HOLLYWOOD MOVIE NI LIZA, IPAPALABAS NA
ni Nitz Miralles @Bida | October 16, 2023

May playdate na ang first Hollywood movie ni Liza Soberano na Lisa Frankenstein at ang report ng CNN Philippines, sa February 9, 2024 ang premiere nito.
Nabanggit din nila na, “There is no confirmation yet on whether it will be shown in Philippine cinemas.”
Pero may nabasa kaming news item na ang sabi, “Focus is distributing Lisa Frankenstein in the US, with Universal Pictures International handling distribution in the rest of the world.”
Natuwa ang mga fans ni Liza sa balitang ito na ibig sabihin, may chance silang mapanood ang first Hollywood movie ng favorite nila dahil nagdi-distribute ang Universal Pictures ng movies sa Pilipinas.
Unfair nga naman kung hindi maipapalabas dito ang nasabing pelikula na kasama si Liza dahil mula nang ibalita ang tungkol dito hanggang sa shooting ay nakaantabay ang kanyang mga fans.





Comments