top of page
Search

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | January 13, 2026



Horoscope


Sa may kaarawan ngayong Enero 13, 2026 (Martes): Misyon mong tulungan ang iyong kapwa para ipagkaloob sa iyo ng langit ang dagdag na biyaya. 


ARIES (Mar. 21-Apr. 19 ) - Susubukan ka ng langit kung mahaba ba ang iyong pasensya sa kapwa mo na nagkamali nang hindi nila sinasadya, rito mababase kung huhulugan ka ng grasya o hindi. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-9-11-18-30-36-41.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Hindi umaagos ang tubig kapag barado ang kanal. Nakabara ang ilang negatibong pananaw na nasa isip mo, kaya naaantala ang pagdating ng magagandang kapalaran mo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-6-16-20-27-39-45.


GEMINI (May 21-June 20) - Dagdagan mo kahit konti ang iyong puhunan nang sa ganu’n ay malagpasan mo ang umiiral na panahon upang mapatakbo mo ang iyong negosyo. Pero matapos naman nito, tuluy-tuloy nang darami ang iyong kabuhayan. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-2-15-29-31-35-44.


CANCER (June 21-July 22) - Nagpaparaya ang nakakaunawa. Habaan mo ang iyong pang-unawa para hindi na lumala ang mga problema. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-2-14-22-25-33-42.


LEO (July 23-Aug. 22) - Nagkakabungguan ang magkatapat. Sa ngayon, ang katapat mo ay ang makakaharap mo. Ito ang hiwaga ng kapalaran na dapat mong maunawaan. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-1-13-21-23-37-43.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Nakukuha sa mabuting usapan ang mga hindi pagkakaunawaan. Ang pinakamahalaga ay nag-uusap kayo nang bukas ang isipan at handang maghanap ng solusyon. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-5-18-24-28-34-40.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22)  - Kapag kailangan huminto, huminto ka muna! Huwag mo nang ipagpilitang magpatuloy, lalo na kung wala namang pag-asa maayos pa. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-4-9-19-29-38-41.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21)  - Ito ang araw na magsisimula ang pagdating ng iyong suwerte. Isa lang ang dapat mong gawin, huwag kang kokontra at huwag kang mag-iisip ng negatibo, bagkus ituon mo ang isip mo sa magaganda at masasayang bahagi ng buhay. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-3-15-26-32-36-42.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Tinatalo ng pag-ibig ang galit. Ito ngayon ang isabuhay mo nang sa ganu’n ay mamagitan ang pagmamahalan. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-1-10-17-23-35-40.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Nangyayari ang hindi puwedeng mangyari sapagkat mahiwaga ang mundo. Ganu’n din ang iyong kapalaran, akala nila ay hindi ka yayaman, pero ito ay unti-unti nang magaganap ngayon! Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-6-14-16-25-39-44.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Para mapanatag ka, ang payo ay huwag kang dumikit sa mga kilala mong panay daing. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-2-19-22-27-30-45.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) – Kung ayaw pang pumabor sa iyo ng kapalaran, hayaan mo lang. Hindi dapat hinuhugot ang sariwang kahoy dahil ito ay mababali lamang. Hindi ka dapat mainip, dahil ipagkakaloob din naman ito sa iyo ng langit. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-5-18-21-24-37-43.

 
 

ni Maestro Honorio Ong @Forecast | Jan. 12, 2026



Year of the Horse 2026 Zodiac Sign Leo


Nitong mga nakaraang araw ay sinimulan na nating talakayin ang magiging kapalaran ng zodiac sign na Leo, at sa pagkakataong ito ay ipagpapatuloy na uli natin ang ating diskusyon.


Kung ikaw ay isinilang noong ika-23 ng Hulyo hanggang ika-22 ng Agosto, tulad ng paulit-ulit nang nasabi nitong mga nakaraang araw, ang zodiac sign na Leo ay tiyak na isa sa magiging pinakamapalad sa taong ito.


Mangyayari ang pambihirang suwerte ng Leo ngayong 2026, dahil tulad ng nasabi na, eksaktong Hunyo 30 ay darating ang pinakamasuwerteng planeta na Jupiter. Ito ay isang bihirang pangyayari na minsan lamang magaganap sa loob ng 12 taon. Kung saan, ang mga dating hadlang sa iyong tagumpay,  unti-unti nang mahahawi at tuluyang mawawala.


Ibig sabihin, sa panahong ito ng iyong buhay, anuman ang hawakan mo ay magiging ginto, na nangangahulugang malalaki at produktibong katuparan ang iyong makakamtan sa lahat ng iyong gagawin.


Sa wakas, at sa minsang panahong ito ng iyong buhay, mararamdaman mo rin ang tunay na ligayang dulot ng tagumpay.


Dagdag pa rito, sa bawat umaga ng iyong paggising ngayong Fire Horse at sa buong 2026, wala nang takot, pagkabalisa, at pag-aalinlangan. Mararamdaman mo sa iyong sarili na ikaw ay laging masigla at masaya, at buo ang iyong loob na anuman ang ipataw sa iyong balikat ay tiyak na mabubuhat mo, matatapos mo, at madadala mo sa tagumpay nang walang kahirap-hirap at may ngiti sa labi.


Ikaw ay poprotektahan din ng langit, kaya’t mababalot ka ng isang sinag na hindi nakikita. Anumang negatibong puwersa ang lumapit sa iyo ay tila tatalsik palayo, sapagkat para kang may espesyal na kapangyarihang nagtutulak palayo sa lahat ng masasamang enerhiya.


Kaya tulad ng nasabi, wala kang takot at napakalakas ng iyong loob. Sa bawat hakbang mo sa career, pananalapi, lipunan, maging sa love life at pamilya, tiyak na hahantong ito sa walang kapantay na ligaya at tagumpay, lalo na sa kalagitnaan ng taong 2026.

Sa katunayan, dahil sa sobrang suwerte, minsan ay iniisip mo pa lamang o binabalak ang isang bagay, kahit hindi pa ito ganap na buo sa iyong isipan ay bigla na itong darating sa iyong harapan.


Para kang isang magsasaka na iniisip pa lamang patubigan ang kanyang tuyong bukid; hindi pa man siya lubusang nakalalabas ng kanilang bakuran, ay bigla na lamang bumubuhos ang napakalakas na ulan.


Ganu’n kaganda ang kapalarang kusang darating sa iyo sa buong taong ito ng 2026—lalo na sa career, pananalapi, paglalakbay, pag-ibig, buhay-pamilya, damdamin, at sa larangang panlipunan. Sa bawat hakbang mo, ang suwerte at tagumpay ay tila laging kasabay mo.


Sabi nga, hindi lang mapapasaiyo ang suwerte ngayong 2026, dahil ikaw mismo ang suwerte. Kaya naman, lahat ng taong mapapalapit sa iyo—mga mahal sa buhay, kaibigan, at maging mga kamag-anak ay tiyak ding makikinabang at tatanggap ng magagandang kapalaran na hatid ng langit sa pamamagitan ng napaka-auspicious na planetang Jupiter.


Kaya huwag na huwag mong kalilimutang magpasalamat sa Maykapal. Igalang at ipagdiwang mo ang bawat araw at ang napakagandang buhay na ipagkakaloob sa iyo ng langit ngayong 2026. Kaya ugaliin mo ang magpasalamat sa Diyos sa pamamagitan ng pagsisimba o pagdalo sa mga religious services, o anuman ang iyong relihiyon.

At siyempre pa, bilang pasasalamat sa mga biyayang iyong tinatanggap, huwag mo ring kalilimutang lihim na tumulong sa mga mahihirap at kapuspalad.


Kapag lagi kang nagpapasalamat at hindi nawawala sa iyong puso at gawa ang pagtulong sa mga nangangailangan, ikaw ay lihim ding gagantimpalaan ng langit. Ang mga suwerte mo sa taong ito ay hindi lamang magtuluy-tuloy, bagkus ay lalo pang dadami, hanggang sa mapabulong ka sa iyong sarili ng, “Salamat sa Diyos, napakasuwerte ko pala talaga ngayong 2026.”


Manatiling nakasubaybay sa Forecast 2026 na eksklusibo n’yo lang mababasa sa pahayagang BULGAR upang madami pa kayong matutunan at matuklasan tungkol sa inyong magiging kapalaran ngayong 2026. Iisa-isahin natin ang pangunahing ugali at magiging kapalaran ng 12 animal signs at zodiac signs at kung ano ang dapat ninyong gawin upang suwertehin kayo ngayong 2026.



SUWERTE NG MGA LEO, MAS LALO PANG AARANGKADA — MAESTRO

Issue: January 11, 2026



Sa pagpapatuloy ng Forecast 2026, nitong mga nakaraang araw ay natalakay na natin ang magiging kapalaran ng mga zodiac sign na Aries, Taurus, Gemini, at Cancer.


Sa pagkakataong ito, tatalakayin naman natin ang magiging kapalaran ng zodiac sign na Leo ngayong 2026, na tinatawag ding Year of the Fire Horse.


Kung ikaw ay isinilang noong ika-23 ng Hulyo hanggang ika-22 ng Agosto, tiyak na isa ka sa magiging pinakamapalad at masuwerteng zodiac sign.


Nangyayari ito dahil una sa lahat, ang Leo ay likas na nagtataglay ng elementong Fire o Apoy, na siya ring elementong iiral sa buong taon ng 2026. Dahil dito, masasabi nating tunay kang susuwertehin sa panahong ito.


Ibig sabihin, ang mga dati mo nang pagsisikap at ang mga magagandang kapalarang una mo nang natanggap noong nakaraang taon ay lalo pang mag-iibayo. Ito ay madaragdagan at patuloy pang lalago sa buong taon ng 2026.


Dagdag pa rito, dapat ding isaalang-alang na ang apoy ay kumakatawan sa pagiging masigla, mapusok, malakas, at masigasig. Ang lahat ng katangiang ito ay hindi lamang basta iiral sa iyong pagkatao. Sa halip, lalo pa itong magmu-multiply at lalakas na magiging daan upang sa buong taon ng 2026, lahat ng mga bagay na iyong binabalak, mga proyekto, ambisyon, at layunin ay tiyak mong matatapos nang maganda at suwabeng-suwabe.


Dapat mo ring malaman na kapag ang isang tao ay sinusuwerte, mahalagang lumabas ng bahay, makihalubilo, at makilahok sa lipunang kanyang ginagalawan, upang lalo pang dumoble at dumami ang magaganda at gintong oportunidad, lalo na sa career, aspetong panlipunan, larangan ng salapi, at maging sa materyal na mga bagay.


Bukod sa ruling element ng Leo na Fire o Apoy, na siya ring pangunahing elemento ng Horse o Kabayo ngayong taon, sinasabi ring likas kang susuwertehin sa mabibilis na aksyon. Nangyayari ito dahil sa taong ito ay nagsasanib-puwersa ang bilis ng Kabayo at ang mapusok at nagliliyab na Apoy.


Pangalawang dahilan kung bakit suwerte ang isang Leo ngayon ay dahil sa pagpasok ng isang napaka-auspicious na planeta sa iyong zodiac sign.


Sa ika-29 ng Hunyo, aalis ang auspicious planet na si Jupiter mula sa zodiac sign na Cancer at agad itong lilipat sa Leo.


Kaya mula Hunyo 30, 2026 hanggang Hulyo 2027, ang planeta ng expansion, magagandang kapalaran, at katuparan ng mga ambisyon ay walang iba kundi ang Jupiter, na mananatili sa iyong zodiac sign.


