top of page
BIDA - XIAN GAZA, SOBRANG LIBELOUS ANG PANINIRA KAY ALDEN, NAGTATAGO SA THAILAND_FB Christ

Horoscope | Oktubre 25, 2026 (Linggo)

Writer: BULGAR
BULGAR
2 hours ago
2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | October 25, 2026



Horoscope


Sa may kaarawan ngayong Oktubre 25, 2026 (Linggo): Hindi ka puwedeng manatili sa lupang iyong sinilangan. Kailangan mong lumayo kahit pansamantala lang, dahil ito ang sikreto ng iyong kapalaran.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Magagandang ideya ang maiisip mo ngayon, pero bilang pagtatapat, ang magaganda ay mga tuksong puwedeng maging sanhi ng pag-atras ng iyong suwerte. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-8-11-20-27-38-43.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Makinig ka lang at ‘wag mong sakyan ang sa unang tingin ay magagandang panukala. Ang mga ito ay maganda lang naman para sa kapakanan ng nagsasalita. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-4-19-22-29-35-40.


GEMINI (May 21-June 20) - Mababawasan ang pagkilos mo ngayon dahil sa kung anu-anong maiisip mo na hindi naman talaga makakatulong sa mga gusto mong mangyari. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-1-8-17-23-30-37.


CANCER (June 21-July 22) - Magbabalik sa alaala mo ang mga nagawa mong pagkakamali sa nakaraan. Huwag mong pansinin ang mga ito. Balewalain at ituloy mo lang ang iyong mga plano. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-2-13-20-25-31-45.


LEO (July 23-Aug. 22) - Ililigaw ka ng taong kung magkuwento ay sobrang haba. Para makaiwas, lumayo ka agad kahit pa maganda sa pandinig ang mga sinasabi niya. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-3-16-21-28-32-35.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Tagapayo, ang papel mo sa mundo. Ang mga sasabihin mo, kahit pa sa totoo lang ay hindi mo kayang gawin sa sarili mo, ay malaki ang maitutulong sa ibang tao. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-9-14-24-29-31-39.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Unahin mo ang sarili mong kapakanan bago ang iba. Ito ang mensahe ng kapalaran mo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-8-18-27-33-36-42.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Makibahagi ka sa mga aktibidad na magpapasaya sa lahat. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-4-17-25-37-38-41.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Higit mong pakikinabangan ang mga taong nasa malayo. Gayunman, huwag mong ipahalata na balewala lang sa iyo ang mga nasa malapit. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-9-11-12-26-32-43.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Sisingilin ng langit ang mga nagkamali sa iyo, pero dahil likas kang mabait, hihilingin mong bigyan pa rin sila ng isa pang pagkakataon. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-6-15-21-24-31-44.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Naaninag pa rin ang liwanag ng haring araw kahit nasa loob ng nakasaradong kuwarto. Nangangahulugan din ito na sa panahong ito ng iyong buhay, lilitaw pa rin ang ganda ng iyong personalidad kahit pa mabibigat ang iyong mga problema. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-7-19-23-28-33-40.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Sukatin mo muna ang pagkatao ng nagpapakita sa iyo ng pagtingin. Hindi mo kailangan ang mahihina, at hindi rin puwede sa iyo ang mga nagkukunwaring may mga ambisyon sa buhay. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-5-13-20-22-29-45.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page