Horoscope | Setyembre 21, 2026 (Lunes)

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | September 21, 2026

Sa may kaarawan ngayong Setyembre 21, 2026 (Lunes): Papataas nang papataas ang ranggo mo, dahil isinilang ka para sa mataas na kalagayan. Kaya huwag kang matakot na mangarap at mag-ambisyon.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Iwasan mong magmalaki. Tandaan mo, ang nagpapakababa ay itinataas, at ang nagmamatataas ay ibinababa. Ito ang gawin mong gabay sa buhay at makikita mong uunlad nang uunlad ang iyong buhay. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-8-11-18-23-34-41.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Huwag mong pansinin ang mga mapanghusga. Madadamay ka lang sa masasamang ugali nila, dahil hindi naman nila nakikita ang sarili nilang pagkakamali, sapagkat lagi silang nakabantay sa mga ginagawa ng kanilang kapwa. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-4-17-28-30-37-45.
GEMINI (May 21-June 20) - Sisikat pa rin ang liwanag kahit panahon ng tag-ulan. Ngayon, kahit marami kang problema, hindi pa rin maiiwasang ikaw ay kilalanin at mabigyan ng parangal. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-5-13-20-25-38-42.
CANCER (June 21-July 22) - Tutukan mo ang ginagawa mo. Hindi maganda para sa iyo ang maraming iniisip. Kapag isa lang ang pinagkakaabalahan mo, mas bibilis ang iyong pag-unlad. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-1-6-12-26-31-44.
LEO (July 23-Aug. 22) - Tulungan mo ang sarili mo bago ka tumulong sa iba. Ito ang tunay na kahulugan ng pagmamahal sa kapwa tulad ng pagmamahal sa sarili. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-8-16-21-32-39-45.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Pag-aralan mo muna ang pagkatao ng bawat makakaharap mo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-3-19-27-36-40-43.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Huwag mo nang balikan ang kalungkutan. Harapin ang bagong bukas kung saan personal mong makakaharap ang iyong kaligayahan. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-2-18-22-28-37-41.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Inaakyat ang bundok at hindi madaling umakyat dito. Gayunman, maging matapang ka at lakasan mo ang iyong loob. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-4-16-24-31-34-44.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Hawak mo ngayon ang iyong kapalaran. Masayang balita ito, pero kailangan mo pa ring gabayan ang iyong sarili. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-2-10-15-17-25-35.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Dumikit ka sa mga mapapalad. Mahahawa ka sa ganda ng kanilang kapalaran. Habang lumayo ka naman sa mga minamalas upang makaiwas ka ring mahawa sa kanilang kamalasan. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-9-11-27-30-36-38.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Huwag kang hihinto sa paghahanap ng daan tungo sa magandang buhay. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-6-19-21-26-37-42.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Magparaya ka. Mas mapalad ang marunong magparaya kaysa sa hindi marunong magbigay sa kapwa. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-1-13-20-23-32-39.



Comments