Sa nasabing panahon, napakaraming suwerte ang ibubuhos sa iyo ng langit, hindi lamang sa career, salapi, negosyo, paglalakbay, at materyal na mga bagay, kundi pati na rin sa halos lahat ng anggulo at aspeto ng iyong buhay.


Manatiling nakasubaybay sa Forecast 2026 na eksklusibo n’yo lang mababasa sa pahayagang BULGAR upang madami pa kayong matutunan at matuklasan tungkol sa inyong magiging kapalaran ngayong 2026. Iisa-isahin natin ang pangunahing ugali at magiging kapalaran ng 12 animal signs at zodiac signs at kung ano ang dapat ninyong gawin upang suwertehin kayo ngayong 2026.



Para no more kamalasan, read mo ‘to!

MOONSTONE, PAMPABUWENAS NG MGA CANCER!

Issue: January 10, 2026



Sa pagkakataong ito, itutuloy pa rin natin ang pagtalakay sa zodiac sign na Cancer. Kung ikaw ay isinilang noong ika-22 ng Hunyo hanggang ika-22 ng Hulyo, humigit-kumulang ganito ang magiging kapalaran mo sa larangan ng pag-ibig ngayong taon.


Kung ikaw ay isang binata, dalaga, single, o wala pang kapareha, tunay ngang magugulat ka. Sapagkat, kung noong mga nakaraang taon at buwan ay medyo malamig at malumbay ang iyong love life, tiyak na ngayon pa lamang ay magiging masaya ka na.

Oo, mararamdaman mo ang saya at ligayang hatid ng planetang Jupiter sa pakikipagrelasyon—mula sa mga dati mong kaibigan at mga kakilala na may lihim na pagtingin sa iyo. Ang mga dating sikreto ay magiging lantad at obvious na ngayon.


Kaya posibleng ngayon mo na rin maranasan ang tinatawag na “the real thing.” Kumbaga, matitikman mo na ang isang tunay, tapat, at seryosong relasyon. Ang lalaki o babaeng ito ang magdadala sa iyo ng kaligayahan, nakakakilig, at puno ng pananabik na ngayon mo pa lamang mararanasan at matutuklasan.


Ang ikinaganda pa nito, ang lahat ng masasayang karanasan sa pag-ibig at pakikipagrelasyon ay hindi lang basta-basta mangyayari. Bagkus, may kaakibat pa itong mga paglalakbay at kapaki-pakinabang na pangmateryal, lalo na kung tatanggapin mo ang mga ito. Subalit minsan kasi ay mahilig kang tumanggi at umayaw. Kaya kapag palay na ang lumalapit, wala ka nang dapat gawin kundi tumuka nang tumuka hanggang sa mabusog ka.


Ibig sabihin, habang ikaw ay in love, may mga biyaheng itatala at may mga salaping darating. Sabay-sabay mong matatanggap ang ligaya sa pag-ibig, pagdami ng income, at mga karanasang puno ng saya at paglalakbay.


Gayunman, lalo namang iigting, magiging mapusok at maligaya ang pag-ibig, kung ang iyong karelasyon ay isang water sign, tulad ng Scorpio, Pisces, at kapwa mo Cancer. Gayundin kung siya ay isang earth sign na Virgo, Capricorn, at Taurus.


Samantala, kung ikaw naman ay isang Cancer na may asawa at pamilya na, lalo namang iinit at titibay ang inyong pagmamahalan ngayong 2026. Maraming suwerte ang darating sa inyo, at magkakaroon na rin ng karangalan at katuparan ang mga pangarap ng bawat miyembro ng pamilya—lalo na ang iyong mga anak, kapatid, magulang, at mga kamag-anak. Lahat ng nasa ilalim ng iyong bubong at bahagi ng iyong pagmamahal ay makakatikim ng suwerte, ligaya, at magandang kapalaran sa buong taon ng Fire Horse.


Higit namang iigting ang magandang kapalaran sa mga sumusunod na panahon: mula ika-19 ng Pebrero hanggang ika-28 ng Marso, mula ika-19 ng Hunyo hanggang ika-28 ng Hulyo, at mula ika-19 ng Oktubre hanggang ika-28 ng Disyembre


Mapalad n’yo namang mga petsa ang 2, 11, 20, 29, 7, 16, 25, 1, 10, 19, 28, 8, 17, at 26, lalo na kung ang mga ito ay natapat sa Lunes, Sabado, at Linggo.

Higit ding mapalad kung susuotin o gagamitin mo ang iyong lucky color na teal green at lahat ng shade ng green, gayundin ang Color of the Year na cloud dancer at lahat ng uri ng puti, kasama ang gray at silver, na magdadala ng suwerte at magagandang kapalaran sa buong 2026.


Mapalad din para sa isang Cancer ang paggamit ng agate o moonstone bilang pantaboy ng negative vibrations at pang-akit ng suwerte. Mas mainam kung ito ay ipapalamuti sa gintong singsing, hikaw, o kuwintas na direktang nakadikit sa balat.


Kung makikipagsapalaran sa lotto at iba pang number games sa taong ito ng 2026, maaaring isaalang-alang ang kombinasyon ng mga numerong 2, 10, 22, 25, 28, at 34, gayundin ang 7, 19, 20, 26, 39, at 44.


Manatiling nakasubaybay sa Forecast 2026 na eksklusibo n’yo lang mababasa sa pahayagang BULGAR upang madami pa kayong matutunan at matuklasan tungkol sa inyong magiging kapalaran ngayong 2026. Iisa-isahin natin ang pangunahing ugali at magiging kapalaran ng 12 animal signs at zodiac signs at kung ano ang dapat ninyong gawin upang suwertehin kayo ngayong 2026.



‘Di lang pansarili… CANCER, SASAKSES KASAMA ANG MGA MAHAL SA BUHAY

Issue: January 9, 2026


Sa pagpapatuloy ng Forecast 2026, nitong mga nakaraang araw ay natalakay na natin ang magiging kapalaran ng zodiac sign na Aries, Taurus at Gemini.


Sa pagkakataong ito, tatalakayin naman natin ang magiging kapalaran ng zodiac sign na Cancer ngayong taon, na tinatawag ding Year of the Fire Horse.


Kung ikaw ay isinilang noong ika-22 ng Hunyo hanggang ika-22 ng Hulyo, sinasabing isa ka sa magiging pinakamasuwerteng zodiac sign sa taong ito.


Dahil sa pagpasok ng auspicious planet na si Jupiter, na tinatawag na pinakamasuwerteng planeta, lalo na sa salapi at pag-unlad ng kabuhayan.


Marangya ang magiging kapalaran mo ngayong taon. Kung nakaraang taon ay may mga positibong pangyayari at achievements sa iyong buhay ang hindi mo napagtagumpayan, tiyak na makakamit mo na ito ngayon.  


Ang nakatutuwa pa nito, may mga bonus ang langit na kakaibang regalo na masosorpresa sa iyo, mga suwerteng hindi mo naman inaasahan na bigla-bigla na lamang darating.  


Samantala, para sa pansarili, ang pagdadalawang-isip mo noong nakaraang taon ay dahil sa pag-arangkada ng planetang Jupiter sa iyong zodiac sign. Ngunit ito naman ay unti-unti nang mapapalitan ng kaligayahan at peace of mind ngayong taon.


Gayunman, mas lalo ka namang susuwertehin pagdating sa career, pinansyal, business, at pakikisalamuha sa pamilya at mga kaibigan. 


Inuutusan ka ng langit na mas maganda kung sisimulan mong mag-ipon para sa future at kasabay nito dapat din na patuloy kang mangarap. Dahil ang mga pangarap mong ito lalo na sa pansarili, ganu’n din sa iyong pamilya ay tiyak na matutupad bago matapos ang taong 2026. 


Manatiling nakasubaybay sa Forecast 2026 na eksklusibo n’yo lang mababasa sa pahayagang BULGAR upang madami pa kayong matutunan at matuklasan tungkol sa inyong magiging kapalaran ngayong 2026. Iisa-isahin natin ang pangunahing ugali at magiging kapalaran ng 12 animal signs at zodiac signs at kung ano ang dapat ninyong gawin upang suwertehin kayo ngayong 2026.



CANCER, AASENSO SA CAREER AT SALAPI NGAYONG 2026!

Issue: January 8, 2026



Nitong mga nakaraang araw ay natalakay na natin ang magiging kapalaran ng zodiac signs na Aries, Taurus, at Gemini.


Sa pagkakataong ito, tatalakayin naman natin ang magiging sadlakang kapalaran ng zodiac sign na Cancer ngayong taon, na tinatawag ding Year of the Fire Horse.


Kung ikaw ay isinilang noong Hunyo 22 hanggang Hulyo 22, sinasabing isa ka sa magiging masuwerteng zodiac sign ngayong taon.


Nangyayari ito dahil ngayong Fire Horse, partikular na sa kalagitnaan ng 2026, darating sa buhay mo ang auspicious planet o ang napakamasuwerteng planetang Jupiter. Kaya naman, wala kang magagawa, sa ayaw at sa gusto mo—pihado at paniguradong susuwertehin ka sa halos lahat ng aspeto ng iyong buhay, lalo na sa career, salapi, at materyal na mga bagay.


Dahil dito, sa taong 2026, anuman ang iyong planuhin at balakin, ito ay tiyak na matutupad at magkakatotoo.


At mapapaisip ka, kung kikilos ka na ngayon at ipatutupad mo na ang mga plano at gusto mong mangyari sa iyong buhay, makikita mo na magkakaroon ito ng positibong resulta. 


Tulad ng nasabi na, sa ayaw at sa gusto mo, ang mga suwerte at magagandang kapalaran ay mapapasaiyo na, subalit hindi mo lang ito ngayon mararamdaman, dahil noong Disyembre 2025 pa ito unti-unting lumalapit sa iyo.


Kung papansinin mo lamang at babalikan ang mga nagdaang pangyayari, tiyak na mari-realize mo ang katotohanang marami nang suwerte ang dumating sa iyo.


Hindi pa r’yan nagtatapos ang magagandang balita. Sa halip, sinasabi rin ng langit sa pamamagitan ng planetang Jupiter, mas madami pang suwerte at magagandang kapalaran ang bigla at bultu-bultong darating sa taong 2026, lalo na sa kalagitnaan ng taon.


Ang lahat ng suwerteng ito ay may kaugnayan sa materyal na mga bagay, malaking halaga ng salapi, karangalang panlipunan, paglalakbay, career, negosyo, at maging sa isang masarap at masayang pakikipagrelasyon. Tulad ng nasabi na, ang iyong buhay ay tuluy-tuloy at bonggang-bongga na mapupuno ng suwerte at magagandang kapalaran.


Kaya ngayong 2026, dapat may plano ka, may inaasam-asam, at may malaki kang venture o proyekto na nais mangyari sa iyong buhay. Sapagkat kapag meron kang ganitong mga hangarin, tiyak na hindi matatapos ang taong 2026 na hindi ito ipagkakaloob ng langit sa iyo ng buo, ganap, at walang kulang.


Manatiling nakasubaybay sa Forecast 2026 na eksklusibo n’yo lang mababasa sa pahayagang BULGAR upang madami pa kayong matutunan at matuklasan tungkol sa inyong magiging kapalaran ngayong 2026. Iisa-isahin natin ang pangunahing ugali at magiging kapalaran ng 12 animal signs at zodiac signs at kung ano ang dapat ninyong gawin upang suwertehin kayo ngayong 2026.



Sunggab lang nang sunggab, besh! PAGIGING CHOOSY NG GEMINI, ‘DI DAPAT UMIRAL NGAYONG TAON

Issue: January 7, 2026


Sa pagpapatuloy ng Forecast 2026, itutuloy na natin ang pag-aanalisa ng magiging kapalaran ng zodiac sign na Gemini ngayong taon.


