Kung sila Paul, umabot ng 4 years… MIKE MAY INAMIN SA KANILA NINA KELVIN AT ALDEN

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | November 15, 2026

Photo: IG _mikee & _aldenrichards02 _iamkelvinmiranda
Bago ang apat na taon na seryosong relasyon nila ni Paul Salas, nagkaroon ng dalawang non-showbiz BF ang Kapuso artist na si Mikee Quintos. Pero hindi ito nagtagal dahil mas tinutukan niya ang kanyang showbiz career.
Aminado ang aktres na noong magkasama sila ni Kelvin Miranda sa seryeng The Lost Recipe, naging close sila sa isa’t isa. Hindi nga lang umabot sa mas seryoso at malalim na relasyon.
Nagka-crush din siya kay Alden Richards nang magkasama sila sa seryeng The Gift pero walang relasyong nabuo.
Ganunpaman, nilinaw ni Mikee na walang third party involved sa kanilang break-up ni Paul. Sa ngayon ay single siya at wala pang ipinakikilalang bagong BF. Mas pinagtutuunan niya ng panahon ang kanyang sarili at career.
Maraming humanga sa tatag ng loob ni Mikee nang mapasama siya sa Pinoy Big Brother Collab 3.0. Nakuha niya ang loob ng mga housemates at naging paborito ng lahat.
Ini-announce ng TV host…
WILLIE JOHN AT RANDY, MAGSASAMA-SAMA ULI SA SHOW
Parehong nanood at sumuporta sina Willie Revillame at John Estrada sa Behind the Shades: 40th Anniversary Concert ni Randy Santiago na ginanap sa The Elements at Centris, Quezon City, recently.
Dito nga in-announce ni Willie na magkakasama sila nina Randy at John sa isang show in digital form. Sa December nila ito balak i-launch.
Naalala tuloy ng mga fans ang dati nilang show noon sa ABS-CBN, ang MTB (Magandang Tanghali Bayan) na sumikat nang husto at tinangkilik ng mga viewers.
Bentang-benta noon ang programa, kasabay ng pagsikat nina Willie, Randy at John. ‘Yun nga lang, nagkaroon ng problema at tuluyang nawala sa ere.
Wala pang detalye si Willie kung ano ang format ng show na pagsasamahan nila, siya ang producer nito.
May nagsa-suggest naman na i-offer nila sa TV5 o sa GMA-7 ang kanilang show upang marami ang makapanood.
GAANO katotoo ang kumakalat na may nabuo nang cast ng biopic ng yumaong student basketball player na si Rene Baterbonia?
Gaganap bilang si Rovelyn Baterbonia, nanay ni Rene, si Jean Garcia. Si Ariel Rivera naman ang gaganap bilang tatay nito, habang si Rommel Padilla ang gaganap na coach at mentor.
Bagama't wala pang kumpirmasyon, hinuhulaang si Donny Pangilinan naman ang gaganap bilang Rene Baterbonia.
Si BB Gandanghari ang direktor ng pelikula, at si Sen. Robin Padilla ang producer.
Marami naman ang nagtataka kung bakit si Jean at hindi si Dimples Romana ang kinuha upang gumanap na Rovelyn. May kumalat kasi na balita na siya ang gaganap.
Anyway, maraming fans ni Rene ang nagtatanong kung kailan ang playdate ng biopic?
Ang kikitain umano ng movie ay ipapapagawa ng gym at basketball court sa Talacogon, Agusan del Sur na bayan ng yumaong basketball player.





Comments