top of page
Lakam Chiu at Kim Chiu - IG.jpg

Horoscope | Setyembre 22, 2026 (Martes)

Writer: BULGAR
BULGAR
3 hours ago
2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | September 22, 2026



Horoscope


Sa may kaarawan ngayong Setyembre 22, 2026 (Martes): Ituloy mo lang ang pangarap mo. Hindi ka puwedeng maligaw dahil lamang sa pagiging emosyonal mo, at huwag mong kalilimutan na ang katuparan ng pangarap ang pinakamahalaga sa lahat.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Walang magandang naidudulot ang pakikipag-away. Hindi na mahalaga kung mananalo ka; ang importante ay tahimik kang nagsusumikap. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-4-17-20-28-34-41.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Nakakapit sa hindi magandang pangyayari ang iyong mga suwerte. Kaya huwag mong atrasan ang mabibigat na hamon ng kapalaran, sapagkat sa ‘di mo pag-atras ay tiyak na susuwertehin ka. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-7-10-18-21-25-39.


GEMINI (May 21-June 20) - Kapag may nasilip kang pagkakataon, kahit pa ito ay maliit, gamitin mo para makuha mo ang iyong kagustuhan. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-9-11-14-29-38-40.


CANCER (June 21-July 22) - Bakit ka maghahabol? Ikaw ang dapat na habulin dahil ang mga suwerte ay nasa iyo na, na nagsasabing mamalasin ang sinumang magpakita sa iyo ng hindi maganda sa ngayon. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-3-15-19-26-34-38.


LEO (July 23-Aug. 22) - Hawakan mo ang sarili mo upang ‘di magbago ang takbo ng iyong buhay. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-4-16-22-34-39-42.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Iwasan mo ang mga taong negatibo na magtatangkang makialam sa pagdedesisyon mo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-8-10-14-23-29-35.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Hindi ka puwedeng mabihag ng nagkukunwaring malinis ang layunin. Gamitin mo ngayon ang talas ng iyong pakiramdam. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-5-12-27-31-34-40.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Manindigan ka. Hinahangaan ang may paninindigan at binabalewala ang mga taong sunud-sunuran lang. Masuwerteng kulay-lavender. Tips sa lotto-1-16-20-26-36-41.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Nakasalalay sa mga kamay mo ang magandang kapalaran ng maraming tao. Kaya hindi ka puwedeng mabigo. Masuwerteng kulay-old rose. Tips sa lotto-7-18-22-29-35-37.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Madali kang maiinis ngayon. Pero mabilis ding mawawala ang inis mo dahil ikaw na mismo ang makakapansin na may magagandang bagay na dumarating sa buhay mo. Masuwerteng kulay-gray. Tips sa lotto-5-17-19-25-27-40.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Muling magbabalik ang mga araw na ikaw ay mapalad. Hindi lang dahil malalampasan mo ang mabibigat na pagsubok, kundi dahil ikaw ay dadalawin ng malaking suwerte. Masuwerteng kulay-maroon. Tips sa lotto-2-16-24-26-34-42.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kung saan ka madadalian, iyon ang iyong piliin. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-9-17-21-26-33-43.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page