Kung ikaw ay isinilang noong ika-21 ng Mayo hanggang ika-21 ng Hunyo, humigit-kumulang ganito ang nakatakdang mangyari sa iyong love life at sa aspetong may kaugnayan sa pakikipagrelasyon.


Kung ikaw ay isang binata o dalaga at wala pang asawa, ngayong 2026, higit lalo sa first quarter ng taon hanggang sa mga buwan ng Hunyo at Hulyo, malaki ang posibilidad na matagpuan mo na ang hinihintay at hinahanap mong si “Mr. Right.” O kung ikaw naman ay lalaki, sa panahong nabanggit ay darating din ang babaeng posibleng makakasama mo habambuhay.


Ang hinihingi lamang sa’yo ng langit upang magtuluy-tuloy ang isang masaya, masarap, maunlad, at panghabambuhay na love life, bilisan mo ang pagkilos at pagpapasya.


Nangyayari ito dahil sa pagdadalawang-isip, maaaring lumigwak ang tubig ng pakikipagrelasyon mula sa salalayan ng baso ng kapalaran at tuluyan itong matapon at masayang habambuhay.


Kaya kapag may nakilala kang babae o lalaki at napansin mong sa simula pa lamang ay close na agad kayo, o magaang na ang loob ninyo sa isa’t isa, ito ay malinaw na indikasyon o tanda na siya na nga ang babaeng o lalaking itinakda sa iyo ng langit.

Huwag ka nang mag-aksaya ng panahon—sunggaban mo na agad ito. Dahil minsan lang dumating ang isang nilalang na madali mong nakakapalagayan ng loob. Minsan lang dumating ang pagkakataong may isang nilalang na ihuhulog ang langit, lalo na kung ang nasabing nilalang ay isinilang sa zodiac sign na Libra, Aquarius, at kapwa mo Gemini. Puwede rin sa iyo ang isang Virgo o kaya’y Sagittarius.


Sadyang magiging mapalad sa pag-ibig, pakikipagrelasyon, at sa lahat ng aspeto ng buhay ang buwan ng Enero hanggang Pebrero, Mayo hanggang Hunyo, at Setyembre hanggang Oktubre.


Kung ikaw naman ay isang Gemini na may kasintahan o may asawa na, pag-ibayuhin ninyo ang pag-iipon at pagsi-save, dahil nakatakdang dumami ang inyong pera at ganap na lumago ang kabang-yaman ng pamilya.


Ngunit tulad ng nasabi na, habang dumarami ang pera, huwag na huwag ninyong gagawin ang pagkakamali ng iba—ang ubusin o sayangin ito sa walang kakuwentang-kuwentang bagay. Sa halip, kapag may magandang oportunidad sa pagkakaperahan, mas mabuting itabi at ipunin ito. Kung may ibinebentang assets na maaari pang kumita, bilhin agad.


Huwag na huwag ilalabas ang inyong pera sa taong 2026 nang walang investment na kapalit, dahil matutunaw agad ito. Isa pa, iwasan din ang mga scam na nangangakong tutubo ang pera kahit wala kang ginagawa—lahat ng ito ay panlilinlang na dapat iwasan sa taong ito.


Dagdag pa rito, sa anumang mahahalagang gawain, magiging mapalad sa buong taong 2026 ang mga panahong mula ika-23 ng Enero hanggang ika-28 ng Pebrero, mula ika 23 ng Mayo hanggang ika-28 ng Hunyo at mula sa ika-23 ng Setyembre hanggang ika-28 ng Oktubre.  


Suwerte rin ang mga petsang 5, 14, 23, 8, 17, 26. Higit lalo sa araw ng Miyerkules at Sabado. 


Ang mga mapalad na kulay para sa isang Gemini sa ngayong 2026 ay ang cloud dancer o lahat ng uri ng kulay puti, gray, silver, powder blue, metallic blue, at lahat ng kulay na kumikislap o tila may budbud na metal.


Ang mga mapalad na bato o lucky gems para sa Gemini ngayong 2026 ay ang garnet, sardonyx, at topaz, na mas mainam ipalamuti sa silver o gintong hikaw, kuwintas, o singsing na direktang nakadikit sa balat. Ang mga hiyas na ito ay magsisilbing pantaboy ng negatibong vibrations at pang-akit ng suwerte at magagandang kapalaran sa buong taon.


Mapalad ding pang-display ngayong 2026 ang malaking gulong ng karitela, pigura, painting, o larawan ng isang malaking eroplano na lumilipad sa himpapawid. Maaari din ang spaceship o rocket ship na bahagyang umaangat mula sa mundo patungong kalawakan.


Mainam din ang pendulum na yari sa stainless steel, bakal, silver, o anumang uri ng metal. At maaari ding isaalang-alang ang pigura o larawan ni Mercury—isang nilalang na may hawak na baston o wand na may magkasalubong na dalawang ahas sa tuktok, may dalang maliit na bag ng pera, at may pakpak sa magkabilang paa—simbolo ng mabilis na pag-unlad at paglago ng kabuhayan.


Ang lahat ng mga nabanggit na pigura o larawan ay puwedeng i-display sa sala ng bahay upang patuloy na humigop ng suwerte at magagandang kapalaran para sa buong pamilya sa taong ito ng Fire Horse.


Kung makikipagsapalaran sa lotto at iba pang number games ngayong 2026, maaaring isaalang-alang ang kombinasyon ng mga numerong 5, 17, 23, 31, 35, at 40, ganu’n din ang kombinasyon ng mga numerong 8, 14, 22, 26, 32 at 44. 


Manatiling nakasubaybay sa Forecast 2026 na eksklusibo n’yo lang mababasa sa pahayagang BULGAR upang madami pa kayong matutunan at matuklasan tungkol sa inyong magiging kapalaran ngayong 2026. Iisa-isahin natin ang pangunahing ugali at magiging kapalaran ng 12 animal signs at zodiac signs at kung ano ang dapat ninyong gawin upang suwertehin kayo ngayong 2026.



SUNUD-SUNOD NA SUWERTE, DARATING NA SA GEMINI

Issue: January 6, 2026



Sa pagpapatuloy ng Forecast 2026, itutuloy na natin ang pag-aanalisa ng magiging kapalaran ng zodiac sign na Gemini ngayong 2026.


Kung ikaw ay isinilang noong ika-21 ng Mayo hanggang ika-21 ng Hunyo, ikaw ay itinuturing na isa sa mga pinakamasuwerteng zodiac sign ngayong taon.


Ito ay dahil, tulad ng naunang nabanggit, kakaalis pa lamang sa zodiac sign na Gemini ang makapangyarihan at mapalad na planetang Jupiter. Dahil dito, inaasahang sunud-sunod na darating ang mga suwerte sa iyong buhay, lalo na sa simula ng taon, at ito ay magpe-peak o lubusang yayabong hanggang sa katapusan ng Hunyo.


Makakaranas ka ng expansion o paglago sa iyong career, negosyo, pangangalakal, at sa iyong buong buhay sa pangkalahatan. Higit na magiging paborable ang mga usaping may kinalaman sa negosyo, pagpapalago ng salapi, at kabuhayan. 


Dagdag pa rito, mula first quarter hanggang kalagitnaan ng taon, sabay-sabay ring darating ang mga suwerteng may kaugnayan sa paglalakbay at pamamasyal.

Bukod sa pagdami ng iyong kita, posible mo ring makamtan ang promosyon sa trabaho, gayundin ang pagkilala ng lipunan sa iyong career at sa mga kasalukuyan mong pinagkakaabalahan.


Kung ang iyong career o negosyo ay may kaugnayan sa communication, commerce, trading, medicine, pharmaceutical at drug distribution, herbal at alternative medicine, rolling store, freight services, travel, mass media, social media, online selling, public service, pulitika, at iba pang kauri ng mga nabanggit na larangan, tiyak na dodoble pa ang iyong kita, lalong lalago ang negosyo, hanggang sa tuluyan kang yumaman.


Bagama’t may bahagyang pagsubok na maaaring dumating sa buwan ng Hunyo, madali mo naman itong malalampasan at mapagtatagumpayan. Ang mga problemang ito, na sa una ay maaaring ikabigla mo ay magmumukhang maliliit na hamon lamang sa bandang huli, dahil ang mga ito ay mauuwi sa malalaki at bonggang biyaya na magdudulot ng pag-unlad at ligaya sa huling quarter ng 2026.


Ang pangingibang-bansa ay dapat ding isaalang-alang sa kalagitnaan ng 2026, partikular mula sa buwan ng Abril, Mayo, Hunyo hanggang Hulyo. Sa malalayong lugar, may pangako ng mas produktibo, mas masagana, at mas maligayang kapalaran para sa iyo.


Manatiling nakasubaybay sa Forecast 2026 na eksklusibo n’yo lang mababasa sa pahayagang BULGAR upang madami pa kayong matutunan at matuklasan tungkol sa inyong magiging kapalaran ngayong 2026. Iisa-isahin natin ang pangunahing ugali at magiging kapalaran ng 12 animal signs at zodiac signs at kung ano ang dapat ninyong gawin upang suwertehin kayo ngayong 2026.



Quick decision, big success… 2026, TAON NG PAG-UNLAD NG MGA GEMINI!

Issue: January 5, 2026



Sa pagpapatuloy ng Forecast 2026, nitong mga nakaraang araw ay natalakay na natin ang magiging kapalaran ng zodiac signs na Aries at Taurus ngayong 2026.


Sa pagkakataong ito, tatalakayin naman natin ang magiging kapalaran ng zodiac sign na Gemini.


Kung ikaw ay isinilang noong ika-21 ng Mayo hanggang ika-21 ng Hunyo, sinasabing isa ka sa mga susuwertehin ngayong taon.


Nangyayari ito dahil ang mismong Year of the Horse sa Chinese Astrology ay tumutugma rin sa Gemini sa Western Astrology. Ibig sabihin, taon mo ngayon at ang taong 2026 ay pinamumunuan ng iyong ruling planet na si Mercury. Ang planetang ito ay kilala sa pagiging mabilis, maliksi, at laging gumagalaw.


Si Mercury rin ang tinaguriang Messenger of the Gods—tagapagdala ng balita at Diyos ng komunikasyon, komersiyo, kalakalan, negosyo, at paglalakbay.


Dahil dito, tiyak na sa larangan ng negosyo at pangangalakal ay dadagsa ang magagandang kapalaran sa iyong buhay. Maraming bagong oportunidad ng pagkakakitaan ang magbubukas, na sa bandang huli ay magdudulot ng pag-unlad at paglago ng iyong kabuhayan.


Kaya naman, ang pinakamahalagang dapat mong isabuhay ngayong 2026 upang matiyak ang iyong pagsulong ay ang pag-iwas sa pagdadalawang-isip at pag-aalinlangan sa sarili.


Sa halip, kapag may magandang oportunidad na bumagsak sa iyong harapan, huwag kang magpatumpik-tumpik—sunggaban mo agad. Dahil sa mabilis na pagpapasya at agarang pagkilos, mas mabilis kang magtatagumpay at uunlad.


At dahil si Mercury ay kilala rin bilang diyos ng paglalakbay, lalo na ng mga manlalakbay na nakikipagkalakalan, tiyak ding sa pangingibang-bansa at paglalakbay sa malalayong lugar ay kikita ka ng malaki at dambuhalang halaga ng salapi.


