Holcim Philippines at Geocycle, nagbukas ng bagong pasilidad sa Bulacan
- BULGAR
- Nov 5, 2021
- 2 min read
ni Fely Ng - @Bulgarific | November 5, 2021

Hello, Bulgarians! Pinasinayaan kamakailan ng Holcim Philippines, Inc., nangungunang building solutions sa bansa, at waste management unit Geocycle, ang pinakabagong storage at processing facilities sa Bulacan bilang pagpapatibay sa programa ng kompanya bilang nangunguna sa paggamit ng alternatibong krudo at sangkap sa paggawa ng semento.
Nakumpleto ng kumpanya ang pagpapatayo ng 5,400-square meter-warehouse nitong Setyembre 30 upang magamit sa pagre-recycle ng mga basura para maging kapaki-pakinabang na krudo na magagamit sa pang-araw-araw na pangangailangan ng Pinoy sa semento.
Nakahiwalay sa warehouse ang proseso ng pagpapatuyo sa mga material.
“This initiative is part of our bigger commitment to make our operations more sustainable.
These facilities will further reduce our carbon footprint and energy costs while providing our partners a safe and environmentally-sound waste management option through our co-processing technology. We are excited to continue these projects to help us get closer to our long-term ambition of using 70% alternative fuels in cement production instead of coal,” pahayag ni Holcim Philippines President and CEO Horia Adrian.
Bahagi ang proyekto sa P125.5 milyon na pamumuhunan ng Holcim Philippines sa planta sa Bulacan na naglalayon na mabawasan ang pagbuga ng labis na carbon footprint at palakasin ang operasyon sa pagre-recyle ng mga basura para mapangalagaan ang mga likas na yaman sa bansa.
Sinang-ayunan din ng Geocycle ang pagpapatayo ng waste management services sa Municipality ng Boac, Marinduque sa pamamagitan ng paggamit ng mga mapapakinabangang basura para gamitin sa paggawa ng alternatibong krudo sa planta sa Bulacan.
Ang Boac ang ika-12 munisipalidad sa bansa na pinatayuan ng Holcim Philippines at Geocycle nang waste management support system. Idinagdag din ng kompanya ang walong munisipalidad sa Luzon at isa sa Mindanao bilang mga bagong pasilidad sa waste management mula nang ilunsad ang naunang tatlong kasangga nitong 2020.
“We are happy to see more local governments partnering with us as they recognize the benefits of co-processing in waste management. With our new facilities, we look to further expand our network of partners and help them in managing their wastes sustainably,” sambit ni Albert Leoveras, Vice-President ng Geocycle.
Ang paggamit ng alternatibong krudo at raw materials sa paggawa ng semento ang pinagtutuunan ng atensiyon ng Holcim Philippines upang mapababa ang antas ng carbon footprint at mabawasan ang paggamit sa non-renewable resources sa kanilang pabrika.
Pagpapatunay ito sa antas ng kalidad ng mga produkto ng Holcim Group.
Ang Holcim Philippines ang tagapanguna sa paggamit ng mga non-recyclable plastics at biomass para sa alternatibong krudo sa paggawa ng semento sa pamamagitan ng tinatawag na co-processing technology mula pa noong 2003. Ang naturang teknolohiya ay kinikilala sa buong mundo at aprubado ng pamahalaan dahil napatunayan ang mabuting maidudulot nito sa kalikasan.
Nitong 2020, naiproseso ng Holcim Philippines ang 130,000 toneladang kapaki-pakinabang na basura mula sa iba’t ibang lokal na pamahalaan, industry partners at agricultural processors sa mga planta nito sa Luzon at Mindanao. Napagkalooban naman ang Geocycle ng ISO certification noong 2010 at patuloy na kinikilala nitong nakalipas na taon dahil sa sertipikasyon ng ISO 9001 (Quality Management System), ISO 14001 (Environment Management System) at OHSAS 18001 (Safety) by third-party certification body Certification International Philippines.
Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.





Comments