Horoscope | Oktubre 2, 2026 (Biyernes)

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | October 2, 2026

Sa may kaarawan ngayong Oktubre 2, 2026 (Biyernes): Hindi ka dapat matakot ngayon, dahil nakahanda na ang regalo sa iyo ng langit. Kapag lumabas ka ng bahay at sumunod sa mga ipinapagawa sa iyo ng mga hinahangaan at ginagalang mong mga tao, malaking halaga ng salapi ang matatanggap mo.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Lalambot ang puso at damdamin mo. Kaya ang araw na ito at iba pang mga araw na darating ay masasabing masuwerte sa pakikipagrelasyon at sa pagpapaamo ng kapwa. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-5-11-19-24-37-39.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Magmumula ang tuwa at saya mo sa mga minamahal mo. Mas magandang may ganting saya’t tuwa nang sa ganu’n ay madama ang para bang walang katapusang ligaya. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-9-10-15-27-32-44.
GEMINI (May 21-June 20) - Babagal ang kilos ng iyong buhay dahil lihim kang inuutusan ng langit na asikasuhin ang iyong love life. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-1-18-26-36-38-40.
CANCER (June 21-July 22) - Gagawa ka ng kabutihan sa kapwa mo at ang langit na laging sa iyo’y nakamasid ay gagawa naman ng kabutihan para sa iyo. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-4-14-18-23-34-42.
LEO (July 23-Aug. 22) - Maaawa ka ngayon, at ang iyong kaaawaan ay agad ka namang mamahalin. Gayunman, huwag mong ipagpalagay na ang awa mo ay isa nang tunay na pag-ibig. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-3-20-22-25-31-38.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Hihina ang iyong mga lihim at lantad na kaaway. Nasa pinakamahina silang kondisyon. Kung hindi ka maawa sa kanila, wala na talaga silang kalaban-laban sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-2-11-17-24-33-35.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Mababa ang puso mo ngayon. Problema ang kakaharapin mo kapag naawa ka sa dating naging bahagi ng iyong buhay. Ito ay isang babala at ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-8-14-16-23-32-43.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Nasa todong-lakas ang suwerte mo ngayon. Mapapahiya ang mga naghahangad na mabigo ka at ang mga kontrabida sa buhay mo ay mamamangha. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-2-15-25-31-37-41.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Ramdam mong mas mataas ka kaysa sa mga pangkaraniwan. Magkagayunman, sa pagpapakumbaba magdaratingan ang iyong magagandang kapalaran. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-7-16-22-28-30-33.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - May takdang panahon ang bawat aktibidad sa ibabaw ng mundo. Ngayon ang masuwerteng panahon para sa pagkakawanggawa. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-4-12-25-28-36-42.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Napansin mo ba, nagbabalikan sa iyo ang iyong mga nakaraan? Kasamang babalik ang mga araw na kung kailan ay sinuwerte ka nang paulit-ulit. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-1-11-14-29-39-44.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kailangan mo ng kasama at alalay. Dahil ang kasama at ang alalay na ito ang magpapayaman sa iyo, lalo na kung sila ay isinilang sa petsang 5, 14 at 23. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-4-15-20-26-34-45.



Comments