Kaya kapag may oportunidad ng paglalakbay na iaalok sa iyo ng tadhana o ng kapalaran, huwag ka nang magdalawang-isip pa—sunggaban mo agad ito. 


Ang planetang Mercury, na gumagabay sa zodiac sign mong Gemini, ang siyang gumagarantiya na sa malalayong lugar at sa ibang bansa mo mas matatagpuan ang isang maganda at suwabeng-suwabeng kapalaran.


Ang pangingibang-bansa na ito ay magaganap ngayong 2026, hindi lamang maghahatid sa iyo ng pag-unlad sa kabuhayan, kundi magdadala rin ng lubos na kaligayahan at mas malalaking tagumpay sa iyong buhay.


Manatiling nakasubaybay sa Forecast 2026 na eksklusibo n’yo lang mababasa sa pahayagang BULGAR upang madami pa kayong matutunan at matuklasan tungkol sa inyong magiging kapalaran ngayong 2026. Iisa-isahin natin ang pangunahing ugali at magiging kapalaran ng 12 animal signs at zodiac signs at kung ano ang dapat ninyong gawin upang suwertehin kayo ngayong 2026.



TAURUS, SUSUWERTEHIN SA PAG-IBIG AT PAMILYA NGAYONG 2026!

Issue: January 4, 2026



Zodiac Signs


Sa pagpapatuloy ng Forecast 2026, nitong mga nakaraang araw ay tinalakay na natin ang magiging kapalaran ng zodiac sign na Taurus, at muli natin itong itutuloy ngayon.


Kung ikaw ay isinilang noong ika-20 ng Abril hanggang ika-20 ng Mayo, narito ang karagdagang pag-aanalisa ng iyong kapalaran ngayong 2026.


Sa pag-ibig at pakikipagrelasyon, dahil ang isang Taurus ay earth type sign o isinilang sa lupa, luad, putik o malaking tipak ng bato na hindi gumagalaw at nakapirmi lamang sa isang lugar, tiyak na ang elementong fire o apoy na iiral sa taong ito ng 2026 ay makatutulong sa isang Taurus upang lalo pang mag-init ang kanyang enerhiya, higit lalo sa aspetong pag-ibig, pang-emosyonal, gayundin sa aspetong pangseksuwal.


Ibig sabihin, kung dati o noong nakaraang taon ay malamig ang pakikitungo ng isang Taurus sa kanyang kapareha, asawa o dyowa, tiyak na sa taong ito ay madaragdagan ng panibagong init at sigla ang kanilang relasyon.


Dahil dito, kung ikaw ay isang Taurus na may asawa o may live-in partner at kasalukuyan kayong nangangarap na magkaroon ng baby, tiyak na sa taong ito ng Fire Horse ay bigla kayong makakabuo ng hindi ninyo inaasahan o pinaghandaang sanggol, na mabubuo sa sinapupunan ng isang Taurus. Kaya tiyak na madaragdagan ng panibagong suwerte at sigla ang inyong samahan.


Kung ikaw ay isang Taurus at wala pang planong magka-baby at magkapamilya, dapat kang mag-ingat sa mga extra-marital affairs o sa mga pakikipagtalik na hindi pinaghandaan, dahil posibleng iyan pa ang maging mitsa upang bigla kang makapag-asawa o bigla kang magkaroon ng baby kahit hindi mo pa masyadong gusto na maging ama o maging ina sa panahong ngayon na mahirap ang buhay.


Kaya kung hindi maiiwasang makipagtalik, mas mainam kung gagamit ng natural o artificial family planning method at safe sex upang hindi magsisi sa bandang huli, dahil nga sa panahong ito ng Fire Horse, tiyak na lalakas ang libido ng mga Taurus, dulot ng elementong apoy na iiral sa buong taong 2026.


Dagdag dito, kung ang isang Taurus ay wala pang boyfriend o girlfriend, at naghahanap ng kapareha, tiyak na sa taong ito ay puwedeng-puwede kang makahablot ng dyowa, girlfriend o boyfriend, higit lalo kung ang manliligaw mo, nililigawan, prospect o kakilala ay isinilang sa zodiac sign na Virgo, Capricorn, Scorpio, Cancer, Libra o kaya’y kapwa mo Taurus, kung saan sila ang mga ka-compatible mo na makapagbibigay sa iyo ng suwerte at dagdag-ligaya sa buong taon ng 2026.


Sadyang magiging mapalad naman sa iyo sa taong ito, hindi lamang sa pag-ibig kundi sa lahat ng aspeto ng iyong buhay, ang panahong mula ngayon hanggang ika-25 ng Enero 2026. Gayundin sa ika-15 ng Marso hanggang ika-30 ng Mayo, mula ika-18 ng Agosto hanggang ika-18 ng Nobyembre, at mula ika-21 ng Disyembre hanggang ika-20 ng Enero 2027.


Suwerte naman ang petsang 3, 12, 21, 30, 6, 15, 24, 9, 18 at 27, higit lalo kung ang nasabing petsa ay natapat sa araw ng Martes, Huwebes at Biyernes, lalo na kung ikaw ay nakasuot ng masuwerte mong kulay na pula, pink, violet at asul.


Magiging mapalad na bato o lucky gems para sa isang Taurus sa taong ito ang batong emerald, carnelian o topaz, gayundin ang lahat ng uri ng bato na kulay pula, asul at violet na ipalalamuti sa silver o kaya’y gintong hikaw, kuwintas o singsing. Ang nasabing hiyas o palamuti ang magsisilbing pang-akit ng suwerte at pantaboy na rin ng mga negatibong vibration sa taong ito ng 2026.


Mapalad namang pang-display sa isang Taurus ang nagyayakapang pigura ng mag-asawa, lalo na kung ito ay yari sa bato, stainless, silver, gold o kaya’y copper o bronze. Kung pipili ng painting na pang-display sa sala ng bahay, puwedeng isaalang-alang ang mismong pigura ng napakagandang si Venus habang isinisilang o ipinapanganak sa loob ng kabibe. Puwede rin ang larawan ng dalawang bulaklak na kulay red o kaya’y kulay violet na nasa gilid ng valley o bundok. At ang mismong pigura ng mythological god na si Fortuna ay puwede ring isaalang-alang na magdaragdag ng kasaganaan, pagkakasundu-sundo at pagmamahalan sa bawat miyembro ng pamilya sa tuwing mapagmamasdan ang nasabing mga pang-display sa sala ng inyong bahay sa buong taong ito ng 2026.


Kung makikipagsapalaran sa lotto at iba pang number games sa taong ito, puwedeng isaalang-alang ang kombinasyon ng numero ni Venus, ng elementong earth at fire na: 6, 8, 15, 18, 27 at 33, gayundin ang kombinasyon ng 4, 17, 24, 35, 39 at 45.


Manatiling nakasubaybay sa Forecast 2026 na eksklusibo n’yo lang mababasa sa pahayagang BULGAR upang madami pa kayong matutunan at matuklasan tungkol sa inyong magiging kapalaran ngayong 2026. Iisa-isahin natin ang pangunahing ugali at magiging kapalaran ng 12 animal signs at zodiac signs at kung ano ang dapat ninyong gawin upang suwertehin kayo ngayong 2026.





TAURUS, NAKATAKDANG MAKARANAS NG INTRIGA AT PAGTATAKSIL

Issue: December 30, 2025


Sa pagpapatuloy ng Forecast 2026, nitong mga nakaraang araw ay sinimulan na nating talakayin ang magiging kapalaran ng zodiac sign na Taurus.


Kung ikaw ay isinilang noong Abril 20 hanggang Mayo 20, narito pa ang karagdagang pag-aanalisa ng iyong kapalaran sa darating na taong 2026.


Sa larangan ng salapi at pangangalakal, sinasabing maraming pagbabago ang magaganap na sa simula ay maaaring hindi mo pahintulutang mangyari. Ngunit sa bandang huli, hindi mo namamalayan na ang mga pagbabagong ito pala ay patungo sa iyong pag-unlad at paglago ng iyong kabuhayan.


Kaya kung may mga biglaan at mabilisang pagbabago na magaganap sa iyong buhay, kinakailangan na huwag kang mag-resist o kokontra. Sapagkat, tulad ng nasabi na, ang lahat ng ito ay patungo sa iyong ikauunlad at ikaliligaya.


Sa taong 2026, bagay na bagay sa iyo ang kasabihang, “Just go with the flow!” Habang ikaw ay sumusunod lamang sa mga pangyayaring dumarating at nakikisabay sa mga uso nang hindi humahadlang o yumuyurak sa kapalaran ng iba, sapat na ang sumabay ka sa agos ng mga pagbabagong nagaganap. Sapagkat, dadalhin ka nito sa mas malawak at mas malalaking tagumpay, lalo na sa larangan ng salapi at materyal na mga bagay.


Tandaan din na ang likas na elemento ng Taurus ay earth o lupa, samantalang ang elementong fire o apoy ang iiral sa buong taong ito ng 2026 na tinatawag ding Year of the Fire Horse. Dahil dito, asahan na maaari kang makaranas ng mga intriga, paninira, lihim na pagtataksil, at mga panlilinlang na maaaring magdulot ng malaking pagkalugi. 

Gayunman, ang lahat ng nabanggit na negatibong pangyayari na tila dala ng “nagliliyab na kabayo” ay malalampasan mo rin.


Ang mahalaga ay manatili kang relaks at kalmado—huwag mag-panic o magulat. Sa halip, patuloy mong suriin at pag-aralan ang bawat sitwasyong iyong kinakaharap nang hindi nag-iinit ang ulo. Kapag ang isipan ay kalmado, payapa at relaks, ang buong pagkatao mo ay lalo pang sasagap ng suwerte at magagandang kapalaran sa buong taong ng 2026, lalo na sa mga buwang Abril hanggang Mayo.


Dagdag pa rito, sa taong 2026, sa aspeto ng pamilya at pakikitungo sa mga mahal mo sa buhay, tila inuutusan ka ng langit na maglaan ng mas madaming oras sa iyong pamilya. Ang mga sandaling magkakasama kayo, ramdam ang init ng pagmamahalan at pagkakaisa, at laging nagsasama-sama sa masasayang okasyon ay mga malinaw na senyales na pagbubuhusan kayo ng langit ng mga hindi inaasahang sorpresa, regalo, kagulat-gulat na malalaking suwerte, at magagandang kapalaran.


Ang mga biyayang ito ang magpapaunlad sa kabuhayan at kabang-yaman ng buong pamilya, lalo na sa mga buwan ng Setyembre, Oktubre, at Nobyembre sa susunod na taon.


Manatiling nakasubaybay sa Forecast 2026 na eksklusibo n’yo lang mababasa sa pahayagang BULGAR upang madami pa kayong matutunan at matuklasan tungkol sa inyong magiging kapalaran ngayong 2026. Iisa-isahin natin ang pangunahing ugali at magiging kapalaran ng 12 animal signs at kung ano ang dapat n’yong gawin upang suwertehin kayo sa darating na 2026.





GINHAWA AT KALIGAYAHAN, HATID NG 2026 PARA SA MGA TAURUS

Issue: December 29, 2025



Mapapansing noong mga nakaraang araw ay natalakay na natin ang magiging kapalaran ng zodiac sign na Aries sa paparating na taong 2026.


Sa pagkakataong ito, tatalakayin naman natin ang magiging kapalaran ng zodiac sign na Taurus para sa taong Fire Horse.


Kung ikaw ay isinilang noong ika-20 ng Abril hanggang ika-20 ng Mayo, ganito ang magiging kapalaran mo sa taong 2026.


