top of page
BIDA - XIAN GAZA, SOBRANG LIBELOUS ANG PANINIRA KAY ALDEN, NAGTATAGO SA THAILAND_FB Christ

Horoscope | Hulyo 18, 2026 (Sabado)

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 18
2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | July 18, 2026



Horoscope


Sa may kaarawan ngayong Hulyo 18, 2026 (Sabado): Inaasahang magtatagumpay ka dahil ang kahulugan ng araw ng iyong pagsilang ay malalaking panalo laban sa mga hamon ng iyong kapalaran.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) – Iyung-iyo ang araw na ito. Kung ano ang gusto mo, iyon ang gawin mo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-3-18-20-29-34-42.


TAURUS (Apr. 20-May 20) – Suwerte ka ngayon. Sa katunayan, kahit hindi mo pansinin ang ilang suwerteng darating, muli pa ring magbabalik ang mga ito dahil nakalaan ito para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-4-11-17-28-31-45.


GEMINI (May 21-June 20) – Malakas ang kalaban mo ngayon. Kaya mas maganda kung maghihintay ka ng tamang pagkakataon upang matalo mo sila. Masuwerteng kulay-maroon. Tips sa lotto-2-16-22-24-39-41.


CANCER (June 21-July 22) – Bumanat ka! Ito ang araw na mananalo ka, lalo na kung magkakaroon ka ng lakas ng loob na gawin ang kinokontra ng mga tao sa iyong paligid. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-6-14-21-32-37-44.


LEO (July 23-Aug. 22) – Huwag mong maliitin ang iyong karibal, dahil walang tigil siyang mag-iisip kung paano ka maiisahan. Ingatan mong lumabis ang kumpiyansa mo sa iyong sarili. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-5-10-12-15-27-30.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) – Muli, ipinaaalala sa iyo na pagkilos ang iyong kailangan. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-7-17-25-28-36-38.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) – Ingatan mo kung ano ang nasa iyo na, at pahalagahan mo ang hawak mo sa kasalukuyan. Sa ganitong paraan, magiging maganda ang buhay mo at hindi na mauulit ang iyong mga kabiguan. Masuwerteng kulay-aquamarine. Tips sa lotto-1-16-20-26-33-39.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) – Kung ano ang kaloob ng langit, tanggapin mo. Sa paraang ito, matutuwa sa iyo ang langit. Pagpapalain ka, at ang mga biyaya ay bubuhos upang lalo kang sumaya. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-6-18-24-31-35-42.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) – Lalo pang lalakas ang iyong loob. Makadarama ka ng kakaibang sigla na para bang kaya mong gawin kahit ang mga imposibleng bagay. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-8-19-23-34-37-40.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) – Dumiin ka. Kumbaga, huwag kang pumayag na makuha ng iba ang gusto nilang agawin sa iyo. Makakaasa kang mabibigo sila dahil sa pagdiin mo, at isa-isa nang mawawala ang mga kalaban at karibal mo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-9-16-21-27-35-41.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) – Huwag mong ayawan ang maliliit na suwerteng nasa iyong harapan. Maniwala ka man o hindi, kapag napasaiyo na ito, ang maliit ay magiging malaki pa. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-7-13-22-25-30-43.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) – Pasayahin mo ngayon ang iyong sarili. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran upang lalo kang suwertehin. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-2-10-26-29-32-36.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page