top of page
TALKIES - KAREN, PROUD NA PROUD NA NAKAUSAP SI ANGELINA JOLIE_FB Karen Davila.jpeg

Hollywood actress, lodi raw niya… KAREN, PROUD NA PROUD NA NAKAUSAP SI ANGELINA JOLIE

Writer: BULGAR
BULGAR
4 hours ago
3 min read

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | November 15, 2026



TALKIES - KAREN, PROUD NA PROUD NA NAKAUSAP SI ANGELINA JOLIE_FB Karen Davila

Photo FB Karen Davila at Angelina Jolie



Iisang hindi malilimutang karanasan para sa broadcast journalist na si Karen Davila ang personal na makilala ang Hollywood actress na si Angelina Jolie nang bumisita ito sa Pilipinas para sa 2026 Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit.


Sa kanyang social media post, ibinahagi ni Karen ang matagal na niyang paghanga kay Angelina at kung paano naging inspirasyon sa kanya ang mga adbokasiya nito.

Ayon kay Karen, “It was such a gift to meet her personally, to be in her orbit.”


Ikinuwento rin ng Kapamilya broadcaster na sinusubaybayan na niya ang mga gawain ni Angelina para sa United Nations High Commissioner for Refugees (UNHCR) mula pa noong 2001. Napanood na rin niya ang mga dokumentaryo nito, nabasa ang libro at itinago pa ang iconic Time magazine cover na tampok ang Hollywood actress.


Ani Karen, “I have followed her work with UNHCR since 2001 — watched her docus, read her book, kept the iconic Time cover, to which she replied, ‘You and my mother.’ Her work inspired us to live a life of service amidst our busy lives — she inspired my work with UN Women.”


Ibinahagi rin ni Karen ang ilan sa mga pahayag nina Angelina at Cambodian filmmaker Rithy Panh sa kanilang session na pinamagatang From Memory to Possibility: Cambodia, Courage and the Power of Staying.


Nagpasalamat din siya kay Angelina sa pagbisita nito sa Pilipinas at sa pagbabahagi ng kanyang mga pananaw at adbokasiya.


“Thank you @angelinajolie for coming to the Philippines and sharing your authenticity with us!” saad ni Karen.


Wow, ikaw na Karen, bukod-tanging pinagpala na makaharap at makadaupang-palad ang Hollywood actress na si Angelina Jolie. Isa lang ang masasabi ni yours truly, sana all!





Mas magaling na raw mag-Tagalog ngayon… SANDARA, GUSTO ULING MAG-ARTISTA SA ‘PINAS



IBINULGAR ng Korean Pop (K-Pop) star-aktres na si Sandara Park ang kagustuhan niyang muling gumawa ng pelikula sa Pilipinas.


Sa panayam sa kanya ng broadcast journalist na si Karen Davila para sa YouTube (YT) vlog nito, tinanong si Sandara kung may balak pa ba siyang bumalik sa pag-aartista.


Tanong ni Karen, “Babalik ba si Sandara sa pag-aartista?”


Sagot niya, “Actually, gusto ko po, and I want to do a Pinoy movie again,” nakangiting sagot ni Sandara.


Paliwanag pa niya, noong nagsisimula pa lamang siya sa pag-aartista sa edad na 20, madalas na exchange student ang kanyang mga ginagampanang karakter dahil hindi pa siya marunong mag-Tagalog.


“Dati when I was 20 years old, lahat ng roles ko, exchange student, mga ganu’n. ‘Di pa ‘ko marunong mag-Tagalog pero ngayon, magaling na ako. So I think I can do much more mature roles and ‘yung mga love story, mga ganu’n.”


Sa panayam, nagpasalamat din si Sandara sa patuloy na suporta ng kanyang mga Pinoy fans.


“Lagi kong sinasabi sa kanila, parang no words can explain how much I’m thankful kasi parang talagang iniisip ko siguro, Pinay po ako sa past life ko. Kasi ‘di ba, it’s really amazing, ‘di ako makapaniwala na hanggang ngayon, last night I had event sa MOA (SM Mall of Asia), nandu’n po sila lahat. So, sila ‘yung longest friends ko from my first fan’s club,” aniya.


Well, always welcome ka rito sa Pilipinas, Sandara.





HANDANG-HANDA na sa kulitan, tawanan at kantahan ang Nation’s Girl Group na BINI kasama ang Phenomenal Unkabogable Superstar na si Vice Ganda para sa kanilang inaabangang two-part debut na mapapanood ang kanilang unfiltered harutan sa Gandang Gabi Vice: Unfiltered (GGVU) exclusively sa iWant ngayong Nobyembre 15 at 22.


Kakaibang Aiah, Colet, Maloi, Gwen, Stacey, Mikha, Jhoanna at Sheena ang masasaksihan ng mga manonood. Bukod sa pagbabahagi ng kani-kanilang unforgettable moments bilang grupo, hindi rin sila magpapahuli sa mga hiritan ni Vice at ng kanyang ‘Geng Gang’.


Kasabay nito, puspusan na rin ang paghahanda ng BINI para sa pagtatapos ng kanilang Signals World Tour na gaganapin ang final show sa Taipei ngayong Nobyembre 15.

Abangan ang uncut at unfiltered kulitan nina Vice at BINI sa GGV: Unfiltered two-part special simula ngayong Linggo, 11 PM sa iWant.

‘Yun lang, and I thank you.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page