Ang Taurus ay isang earth-type sign, at nitong taon ay halos isang katutak na suwerte at magagandang kapalaran ang ibinuhos sa inyo ng langit na may kaugnayan sa career at pinansyal—ang mabuting balita, ang mga suwerteng ito ay magpapatuloy pa rin sa taong 2026, ngunit magiging minimal na lamang o hindi na kasing dami.


Sa halip, ang mga magagandang kapalarang hahatak sa taong 2026 ay iba naman. Bagama’t meron pa ring magagandang kapalaran na may kaugnayan sa salapi, pero ang mas maraming itatala sa year 2026 ay may kaugnayan naman sa paglalakbay, katalinuhan, pagre-relax, at sa mga paglilibang sa buhay.


Malayuan at malapitang mga paglalakbay ang itatala sa iyong kapalaran—mga biyaheng hindi lamang magbibigay sa iyo ng kakaibang sigla at saya, bagkus ang ilan sa mga paglalakbay na ito ay magbibigay rin sa iyo ng dagdag-kita na makatutulong upang mapalago ang inyong savings.


Kung ikaw naman ay isang pamilyadong tao at may mga anak na, na kasalukuyang nagsisikap, ang lahat ng mga pagsisikap na ito ay tiyak na matutupad at magkakatotoo.

Kung nag-a-apply sila ng trabaho, tiyak na matatanggap sila. At kung nagtatangka naman silang mangibang-bansa, ito ay tiyak ding matutupad. Tunay nga na ang mga suwerte mo ngayong taon na parang tubig-baha ay unti-unti namang malilipat at maipapasa sa mga taong malalapit sa iyo—tulad ng iyong mga anak, kapatid, pamangkin, kamag-anak, pinsan, kaibigan, o sinuman na malapit sa puso mo.


Sa susunod na taon, mahahawahan mo sila ng buwenas, kaya tiyak na susuwertehin din sila lalo na sa kanilang career, gayundin sa aspeto ng pangingibang-bansa, paglalakbay, at maging sa pinansyal at materyal na mga bagay.


Manatiling nakasubaybay sa Forecast 2026 na eksklusibo n’yo lang mababasa sa pahayagang BULGAR upang madami pa kayong matutunan at matuklasan tungkol sa inyong magiging kapalaran ngayong 2026. Iisa-isahin natin ang pangunahing ugali at magiging kapalaran ng 12 animal signs at kung ano ang dapat n’yong gawin upang suwertehin kayo sa darating na 2026.





MGA PETSA, KULAY AT PIGURANG MAGPAPAYAMAN SA ARIES, ALAMIN!

Issue: December 28, 2025


Sa pagkakataong ito, itutuloy na natin ang magiging kapalaran ng zodiac sign na Aries sa susunod na taon.


Kung ikaw ay isang Aries, na binata, dalaga o wala pang karelasyon, maraming sorpresa at kagulat-gulat na pakikipagkaibigan ang darating. Kung saan, ang mga friendship na ito ay maaaring humantong sa isang lehitimo at masayang ugnayan na nakatakdang mabuo sa pagsapit ng tag-araw sa susunod na taon.


Kaya sa nasabing mga panahon, upang makasungkit ng karelasyon, dapat lang na lumabas ka ng bahay sa sandaling nagsimula na ang tag-init o tag-araw, kung saan, mas maganda kung makiki-join at sasama ka sa mga summer outing na bubuuin, dahil sa nasabing mga gawain at masayang aktibidades, tiyak na ru’n mo na matatagpuan si Mr. Right o ang pangarap mong babae.


Sa mga may asawa na at may mga kapareha na sa buhay, habang patuloy kayong nagkakasundo at nagmamahalan, mas mabilis na aangat ang inyong kabuhayan, at ito na rin ang magiging simula upang makabayad kayo sa mga pagkakautang, makaahon sa kahirapan, umunlad ang kabuhayan, hanggang sa tuluyang unti-unti na ring magawang magpayaman ng pamilya sa pakonti-konting pag-iipon.


Higit namang magiging mapalad at lalong iigting ang suwerte at magagandang kapalaran ng isang Aries sa buong taon ng 2026, mula sa ika-12 ng Marso hanggang ika-27 ng Abril, mula sa ika-12 ng Hulyo hanggang sa ika-27 ng Agosto at mula sa ika-12 ng Oktubre hanggang sa ika-27 ng Disyembre.


Gayunman, suwerte rin sa susunod na taon ang kulay pula, asul, purple, violet, maroon at lahat ng kulay na hinango sa pula at asul, higit lalo sa mga piling petsang 3, 12, 21, 30, 6, 15, 24, 9 18 at 27, lalo na kung ang nasabing mga petsa ay natapat sa araw ng Martes, Huwebes at Biyernes.


Mapalad na bato o lucky gems para sa isang Aries sa taong ito ng 2026 ang batong diamonds, at lahat ng bato na kulay red, violet at asul na ipalalamutin sa gintong hikaw, sa gintong pendant o singsing.


Mapalad namang pang-display ang pigura ng kabayo na may pakpak at lumilipad na ang nakasakay ay kabalyero na may dala-dalang espada o sibat. Ito ang magsisimulang pampasuwerte mong pang-display, na pantaboy na rin ng negatibong vibrations at panghatak na rin ng suwerte sa buong taon ng 2026.


Suwerte naman sa isang Aries ang mga halaman na kulay red, pink at may kakaibang kulay at hugis na dahon, ganu’n din ang lahat ng uri ng halaman na namumulaklak ng red, pink at violet. Ang nasabing mga halaman, ang magbibigay ng suwerte hindi lang sa iyo kundi maging sa buong pamilya sa taong ito ng 2026.  


Kung makikipagsapalaran sa number games puwedeng subukan ng isang Aries sa susunod na taon ang mga numerong 3, 18, 27, 33, 39 at 42; ganu’n din ang numerong 6, 9, 12, 24, 30, at 45.  


Manatiling nakasubaybay sa Forecast 2026 na eksklusibo n’yo lang mababasa sa pahayagang BULGAR upang madami pa kayong matutunan at matuklasan tungkol sa inyong magiging kapalaran ngayong 2026. Iisa-isahin natin ang pangunahing ugali at magiging kapalaran ng 12 animal signs at kung ano ang dapat n’yong gawin upang suwertehin kayo sa darating na 2026.





FORECAST ARIES, TIYAK NA YAYAMAN SA TAMANG DISKARTE – MAESTRO


Issue: December 27, 2025



Sa pagpapatuloy ng Forecast 2026, sa pagkakataong ito ay itutuloy na natin ang magiging kapalaran ng zodiac sign na Aries sa taong 2026.


Kung ikaw ay isang Aries, tiyak na aangat ang iyong pangkabuhayan at kagulat-gulat na oportunidad din ang iyong makakaharap sa taong 2026. Ang mga ito ay pawang magko-contribute sa pag-unlad ng iyong career at kabuhayan, kaya posibleng makaramdam ka ng kalituhan kung alin ang pipiliin at ipa-prioritize mo.


Siyempre pa, upang hindi ka magkamali ng desisyon, mahalagang malinaw at klaro ang iyong pamantayan sa tanong na, “Saan ba ako higit na makakaipon?”


Ang usapin tungkol sa savings o pag-iipon para sa hinaharap ang dapat mong i-prioritize sa iyong buhay. Sa praktikal na pananaw, aanhin mo ang magagandang pagkakataong kumikita ng malaki kung hindi naman ito nauuwi sa ipon?


Tandaan mo, higit na mahalaga sa panahon ngayon ang pagkakaroon ng savings, dahil ito mismo ang magsisilbing security mo sa future at magbibigay sa iyo ng tunay na peace of mind. At kapag meron kang peace of mind, sa puntong iyon lamang masasabi na ikaw ay tunay na successful at maligaya.


Sa aspetong pampamilya, upang manatiling smooth ang mga pangyayari at hindi ka bigyan ng problema at kaguluhan ng iyong mga kadugo at mahal sa buhay, mas mabuting iwasan mong sumalungat sa agos.


Huwag na huwag kang kokontra sa mga sinasabi, sina-suggest, at ipinapagawa nila sa iyo upang maiwasan ang conflict at hindi pagkakaunawaan. Pagkatapos ng lahat, ang lahat naman ng kanilang mungkahi, lalo na ng mga taong malapit at mahal mo sa buhay ay para rin sa iyong ikauunlad at ikaliligaya sa huli.


Ang dapat mo lamang tandaan, bagama’t sumusunod ka sa kanilang mga suhestiyon, huwag ka ring papayag na maagrabyado sa larangan ng salapi at aspetong pinansyal.


Pagdating sa usaping pagkakaperahan o gastusan, mahalagang ipaliwanag mo na dapat laging “equally divided” o patas-patas ang hatian upang walang mapag-iwanan.

Kapag ganito ang sistema, pantay-pantay at walang lamangan—makikita mo na sa buong taong 2026, pare-pareho kayong uunlad hanggang sa tuluy-tuloy na sumagana at yumaman ang inyong pamilya.


Manatiling nakasubaybay sa Forecast 2026 na eksklusibo n’yo lang mababasa sa pahayagang BULGAR upang madami pa kayong matutunan at matuklasan tungkol sa inyong magiging kapalaran ngayong 2026. Iisa-isahin natin ang pangunahing ugali at magiging kapalaran ng 12 animal signs at kung ano ang dapat n’yong gawin upang suwertehin kayo sa darating na 2026.





Kung sasabayan pa ng damit na pula… ARIES, SUREBALL NA SUSUWERTEHIN!


Issue: December 24, 2025


Sa pagpapatuloy ng Forecast 2026, iisa-isahin na natin ngayon ang magiging kapalaran ng 12 zodiac signs.


Kung ikaw ay isang Aries, na isinilang noong ika-21 ng Marso hanggang ika-19 ng Abril, sinasabing isa ka sa mga susuwertehin sa susunod na taon, dahil kayo ay pinaghaharian ng elementong fire o apoy.


Bukod sa nagtataglay ng elementong fire o apoy, ang Aries ay may ruling planet din na Mars, na tinatawag ding “The Red Planet.” Ang kulay na red ay kumakatawan sa apoy, init ng pakikipagsapalaran, init ng pagmamahalan, at init ng aspetong pansekswal at

pangmateryal.


Kaya kung ikaw ay may zodiac sign na Aries, tiyak na makatatamo ka ng suwerte at buwenas sa iba't ibang larangan ng buhay sa taong 2026, higit lalo kung magsusuot ka ng kulay na red o pula, na kumakatawan sa planetang Mars at sa iyong elemento. Ang kulay na ito ay nagbabadya ng malakas na enerhiya na magdadala sa iyo sa mas matagumpay na taon, lalo na sa larangan ng pag-ibig, aspetong pansekswal, pananalapi, at pagpapalago ng materyal na bagay, na maaaring maghatid ng kayamanan sa susunod na taon.


Dagdag pa rito, sinasabi rin na sa unang yugto o hati ng taong 2026, biglang aangat ang kanilang kita at kasabay nito ay darami rin ang mga oportunidad para sa pagkakakitaan.

Para sa mga nagtatrabaho sa kumpanya o pabrika, umasa kang lalo pang iaangat ng langit ang iyong posisyon. Ang iyong effective leadership na ipinatupad noon, na may dagdag na inobasyon, ay tiyak na magbubunga ng promosyon at dagdag-kita. Dahil sa iyong galing at kahusayan, makikilala ka sa lipunang ginagalawan mo.


Sa madaling sabi, sa first quarter ng taong 2026, maaari mo nang asahan ang pagtaas ng suweldo, promosyon, o pag-angat sa posisyon o ranggo — na dapat ay tanggapin mo nang bukas ang puso.


