngayong Oktubre 20, 2026 (Martes): Hindi ka dapat magsawa sa pagtulong sa iyong kapwa, dahil ito ang dahilan kung bakit lagi kang pinagpapala ng langit.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Kung ano ang itinanim, iyon ang aanihin. Kaya magtanim ka para sa iyong kinabukasan. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-9-11-17-24-27-34.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Piliin mo ang pakikipagkasundo kahit alam mong maaagrabyado ka. Ang maganda rito, mapapanatag na ang buhay mo at magiging payapa pa ang iyong isipan. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-3-12-25-31-39-45.


GEMINI (May 21-June 20) - Sisingit ang pag-aalinlangan sa kasalukuyan mong proyekto. Gayunman, huwag mo itong bigyan ng puwang upang magtuluy-tuloy ang magandang takbo ng iyong buhay. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-6-17-20-22-34-40.


CANCER (June 21-July 22) - Maiiwanan mo ang iyong mga karibal at kakumpitensiya dahil magsasanib ang likas mong pagiging masuwerte at ang matindi mong kagustuhang umunlad. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-5-11-13-32-38-43.


LEO (July 23-Aug. 22) - Simulan mo na ang pamimigay ng mga regalo, dahil ito ang sikreto upang maaga ka ring regaluhan ng langit. Sa huli, aapaw nang husto ang iyong imbakan ng mga regalo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-1-18-21-30-36-42.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Pang-unawa ang kailangan mo ngayon. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-4-14-17-24-26-37.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Huwag mo nang hintayin na pilitin ka pa nila bago mo ibigay ang kanilang kagustuhan. Sa katunayan, wala kang magagawa, dahil mahina ngayon ang iyong personalidad. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-7-12-26-31-34-45.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Hawak mo ngayon ang mga barahang alas. Kaya walang panalo ang iyong mga kalaban. Ang pinakamaganda nilang gawin ay sumuko at umayon sa kagustuhan mo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-1-16-21-23-34-41.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Hindi nakakamit sa isang banat lamang ang malaking ambisyon. Kailangan mong isabuhay ang walang tigil na paghakbang hanggang sa marating mo ang dulo ng iyong pangarap. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-7-18-20-25-35-44.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Pag-isipan mong mabuti ang mga planong magpapaganda sa iyong buhay. Huwag kang tumulad sa iba na umaasa lamang sa tsamba at nagsasabing ang buhay ay nakasalalay sa suwerte. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-4-13-24-33-37-40.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Huwag kang mag-alala kapag nadehado ka sa ngayon. Sa huli, ikaw ang tunay na makikinabang sa masalimuot na sitwasyon. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-7-11-19-26-32-42.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Hindi puwedeng wala kang gawin lalo na kung nais mong umunlad. Kahit isang hakbang lamang o kaunting pagkilos ang gawin mo, langit na ang pupuno sa iyong mga pagkukulang. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-9-10-12-22-27-30.

 
 

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | October 18, 2026



Horoscope


Sa may kaarawan ngayong Oktubre 18, 2026 (Linggo): Isinilang ka na may kakambal na lakas ng loob na puwede mong magamit sa pagpapayaman. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran sa araw na ito ng iyong pagsilang.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Iyo ang araw na ito. Kaya gawin mo na anumang gusto mo. Bibigyan ka ngayon ng langit ng kalayaan upang magawa at mapagtagumpayan mo ito. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-4-19-28-32-36-41.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Ngayon ang masuwerteng araw mo para simulan ang mga proyektong magpapaunlad sa buhay mo. Gawin mo ito nang mabilis at walang pag-aalinlangan. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-8-18-21-27-30-35.


GEMINI (May 21-June 20) - Lahat ay nagbabago sa ibabaw ng mundo. Ang mas madalas makaranas ng mabilisang pagbabago ay ang mga tulad mong pabagu-bago ang pasya. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-5-17-20-22-26-34.


CANCER (June 21-July 22) - Kung ano ang nahahawakan, iyon ang katotohanan sa mundo ng reyalidad. Ang mga akala mong totoo ay bahagi lamang ng pagpapantasya mo. Ito ang mensahe sa iyo ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-aquamarine. Tips sa lotto-2-11-16-28-39-42.


