Horoscope | Abril 12, 2023 (Miyerkules)
- BULGAR
- Apr 12, 2023
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Abril 12, 2023
Sa may kaarawan ngayong Abril 12, 2023 (Miyerkules): Hawak mo ang susi sa maayos na pamamahala at pamumuhay. Dahil dito, palagi kang ilalagay ng kapalaran mo sa mga tungkulin na ikaw ang mamamahala at magkakaroon ng masarap na pamumuhay.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Nagbabalita ang iyong kapalaran na mahaharap ka sa mabibigat na pangyayari na hahamon sa iyong kakayahan at magdadala sa iyo sa mas mataas pang kalagayan. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-18-20-23-28-30-33.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Tuluy-tuloy ang pagdating sa iyo ng magagandang kapalaran dahil noon pa nagpasya ang langit na sa panahong ito, mas pagagandahin pa ang buhay mo. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-11-19-21-26-29-35.
GEMINI (May 21-June 20) - Huwag mong isipin na isang negatibong bagay ang pagbagal ng kilos ng iyong kapalaran. Ito ay nagsasabing kumukuha lamang ng malakas na buwelo ang mga suwerte mo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-15-20-22-28-38-40.
CANCER (June 21-July 22) - Ito ang araw na ginawa ng langit para suwertehin at lumigaya ka. Gayunman, nakikiusap ang langit na ‘wag mong labis na gamitin ang awa at damdamin sa anumang pagdedesisyon na iyong gagawin. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-11-14-15-27-32-37.
LEO (July 23-Aug. 22) - Mag-utos ka at ikaw ay masusunod. Gayunman, ang payo ay nagsasabing, gawin mo ito sa mapayapa at banayad na paraan nang sa gayun ay maging maganda ang inyong pagtitinginan. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-15-21-25-27-35-40.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Nakakatuwa ang kapalaran mo ngayon dahil manghihiram sa iyo ng pormula ng tagumpay ang may mataas na katungkulan. Matagal na siyang humahanga sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-11-16-17-26-28-30.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kikilos ka na parang wala kang anumang problema. Dahil dito, totoong mawawala ang mga problema mo dahil kung ano ang ikinikilos ng tao, ‘yun ang mangyayari sa kanya. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-13-20-24-25-34-42.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Tagapayo ang papel mo sa mundo ngayon. Huwag kang mairita sa mga tao dahil may regalo ka mula sa langit bilang kabayaran sa pagtupad mo sa misyon mong ito. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-16-21-28-33-38-41.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Ibinalik ng langit ang masusuwerteng araw mo. Hindi nakakapagtaka kung sasaya ka dahil nagsasaya ang taong napupuno ng grasya. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-4-14-21-27-39-40.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Hindi mauubos ang kayamanan mo, bagkus, lalo itong lalago. Alalahanin mo ang nakaraan, kung saan talagang naghirap ka dahil ‘yun ang magiging pormula upang lalo kang yumaman. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-12-20-21-29-31-33.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Dahil ang gusto ng langit ay mas sumaya ka, padadalhan ka ng mga bagong kaibigan at kakilala na iyong mapapakinabangan sa anumang layunin mo sa buhay. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-16-17-22-25-26-41.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Nagdaratingan mula sa malayo ang mga biyayang noon mo pa gustung-gustong mapasaiyo. Wala kang ibang gagawin kundi ang ipagpatuloy ang pagiging positibo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-7-9-15-16-25-33.



Comments