Ang higit na mahalaga, basta’t sumusunod ka sa mga ipapagawa sa iyo ng nakatataas at walang sablay sa iyong mga plano. Ang iyong suwerte at tagumpay ay nakaayos na para sa buong taong 2026, lalo na sa pananalapi, paglalakbay, at sa materyal na bagay.


Manatiling nakasubaybay sa Forecast 2026 na eksklusibo n’yo lang mababasa sa pahayagang BULGAR upang madami pa kayong matutunan at matuklasan, tungkol sa inyong magiging kapalaran ngayong 2026. Iisa-isahin natin ang pangunahing ugali at magiging kapalaran ng 12 animal signs at kung ano ang dapat n’yong gawin upang suwertehin kayo sa darating na 2026.





MGA BIRTH DATE, ZODIAC, AT ANIMAL SIGNS NA MAKAKATANGGAP NG DOBLE-BIYAYA


Issue: December 22, 2025





Sa pagpapatuloy ng Forecast 2026, noong mga nakaraang araw ay tinalakay natin ang mga susuwertehing birth date sa taong 2026, gayundin ang mga masuwerteng animal sign at zodiac sign. 


Sa pagkakataong ito, muli lamang nating ibubuod at lilinawin ang mga ito.

Tulad ng nasabi na, ang mga susuwertehing birth date sa buong taong 2026 ay ang mga isinilang sa petsang 1, 10, 19, at 28; gayundin ang mga isinilang sa petsang 2, 11, 20, 29, 7, 16, at 25; at ang mga isinilang sa petsang 4, 13, 22, at 31.


Sa kombinasyon naman ng Western Astrology, Numerology, at Chinese Elemental Astrology, ang mga susuwertehing zodiac sign sa taong 2026 ay ang Leo, dahil ang numerong mamamayani sa taong 2026 ay ang 1 na may ruling planet na Sun. 

Ang Sun na ito ay siya ring ruling planet ng zodiac sign na Leo, kaya’t ang Leo ay tiyak at siguradong susuwertehin sa buong taon ng 2026.


Bukod sa Leo, susuwertehin din ang Cancer, dahil ang auspicious planet o ang pinakamasuwerteng planetang Jupiter ay papasok at mananatili sa zodiac sign na Cancer sa buong taong 2026. Dahil dito, maraming mga pagpapala at magagandang kapalarang hindi inaasahan ang magaganap sa buhay ng isang Cancer sa buong taon.


Susuwertehin din siyempre ang zodiac sign na Gemini, dahil ang animal year sa susunod na taon ayon sa Chinese Elemental Astrology ay ang Horse, at ang Horse ay katumbas ng Gemini sa Western Astrology. Dahil dito, sisigla ang career at mga gawain ng Gemini sa taong 2026, at bibilis ang kanyang pag-unlad, pag-asenso, pagsikat, at pagyaman.


Tandaan din natin na ang mamamayaning elemento sa taong 2026 ay ang elementong Fire o Apoy. Kaya naman ang mga zodiac sign na nagtataglay ng fire element ay siguradong magtatamo ng suwerte at magagandang kapalaran sa buong taon ng 2026, tulad ng Leo, Sagittarius, at Aries.


Sa aspeto naman ng Chinese Elemental Astrology, dahil ang iiral na animal sign sa buong taong 2026 ay ang Horse, ang mga animal sign na ka-compatible nito ay tiyak ding susuwertehin at makakatanggap ng magagandang kapalarang may kaugnayan sa salapi at materyal na bagay. Kabilang dito ang Dog (Aso), Tiger (Tigre), at ang secret friend ng Horse na Sheep (Tupa), na minsan ay tinatawag ding Goat (Kambing).

Silang lahat na nabanggit sa itaas ay tiyak at siguradong susuwertehin sa buong taong 2026.


Mapapansin na sa sandaling pinagsama-sama ang Numerology, Western Astrology, at Chinese Elemental Astrology, masasabing ang pinakamasuwerte sa taong 2026 ay ang mga may birth date na 2, 11, 20, 29, 7, 16, 25, 1, 10, 19, 28, 4, 13, 22, at 31, at nagtataglay pa ng zodiac sign na Cancer, Leo, Gemini, Sagittarius, at Aries, at ang animal sign ay Horse, Dog, Tiger, o Goat.


Kung ganito ang iyong kombinasyon, tunay na masasabing super-suwerte, at doble-doble ang pagpapala at magagandang biyayang ipagkakaloob ng langit sa halos lahat ng aspeto ng iyong buhay sa buong taong 2026.


Manatiling nakasubaybay sa Forecast 2026 na eksklusibo n’yo lang mababasa sa pahayagang BULGAR upang madami pa kayong matutunan at matuklasan, tungkol sa inyong magiging kapalaran ngayong 2026. Iisa-isahin natin ang pangunahing ugali at magiging kapalaran ng 12 animal signs at kung ano ang dapat n’yong gawin upang suwertehin kayo sa darating na 2026.




MGA KA-SWAK NG HORSE AT GEMINI, SIGURADONG AANGAT SA 2026!


Issue: December 21, 2025





Sa pagpapatuloy ng Forecast 2026, matapos nating talakayin ang karunungang Numerology, napag-alaman natin na ang taong 2026 ay saklaw ng numerong 1.

Nangyari ito dahil ang 2026 ay kinokompyut ng ganito:2026 = 20 + 26 = 46 / 4 + 6 = 10 / 1 + 0 = 1.


Ang numerong 1 ay pinamumunuan ng planetang Sun o Araw, kaya masasabi nating ang mga taong isinilang sa petsang 1, 10, 19, at 28 ay magkakaroon ng kakaiba, makulay, at marangyang karanasan sa taong 2026. Sila ay kabilang sa mga tunay na susuwertehin at magtatamo ng magagandang kapalaran sa buong taon.


Bukod sa mga ipinanganak sa petsang 1, 10, 19, at 28, susuwertehin din sa taong 2026 ang mga taong ka-compatible ng Taong Uno. Kabilang dito ang mga isinilang sa petsang 2, 11, 20, 29, 7, 16, 25, 4, 13, 22, at 31.


Ang mga nabanggit na petsa ng kapanganakan ay tiyak na magtatamo ng suwerte, hindi inaasahang pag-unlad, masasayang karanasan, at magagandang kapalaran sa buong taong 2026.


At sa pagkakataong ito, itataas pa natin sa mas mataas na antas ang ating pag-aaral hinggil sa Forecast 2026.


Bukod sa karunungang Numerology, malalaman din natin ang magiging kapalaran sa taong 2026 sa pamamagitan ng Western Astrology at ng kombinasyon ng Chinese Elemental Astrology.


Una, aalamin natin kung ano'ng zodiac sign ang mamamayani sa taong 2026. May dalawang paraan upang matukoy ito, at ang tinatawag na Year of the Horse sa Chinese Astrology ay ating pagsasamahin at iuugnay sa Western Astrology.


Tulad ng ating nabanggit sa mga nakaraang talakayan, may 12 animal signs sa Chinese Astrology at may 12 zodiac signs din sa Western Astrology.


Nangyari ito dahil sa katotohanan na ang 12 animal signs na nakita ng mga sinaunang Chinese astrologers nang sila’y tumingala sa langit ay siya ring 12 zodiac signs na nakita ng mga Western astrologers o ng mga Chaldean.


Ibig sabihin, iisa lamang ang langit na ating tinitingala, saan mang panig ng mundo tayo naroroon. Ang 12 punpon ng mga bituin o constellations na makikita sa silangan ay siya ring makikita sa kanluran, hilaga, at timog.


Kaya’t pare-pareho lamang ang mga punpon ng bituin at wala itong pinagkaiba—nagkakaiba lamang sa pagbibigay ng pangalan at interpretasyon.


Dahil dito, ang Horse sa Chinese Astrology—na siyang animal sign na mamamayani sa taong 2026 ay tumutugma sa zodiac sign na Gemini sa Western Astrology.


Kung gaano kahalaga ang kapalaran ng mga isinilang sa animal sign na Horse sa taong 2026, ganu'n din kahalaga ang magiging kapalaran ng mga isinilang sa zodiac sign na Gemini.


At kung ang mga ka-compatible ng Horse ay ang Dog at Tiger, sinasabing susuwertehin at magtatamo rin sila ng magagandang kapalaran sa buong taong 2026, ganu’n din ang mangyayari sa mga ka-compatible ng Gemini, na walang iba kundi ang Aquarius at Libra. Kaya naman, tiyak at siguradong susuwertehin din sila sa taong 2026. 


Manatiling nakasubaybay sa Forecast 2026 na eksklusibo n’yo lang mababasa sa pahayagang BULGAR upang madami pa kayong matutunan at matuklasan, tungkol sa inyong magiging kapalaran ngayong 2026. Iisa-isahin natin ang pangunahing ugali at magiging kapalaran ng 12 animal signs at kung ano ang dapat n’yong gawin upang suwertehin kayo sa darating na 2026.





LIMPAK-LIMPAK NA PERA, DARATING SA TAONG UNO!


Issue: December 19, 2025



More money


SA pagpapatuloy ng Forecast 2026, ayon sa karunungang Numerology, ang taong 2026 ay taon din ng numerong 1. 


Nangyari iyon dahil ang 2026 ay kinukuwenta sa ganitong paraan ang 2026, 2 + 0 + 2 + 6 = 10 / 1 + 0 = 1, kung saan ang 1 ay may kaugnayan sa planetang Sun o Araw.

Ang 1 na tulad ng Sun ay sumisimbolo ng unity o pagkakaisa, bagong simula, vitality o kakaibang lakas, enerhiya, at pagsikat.


Alalahanin ding, bukod sa Jupiter, na isang auspicious planet o pinakamapalad na planeta ayon sa Western Astrology, ang Sun ay itinuturing ding napakasuwerte at mapalad. Sa Araw, nagmumula ang lahat ng liwanag at enerhiyang nagbibigay-buhay sa bawat nilikha. Ang Araw o 1, ang nagpapalago ng mga halaman at nagpapahinog ng mga bungang kahoy, na nagbabadya ng pagyaman at kasaganaan.


Samantala, maaaring itanong mo, “Ano ang magiging kapalaran ng mga Taong Uno sa taon ng 2026?”


Tulad ng naipaliwanag, ang mga Taong Uno ay sila na isinilang sa petsang 1, 10, 19, at 28, dahil ang numerong 1 na may ruling planet na Sun ay siya ring ruling planet ng zodiac sign na Leo, bukod sa mga isinilang sa petsang 1, 10, 19, at 28, magtatamo rin ng maraming suwerte at magandang kapalaran ang mga taong may zodiac sign na Leo sa taong 2026.


Kung ikaw ay isinilang sa petsang 1, 10, 19, o 28, itatala sa iyong buhay ang pagiging aktibo ng iyong kapalaran, lalo na sa aspetong may kaugnayan sa salapi, kabuhayan, at paglalakbay.


Sinasabi ring maraming positibong oportunidad sa pagkakakitaan ang magbubukas sa mga Taong Uno sa susunod na taon, kaya iyon na rin ang panahon upang tuluy-tuloy ninyong mapalago ang financial aspect ng inyong kapalaran.


May mga paglalakbay ring nakatakda, at ang mga ito ay maaaring maging daan upang kumita ka ng malalaking halaga ng salapi. 


Samantala, darating din sa susunod na taon ang iba't ibang uri ng karangalan at pagkilala sa lipunan sa larangan o sangay na iyong ginagalawan. Hindi lamang ito magdudulot ng pagsikat, kundi magbubukas din ito ng mga oportunidad upang lumago pa ang iyong kabuhayan at pinansyal na aspeto.


