top of page
Atasha Muhlach as Annie Batungbakal - IG.jpg

Horoscope | Oktubre 1, 2026 (Huwebes)

Writer: BULGAR
BULGAR
3 hours ago
2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | October 1, 2026



Horoscope


Sa may kaarawan ngayong Oktubre 1, 2026 (Huwebes): Ito ang araw na sinasabing sa pangangalakal at pagbebenta ka yayaman. Kaya ‘wag mo nang sayangin pa ang iyong panahon sa ibang gawain.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Tatagan mo ang iyong loob, dahil ito ang magdadala sa iyo sa pag-unlad. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-9-14-18-29-36-42.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Paramihin mo ang nasa sa iyo, at paramihin mo rin ang iyong kinikita. Sa ganitong paraan, yayaman ka at habambuhay na liligaya! Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-6-10-21-27-30-34.


GEMINI (May 21-June 20) - Bubukas ang maraming oportunidad sa iyong harapan. Puwede mo itong sunggaban, pero puwede ka rin muna maghintay ng mas magandang pagkakataon. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-2-16-23-28-38-41.


CANCER (June 21-July 22) - Kung sino ang masarap kausap, siya ang hanapin mo. Dahil sa kasalukuyan, higit na kailangan mo ang taong magbibigay sa iyo ng inspirasyon. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-7-13-22-31-36-44.


LEO (July 23-Aug. 22) - Kunin mo ang magagandang ideya ng mga nakakausap mo. Huwag mong pansinin ang kanyang kahinaan dahil ang kailangan mo lang naman ay mga ideya. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-3-15-17-21-25-39.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Bilis ang kailangan mo dahil sa araw na ito, bibigyan ka ng langit ng pagkakataong makabawi. Kaya huwag ka nang magdalawang-isip pa. Anumang oportunidad ang dumating sa iyong harapan, sunggaban mo agad. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-4-18-20-26-37-43.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Manatili ka lang sa iyong ginagawa. Hindi mabuti sa iyo ang palipat-lipat ng trabaho at ng kasosyo. Kailangang matuto kang mag-concentrate sa iisang gawain. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-1-15-22-30-38-42.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kung ano ang alam mong makakabuti sa iyo, iyon ang gawin mo. Huwag mong intindihin ang mga taong negatibo ang opinyon at mga pinagsasasabi sa iyo. Minsan, kailangang maging malaya ka at kumawala sa mga inuutos, sina-suggest at pinagsasabi ng mga nasa paligid mo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-8-12-19-29-33-40.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kung ano ang gusto mo, sunggaban mo agad. Sa ganyang paraan, yayaman at magtatagumpay ka. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-5-10-16-28-31-35.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Masarap mabuhay kapag may inspirasyon. Higit kailanman, dapat may inspirasyon ka sa buhay. Gawin mong inspirasyon ang iyong pamilya, dahil sila ang magpapayaman at magpapaligaya sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-9-14-20-25-32-37.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Nalalaglag ang ilang piraso ng balahibo sa pakpak kapag lumilipad. Sa paglipad mo sa iyong pangarap, huwag mo nang pahalagahan ang ilang mawawala sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-1-15-17-21-23-36.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Hindi ka dapat mabuhay sa pantasya at pangarap. Kaya huwag mo nang habaan ang pag-iisip ng mga bagay na malabo at imposible namang mangyari. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-6-11-19-27-35-41.


Comments

Couldn’t Load Comments
It looks like there was a technical problem. Try reconnecting or refreshing the page.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page