top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

Horoscope | Setyembre 23, 2026 (Miyerkules)

Writer: BULGAR
BULGAR
2 hours ago
2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | September 23, 2026



Horoscope


Sa may kaarawan ngayong Setyembre 23, 2026 (Miyerkules): Mabilis kang magpasya ngayon. Gayunman, wala kang dapat ipag-alala dahil kadalasan ay tama naman ang iyong mga ginagawa. 


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Magpapatuloy pa ang pag-asenso mo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-maroon. Tips sa lotto-3-11-20-25-38-41.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Parang ulan na bubuhos sa iyong kapalaran ang mga suwerte mo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-6-19-21-29-36-40.


GEMINI (May 21-June 20) - Sinupin at pahalagahan mo ang mga biyayang mapapasaiyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-9-17-20-24-39-41.


CANCER (June 21-July 22) - Ito ang araw na dapat mong sanayin ang sarili mong tumanggi. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-4-18-23-28-35-42.


LEO (July 23-Aug. 22) - Higit kailanman, ngayon mo kailangang maging alisto dahil dadaan sa buhay mo ang isang malaking oportunidad na, kung hindi mo agad mapapansin, agad mo itong pagsisisihan. Masuwerteng kulay-lavender. Tips sa lotto-7-12-19-21-38-44.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Tumaya at makipagsapalaran ka upang mapasaiyo ang panalo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-5-13-14-22-37-40.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Huwag kang matakot humingi ng payo sa may alam. Ang katakutan mo ay ang kawalan ng sapat na kaalaman sa papasukin mong hanapbuhay. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-1-18-22-27-36-41.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Ipagtatanggol ka ng taong naniniwala sa iyo. Magugulat ka, dahil siya na mismo ang lalaban para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-2-16-19-21-26-33.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Nadadapa ang nagmamadali, habang ang marahan naman na nagmamasid sa paligid ay nakakaiwas sa disgrasya. Dapat kang mapabilang sa huli upang makaiwas ka sa disgrasya at patuloy na suwertehin. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-8-15-25-30-38-42.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - May sari-sariling laban ang bawat tao. Kaya iwasan mong sumawsaw sa problema ng iba, bagkus unahin mo muna ang buhay mo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-1-16-21-28-31-40.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kapag malakas ang hangin, nabubuwal ang mga puno. Bawasan mo ang pagiging malapit mo sa isang tao, lalo na’t hindi ka pa naman siguro kung siya na ba ang makakasama mo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-4-14-24-26-35-38.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Gumising ka sa katotohanang hindi sapat ang pagmamahal para mabuhay. Lakasan mo ang loob mo at maging matapang na maghanapbuhay sa malayong lugar. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-7-13-23-27-32-34.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page