Ibig sabihin, ang karangalan at pagkilala ng lipunan na matatanggap mo sa taong 2026 ay magiging dahilan upang magkaroon ka ng limpak-limpak na halaga ng salapi, na maaaring higit pa sa inaasahan mo.


May mga pagkakataon ding bigla kang bubuwenasin sa raffle o makatatanggap ng suwerte na hindi mo inaasahan. At dahil ang numerong 1 ay kombinasyon ng animal sign na Horse, ang malalaking suwerte, buwenas, at magagandang kapalaran na darating sa mga taong isinilang sa petsang 1, 10, 19, at 28 ay tiyak at mabilis.


Magdudulot ito ng pag-unlad, hindi lamang sa iyong sarili kundi sa iyong buong pamilya at angkan, na parehong makikinabang at tatamasa ng mga biyayang darating.


Manatiling nakasubaybay sa Forecast 2026 na eksklusibo n’yo lang mababasa sa pahayagang BULGAR upang madami pa kayong matutunan at matuklasan, tungkol sa inyong magiging kapalaran ngayong 2026. Iisa-isahin natin ang pangunahing ugali at magiging kapalaran ng 12 animal signs at kung ano ang dapat n’yong gawin upang suwertehin kayo sa darating na 2026.





2026, TAON NG MALAKING KITA AT PAGSIKAT!


Issue: December 18, 2025



Year 2026


Nitong mga nakaraang araw ay naanalisa na natin ang mga kaganapan o forecast sa taong 2026. Kung saan ang gagawing pag-aanalisa ay isang comprehensive analysis. Ibig sabihin, pagsasama-samahin ang iba’t ibang karunungang may kaugnayan sa Chinese Elemental Astrology, Western Astrology, at Numerology.


Kahapon ay natalakay na natin ang karunungang Numerology sa taong 2026, na paghaharian ng numerong 1, na may ruling planet na Sun. Ito ay dahil ang 2026 ay kinukuwenta sa pamamagitan ng ganitong pormula: 20 + 26 = 46 / 4 + 6 = 10, at ang 10 ay 1 + 0 = 1.


Kung saan, ang ibig sabihin ng 1 ay bagong simula, bagong pag-asenso, at bagong pakikipagsapalaran. Kaya kung may mga bagay o proyektong nais mong ipatupad ngunit hindi mo naisagawa noong taong 2025, masasabi na pagkakataon mo na ang 2026 upang ito ay ilunsad nang mabilis. Ito ay dahil ang planetang Sun, na kumakatawan sa numerong 1, ay tiyak na iimpluwensiyahan ang iyong mga gawain at aktibidad upang ikaw ay manaig at magtagumpay.


Dagdag pa rito, dahil ang 1 ay may kaugnayan sa Sun o pagsikat, ang mga gawaing may kinalaman sa leadership o pamumulitika ay bagay na bagay isagawa sa taong 2026.


Gayundin, ang mga larangang may kaugnayan sa entertainment, social media influencer, at pag-a-upload ng mga video sa social media platforms ay tiyak na papatok at magiging mabunga sa susunod na taon. Walang duda na mas maraming sisikat at makikilalang bagong mukha sa social media ang itatanghal at pag-uusapan sa buong taon ng 2026.


Bukod sa mga gawaing magpapasikat at magpapakintab ng pangalan, kabilang din sa mga suwabeng-suwabe at patok na career o gawain sa 2026 ang mga produktong ginagamitan ng init, partikular ng init ng araw at ng kuryente. Maaari ding isaalang-alang ang mga produktong ginagamitan ng nuclear power.


Kaya kung ikaw ay isang negosyante o mangangalakal, tiyak na lalo pang aangat ang pag-unlad ng mga negosyong may kaugnayan sa solar panels, solar systems, at lahat ng produktong “solar” na ginagamitan ng init ng araw, dahil ang mga ito ay tiyak na tutubo ng malaking kita.


Bukod sa mga kasangkapan at gadget na ginagamitan ng solar power, ang mga produktong gumagamit ng kuryente ay patok na patok din at tiyak na sasagana at aani ng malaking halaga sa taong 2026, tulad ng e-bike, electric car, at iba pang kalakal na kauri nito.


Dahil 1 ang numerong mamamayani sa taong 2026, ang sinumang magsisimula ng negosyo sa nasabing taon ay tiyak na sisikat, magiging matagumpay, at maitatala sa hanay ng mga negosyanteng kikita ng dambuhala at malalaking halaga sa larangan ng negosyo. Dagdag pa rito, hindi lamang sila yayaman at uunlad, bagkus ang kanilang negosyo at produkto ay tatanghaling mangunguna at magiging no. 1 pa sa buong taon ng 2026.



BAGONG SIMULA AT PAGBABAGO: GABAY SA TAONG 2026


Issue: December 17, 2025



Noong nakaraang araw ay natalakay na natin ang mga suwerte at paborableng kulay sa taong 2026. 


Kaya sa pagkakataong ito, dadako na tayo sa mahalagang tanong na, “Anu-ano ang maaaring maganap sa taong 2026?”


Tandaan, ang pag-aanalisang ginagawa natin sa Forecast 2026 ay comprehensive. Ibig sabihin, kombinasyon o pinagsama-samang karunungan na may kaugnayan sa Chinese Elemental Astrology, Western Astrology, at Numerology, na siyang araw-araw nating tinatalakay sa ating mga kolum na lagi ninyong tinatangkilik sa pahayagang BULGAR.


At siyempre pa, bukod sa pahayagang BULGAR, mababasa rin ang Forecast 2026 sa mga social media platform ng pahayagan.


Ngayon ay dadako na tayo sa mahalagang tanong na inaabangan ng halos lahat ng Pilipino, “Giginhawa na kaya ang buhay sa taong 2026?” At “Anu-ano ang mahahalagang pangyayaring posible at maaaring maganap?”


Siyempre pa, uumpisahan natin ang pag-aanalisa sa karunungang Numerology, isang karunungan na nakabase ang pagsusuri sa pamamagitan ng mga numero.


Tandaan, sa taong 2026, ang numerong mamamayani ay ang numerong 1. Nangyari ganu’n, dahil sini-single digit ang bawat numero kapag ito ay binubuo ng mahigit sa isang digit. Kaya upang mai-single ang taong 2026, gagamit tayo ng simpleng addition.

Ang 2026 ay magiging 20 + 26 = 46, at ang 46 ay 4 + 6 = 10, at ang 10 ay 1 + 0 = 1. Kaya naman, 1 talaga ang mamayani sa susunod na taon.


Sa mga bago o ngayon pa lamang nagbabasa ng mga kolum ni Maestro Honorio Ong, maaaring itanong ninyo kung bakit sini-single digit ang mga numero, dahil sa karunungang Numerology, mahiwaga ang bawat bilang. Ngunit, ang pinakaubod ng lihim ng Numerology ay ang katotohanang ang lahat ng bilang ay nauuwi lamang sa numero 1 hanggang 9.


Oo, kahit gaano pa kahaba o kalaki ang isang bilang—maging ito man ay isang milyon, bilyon, trilyon, o kahit ano pa ang susunod sa trilyon—lahat ng bilang ay mauuwi lamang sa numero 1 hanggang 9.


Halimbawa, ang kasunod ng 9 ay 10, 11, 12, 13, 14, at iba pa. Ngunit kapag siningle digit mo ang mga ito, bumabalik lamang sila sa bilang na 1 hanggang 9.


Gaya na lang ng 11, ganito ang magiging computation nito: 1 + 1 = 2, at isa pang halimbawa ay ang 12, 1 + 2 = 3. Kaya kahit makarating pa ng 100 +, sa numerong 1 to 9 lang din iyan babagsak.


Halimbawa naman ng 100 ay 10 + 0 = 10 / 1 + 0 = 1. At ang 101 naman ay 10 + 1 = 11 / 1 + 1 = 2. 


Kaya kahit isang libo, milyon, bilyon at trilyon pa ‘yan at walang katapusang mga bilang ang lahat ng bilang ay mauuwi lang din sa numerong 1 to 9.


Kaya sa pagkakataong ito, bukod sa pag-aanalisa natin ng mga kaganapan o forecast sa taong 2026, natututo rin kayo ng introduction o paunang leksyon sa karunungang Numerology.


Matapos ma-single digit ang taong 2026, at lumabas nga ang suma-total na 1, tandaan na ang bawat numero mula 1 hanggang 9 ay may kaakibat na Ruling Planet, katulad ng sa basic Astrology, kung saan ang mga planetang ito ang nagbibigay-kahulugan sa mga numero.


Kung ano ang Ruling Planet ng bawat numero mula 1 hanggang 9, iyon din ang humigit-kumulang na nagiging takdang kapalaran, pangyayari, at tadhana—hindi lamang ng isang tao, kundi maging ng isang buong taon, tulad ng taong 2026.

Balik tayo sa numerong 1, na taglay ng taong 2026, kung saan ang Ruling Planet nito ay ang Sun.


Ibig sabihin, sa taong 2026, tiyak na magkakaroon ng bagong simula sa maraming aspeto ng buhay. ‘Ika nga ng paboritong termino ni Pangulong BBM, ito ay isang “government reset.”


Kapansin-pansin din sa mga nagaganap sa buong mundo, lalo na kung sinusubaybayan ninyo ang kilos ng United States—na maraming bagong polisiya ang ngayon lamang natin nasasaksihan. Ito ay mga panukala at hakbang na ini-introduce ng US President na si Donald Trump, na malinaw na sumasalamin sa enerhiya ng numerong 1, bagong simula, pagbabago, at panibagong direksyon.


Manatiling nakasubaybay sa Forecast 2026 na eksklusibo n’yo lang mababasa sa pahayagang BULGAR upang madami pa kayong matutunan at matuklasan, tungkol sa inyong magiging kapalaran ngayong 2026. Iisa-isahin natin ang pangunahing ugali at magiging kapalaran ng 12 animal signs at kung ano ang dapat n’yong gawin upang suwertehin kayo sa darating na 2026.





MGA KULAY NA MAY DALANG SUWERTE


Issue: December 16, 2025


Number 1

Sa pagpapatuloy ng Forecast 2026, dadako naman tayo sa mas mataas na antas ng pag-aanalisa ng masuwerteng kulay sa taong 2026.


Sa kombinasyong Western at Chinese Elemental Astrology na lagi nating ipinapaliwanag taun-taon, ang 12 animal signs ng Chinese Astrology ay siya ring 12 zodiac signs ng Western Astrology, at iisa lamang ang langit na kanilang tinitingala.


Kaya lagi mong tatandaan, na ang mga zodiac signs ng Western Astrology at ang animal signs ng Chinese Astrology ay mga punpon o sama-samang bituin na lumilikha ng iba’t ibang imahe.


Ang mga imaheng ito ang kanilang in-imagine sa at siyang nirerepresenta ng 12 zodiac signs at animal signs, na nagkataong hayop ang naging basehan.

Huwag ding kalilimutan na ang animal sign na mamamayani sa taong 2026 ay Horse o Kabayo, habang ang taong ito ay siya ring Gemini na may ruling planet na Mercury sa Western Astrology.


Kaya kung susuriin ang mga mapalad na kulay sa taong 2026 batay sa kombinasyon ng Chinese at Western Astrology, madaling malalaman na kung ano ang kulay ng zodiac sign na Gemini ay siya ring magiging masuwerteng kulay ng taon.


