Horoscope | Oktubre 24, 2026 (Sabado)

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | October 24, 2026

Sa may kaarawan ngayong Oktubre 24, 2026 (Sabado): Ginagarantiya ng araw ng iyong pagsilang na ang masarap na buhay ay magpapabalik-balik sa iyong kapalaran.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Huwag mong iasa sa iba ang gusto mong mangyari. Naalala mo ba noong minsan ay may inasahan ka pero nabigo ka lang? Kaya gawin mong mag-isa anumang gusto mong gawin. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-4-10-14-20-27-33.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Muling ibinalik ng langit ang mga masuwerteng araw mo. Magsisimula ka nang makatanggap ng mga biyaya at pagpapala. Gayunman, huwag na huwag mong kakaligtaang magpasalamat sa itaas. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-2-16-21-32-34-40.
GEMINI (May 21-June 20) - Gagabayan ka ng langit para hindi ka maligaw sa gagawin mong pagpapasya. Kaya manatili kang positibo at panatilihin mong buhay ang iyong pag-asa. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-3-12-19-25-30-37.
CANCER (June 21-July 22) - Malaki ang tsansa mong manalo sa pakikipagsapalaran. Lakas lang ng loob at tiwala sa sarili ang iyong kailangan. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-1-17-22-28-36-43.
LEO (July 23-Aug. 22) - Hanapin mo ang daan tungo sa pakikipag-ayos. Walang katahimikan kapag hindi nagkakaunawaan. Magsakripisyo ka kahit medyo mahirap para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-7-13-24-29-31-44.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Huwag kang makampante kapag gumaganda ang takbo ng mga pangyayari. Ipagpatuloy mo ang pagsusuri sa mga nagaganap sa iyong harapan. Masuwerteng kulay-apple green. Tips sa lotto-6-16-25-27-35-42.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Nakakatuwa ang kasalukuyang kalagayan mo. Kung sino pa ang may ayaw sa iyo, siya pa ang mapapasaiyo, habang ang gusto mo naman ay kusang lalayo sa iyo. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-9-14-19-23-37-41.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Huwag mong dayain ang iyong sarili. Ang hindi nahahawakan ay hindi kabilang sa reyalidad. Masuwerteng kulay-old rose. Tips sa lotto-5-11-16-20-28-38.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Mahuhulog ang loob mo sa isang taong hindi mo pinapansin noon. Ngayon, makikita mo ang kanyang naggagandahang katangian. Masuwerteng kulay-maroon. Tips sa lotto-7-15-21-25-34-40.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Malaki ang tsansang makuha muna ngayon ang gusto mo. Kumilos ka upang hindi masayang ang araw na ito para sa iyo. Masuwerteng kulay-lavender. Tips sa lotto-4-10-19-22-28-39.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Bubuwenasin ngayon ang mga hindi nahuhuli. Masuwerteng kulay-black and white. Tips sa lotto-2-18-29-30-33-45.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Ipakita mong seryoso ka. Dahil ang mga hindi seryoso ay hindi rin sineseryoso ng langit. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-3-12-26-31-35-42.



Comments