LEO (July 23-Aug. 22) - Inihahanda na ng langit ang daan tungo sa kaunlaran ng iyong buhay. Ihanda mo rin ang iyong sarili dahil kung mananatili sa iyo ang mga hindi magandang katangian, mawawalan ng saysay ang kaunlarang inihanda sa iyo ng langit. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-9-13-27-35-37-41.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Huwag mo nang balikan ang mga bagay na hindi natapos sa nakaraan. Maghintay ka ng tamang panahon, dahil may mga araw na angkop para balikan ang nakaraan. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-1-17-20-25-35-40.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Ginawang mapalad ng langit ang araw na ito para sa iyo. Lahat ng suliranin mo ay isa-isa nang mawawala. Gayunman, may isang kondisyon, panatilihin mo ang pag-ibig at pagmamahal mo sa iyong pamilya. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-3-12-18-24-27-33.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kapag nakaranas ka ng pagbabagong hindi mo gusto, huwag mo ito piliting labanan, dahil kumikilos ngayon ang iyong kapalaran para sa ikauunlad mo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-5-17-28-30-34-42.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kahit may mga kahinaan at pagkukulang ka, patuloy na pagagandahin ng langit ang iyong buhay para sa iyo at sa mga mahal mo sa buhay. Wala kang magagawa dahil matagal nang nakaplano ang lahat ng ito. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-6-11-14-28-31-36.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Pinapatatag ka ng langit sa mga pagsubok na nalampasam mo. Kaya sa ngayon, kayang-kaya mong harapin ang mga pagsubok na nasa iyong harapan. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-1-19-22-32-35-43.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Masaya ngunit malungkot. Madalas itong mangyari sa buhay mo. Sasaya ka ngayon dahil magbabago na ang takbo ng iyong buhay, pero malulungkot ka rin dahil sa mga maling nangyari at mangyayari pa. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-7-17-21-24-26-38.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Ito ang araw na mabibigo ang mga nagnanais na masira ang iyong buhay. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-2-13-20-23-25-27.



 
 

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | October 17, 2026



Horoscope


Sa may kaarawan ngayong Oktubre 17, 2026 (Sabado): Positibong pananaw ang sikreto ng iyong kapalaran. Sa pamamagitan nito, ang mga suwerteng darating sa buhay mo ay matutulad sa isang punong hitik sa matatamis na bunga.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Kumapit ka sa mga nauna mong plano. Makakaasa ka, ang kaunlaran ay makakamit mo rin. Pero kung babaguhin mo ang iyong pasya, ang mga nasa iyo na ay maaari pang mawala. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-1-18-20-29-34-37.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Hinahon ang dapat mong pairalin sa mga taong nagagalit kahit mali naman ang kanilang katuwiran. Sa huli, kusa nilang matatanggap na wala sila sa lugar. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-9-12-21-23-32-43.


GEMINI (May 21-June 20) - Malalaking pagsubok ang iyong kinakaharap. Magkagayunman, ipakita mo na buo ang iyong loob upang ang mga ito ay isa-isa nang maglaho. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-2-11-19-26-30-41.


CANCER (June 21-July 22) - Iwasan mong pairalin ang iyong damdamin sa araw na ito. Magdesisyon ka batay sa katuwiran at talino mo. Kapag nagawa mo iyan, makikita mo, marami-maraming pera ang kusang darating sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-3-15-27-35-39-44.


LEO (July 23-Aug. 22) - Tulungan mo ang mga nangangailangan. Ito ang utos sa iyo ng langit. Bilang kapalit ng pagsunod mo sa utos ng nasa Itaas, ipagkakaloob Niya sa iyo ang malalaking kahilingan mo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-9-14-17-25-31-34.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Tutukan mo ang mga aktibidad na maaari kang kumita ng malaking halaga. Samantalahin mo ang magagandang pagkakataong ito. Masuwerteng kulay-gray. Tips sa lotto-6-13-18-22-26-38.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kumilos ka ayon sa kagustuhan mo, at huwag kang magkunwari. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-2-15-19-24-29-33.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Magdaratingan na ang magagandang kapalaran para sa iyo, na ikagugulat ng mga hindi naniniwala sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-8-12-20-22-32-41.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Huwag kang matukso sa mabilisan at madaling pagpapayaman. Kadalasan, ang nagmamadali ay nadadapa at nasusugatan. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-4-17-21-28-33-42.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Mas aangat pa ang kabuhayan mo. Gayunman, huwag kang mag-alala kung may mga pagkakataong makalampas sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-7-19-29-35-37-40.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Bumibilis ka nang bumibilis, kaya naman tila nakalalagpas sa iyo ang magagandang kapalaran. Mas mabuting bagalan mo ang mga kilos mo nang sa gayun ay matamo mo ang tamang pasyang dapat mong gawin. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-5-18-20-25-39-43.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Aanhin mo ang saya kung panandalian lamang? Piliin mo ang landas ng buhay na hindi lamang ikaw ang masisiyahan kundi pati na rin ang mga mahal mo sa buhay. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-3-18-23-30-32-45.



 
 
RECOMMENDED
bottom of page