At dahil ang Gemini ay pinamumunuan ng planetang Mercury, matitiyak na ang mga kulay ng Mercury ay magiging mapalad sa buong taon ng 2026. Kabilang dito ang pangunahing kulay na white, gray, metallic blue, at lahat ng kumikislap na kulay na hango sa metal—gaya ng stainless, bronze, kulay tanso, kulay bakal, platinum, silver, at gold, na sadyang magiging mapalad ding mga kulay at pan-display sa taong 2026.


Ang mga nasabing kulay ay kumakatawan at sumisimbolo rin ng bilis, talino, karunungan, pagiging tuso, katatagan, komunikasyon, high-tech na mga bagay, at modernong teknolohiya.


Ito rin ang mga kulay na iniuugnay sa AI, tulad ng AI na Gemini na inilunsad ng Google noong nakaraang taon.


Samantala, kung Western Astrology ang pagbabatayan, dahil sa taong 2026 ay inaabangan ang pagpasok at pananatili ng auspicious o mapalad na planetang Jupiter sa zodiac sign na Cancer, sinasabing ang mga kulay ng Cancer ay magiging mapalad din sa buong taon, tulad ng silver, powder blue, at teal green.


Manatiling nakasubaybay sa Forecast 2026 na eksklusibo n’yo lang mababasa sa pahayagang BULGAR upang madami pa kayong matutunan at matuklasan, tungkol sa inyong magiging kapalaran ngayong 2026. Iisa-isahin natin ang pangunahing ugali at magiging kapalaran ng 12 animal signs at kung ano ang dapat n’yong gawin upang suwertehin kayo sa darating na 2026.




ALAMIN: SUWERTENG HATID NG KULAY DILAW SA 2026!


Issue: December 14, 2025





Nitong nakaraang araw ay natalakay na natin ang Cloud Dancer, o kulay puti, bilang Color of the Year, na sumisimbolo ng serenity, calm, peace of mind, purity, at new beginning.


Habang ayon naman sa karunungang Chinese Elemental Astrology, red o pula umano ang kulay ng taong 2026, base sa elementong Apoy o Fire na taglay ng mismong taong 2026. 


Bukod sa taong 2026, tunay ngang ang fixed element na tinataglay ng Horse o Kabayo ay ang elementong Fire o Apoy, kaya walang duda na ang taong 2026, na tatawaging Year of the Fire Horse ay nagtataglay ng pula.


Ang pula ay sumisimbolo ng sex, pag-ibig, romansa, sulak ng dugo at tibok ng dibdib, kasiglahan, mainit at nag-aapoy na enerhiya, kasaganaan sa kabuhayan, malulutong at makakapal na halaga ng salapi.


Samantala, kung aangat pa tayo ng isa pang level sa ating asignatura at pagbabasehan naman natin ang karunungang Numerology, mapapansin na ang taong 2026 ay kinokompyut ng ganito: 20 + 26 = 46 / 4 + 6 = 10 at ang 10 ay 1 + 0 = 1. Kaya naman, kung Numerology ang tatanungin, sinasabi na ang taong 2026 ay pinaghaharian ng numerong 1, na nagtataglay ng ruling planet na Sun.


At alam naman nating lahat na ang Sun ay nagtataglay ng kulay yellow o dilaw, kaya lahat ng uri ng kulay na yellow o dilaw ay magiging mapalad din sa taong ito, lalung-lalo na ang golden yellow at ocher yellow.


Ang dilaw o yellow ay kumakatawan din sa init ng araw, sa bukang-liwayway, at bagong simula. Ito rin ay naglalarawan ng isang masaya, bagong umaga at isa pa, sumasagisag din ito ng optimism, sunshine, warm energy, happiness, at joy.


Samantala, ang gold o ginto naman ay sumisimbolo ng limpak-limpak na halaga ng salapi at bultu-bultong kayamanan.


Kaya walang duda, sa taong ito ng 2026, isa-isa nang mamumunga ng ginto ang mga pagsisikap na itinanim natin ngayong taon.


At tulad ng pula, ang dilaw ay nagbabadya at nagbabalita rin ng isang bagong simula, na may hatid ng mas maunlad at mas masaganang buhay sa buong taon ng 2026.





Bukod sa Cloud Dancer… PULA, OKS DIN PAMPASUWERTE SA 2026!


Issue: December 13, 2025

Noong nakaraang araw ay natalakay na natin ang patungkol sa kumpanyang Pantone, na dalubhasa sa color matching system na ginagamit sa fashion, product design at maging sa business setting. 


Kaya naman ang kulay na Cloud Dancer o kulay puti ang mamayaning kulay sa taong 2026 na tatawaging Color of the Year.


Ngunit kung iisipin at pag-aaralang mabuti, hindi naman sinasabi ng Pantone na ang Cloud Dancer o ang kulay ng ulap na puti ang suwerte at mapalad na kulay sa taong 2026, dahil wala naman silang kaugnayan sa pamahiin, fortune telling o maging sa pagpu-punsoy ng mga bagay-bagay.


Kaya dadako na tayo at sasagutin na natin ang tanong na “Ano ba ang sinasabi ng karunungang Chinese elemental astrology tungkol sa suwerteng kulay sa taong 2026?”


At dahil ang 2026 ay nagkataong pinaghaharian ng animal sign na Horse, na taglay ang elementong fire o apoy ng year 2026, at magsisimula ang Chinese New Year sa February 17, 2026, ibig sabihin mula February 17, 2026 hanggang February 5, 2027 ay mamamayani ang animal sign na Horse na taglay ang elementong apoy o fire.


Tandaan, ang bawat animal sign ay may fixed element, at nagkataong ang fixed element ng Horse o Kabayo ay fire o apoy. At huwag din nating kalilimutan na ang bawat taon sa Chinese elemental astrology ay may naka-assign na element, at nagkataong ang year 2026 ay may elementong fire o apoy. 


Kaya mapapaisip ka at masasabi mo sa iyong sarili na, “Dalawang apoy o double fire ang mamayani sa taong 2026.”


Ito ang apoy na fixed element ng Horse o Kabayo at ang apoy na naka-assign na elemento ng year 2026.


Kung saan, ang fire o apoy sa Chinese elemental astrology ay sumisimbolo ng parang Kabayo rin—mabilis na pagkilos at pagtakbo, habang ang apoy naman ay nagpapahiwatig din ng expansion o paglawak.


Kaya sa taong 2026, asahan ang mabilis na paglawak ng business empire o mabilis na pagdoble ng iyong mga kinikita. Mabilis na pagdami at paglago ng iyong mga produkto ang posibleng maganap, at mabilis ding pagdami at pagdoble ng iyong kabuhayan, higit lalo kung ikaw ay isang negosyante o mangangalakal.


Init at malakas na enerhiya rin ang ipinahihiwatig ng elementong fire o apoy, kaya ito ang nakakaluto ng kanin, ulam at iba pang lutuin. Kaya naman kung noong nakaraang taon ay tamad na tamad kang kumilos, sa taong 2026 ay tiyak na gaganahan ka na!


Mag-iinit ka sa lahat ng aspeto ng iyong buhay, lalo na pagdating sa career, trabaho, pakikisalamuha sa kapwa, pamamasyal o paglalakbay at tiyak na mag-iinit ka sa pakikipagrelasyon at maging sa larangang sekswal.


Higit lalo kung ikaw ay isang Kabayo, Aso o Tigre—ang mga animal sign na compatible sa Kabayo na siguradong susuwertehin sa 2026. Ganu’n din ang Tupa o Kambing, na itinuturing na secret friend ng Kabayo.


Pero hindi ‘yan ang asignatura natin ngayon. Ang topic ng aralin natin ngayon ay ang mga masuwerteng kulay sa taong 2026.


At dahil ayon sa Chinese elemental astrology, ang fire o apoy ang mamayaning elemento sa 2026, at ang fire o apoy ay nagtataglay ng kulay na pula o red—


Kaya walang duda, ang kulay na pula o red ang pangunahing magiging masuwerteng kulay sa buong taong 2026.


Ito ay sumisimbolo ng sex, pag-ibig, kasiglahan, sulak ng dibdib, daloy ng dugo sa ugat, tibok ng puso, at nag-aapoy na romansa.


Ang apoy ay sumisimbolo rin ng likas na suwerte, magagandang kapalaran, at higit sa lahat, ang pula o ang apoy ay kumakatawan din sa kulay ng pulang sobreng angpao na pinamimigay tuwing Kapaskuhan at Bagong Taon—sumisimbolo ng kasaganaan, paglago ng kabuhayan at maraming-maraming pera.


Manatiling nakasubaybay sa Forecast 2026 na eksklusibo n’yo lang mababasa sa pahayagang BULGAR upang madami pa kayong matutunan at matuklasan, tungkol sa inyong magiging kapalaran ngayong 2026. Iisa-isahin din natin ang pangunahing ugali at magiging kapalaran ng 12 animal signs at kung ano ang dapat ninyong gawin upang suwertehin kayo sa darating na 2026.

 
 

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | January 12, 2026



Horoscope


Sa may kaarawan ngayong Enero 12, 2026 (Lunes): Hindi maiaalis sa iyo ang kaba at pag-aalinlangan, pero ginagarantiya ng araw ng iyong pagsilang na maaabot mo ang iyong pangarap.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Paisa-isa lang ang paghakbang, pero kailangan tuluy-tuloy. Ito ang isang sikreto ng tagumpay na kapag ginawa mo ngayong taon, makakaiwas ka sa mga malalaking kabiguan at pagkalugi. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-4-19-24-31-38-45.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Huwag kang mahiya na humingi ng tulong sa mga taong may alam. Sila rin naman ay walang alam noon, pero tingnan mo sila ngayon, matagumpay na. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-6-11-17-21-32-42.


GEMINI (May 21-June 20) - Hindi ka dapat malibang sa masasayang kasama mo. Higit kailanman, ngayon mo kailangang tutukan ang pinakamalalaking ambisyon mo sa buhay. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-2-16-25-30-35-43.


CANCER (June 21-July 22) - Ano ang gagawin mo kapag inilapit ka ng langit sa taong handa kang bigyan ng masarap na buhay? Ano pa nga ba? Eh ‘di tanggapin mo agad! Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-5-15-23-26-33-40.


LEO (July 23-Aug. 22) - Hindi puwedeng hindi ka makialam sa mga mahihina. Malakas ka ngayon at mas lalakas ka kesa sa pangkaraniwan. Kaya ibahagi mo ito sa mahihina. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-7-10-12-20-37-43.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kung ano ang malapit sa iyo, siya ang para sa iyo. Kaya ang mga nasa malayo, balewalain mo muna dahil mag-aaksaya ka lang ng oras sa kanila. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-5-17-22-31-38-41.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Huwag mong pakawalan ang pinakikinabangan mo. Ang hayaan mong mawala ay silang mga taong nagpapahirap sa kalooban at damdamin mo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-7-14-16-23-35-44.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Ipanatag mo ang iyong kalooban. May maliliit at malalaking problema, pero kusa rin naman itong magsisilayasan sa buhay mo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-1-18-21-27-30-43.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Iyung-iyo ang araw na ito. Ang sinumang sumira sa saya at sigla mo, langit mismo ang makakabangga. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-3-10-15-25-36-42.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Hanapin mo ang daan ng pagkakaunawaan. Dahil kapag matiwasay ang iyong buhay, magtutuluy-tuloy ang pagdating ng malalaking suwerte mo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-4-16-29-32-37-41.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Ito ang araw na hindi ka bibiguin ng langit. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-8-15-18-22-30-34.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kailangan mo munang lumayo. At ang isa sa magandang paraan upang lumayo ay ang pangingibang-bansa. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-1-13-24-35-39-45.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page