top of page
Robin Padilla - Senate PH 2.jpg

Ho Min ng Seoul Cycling Team Stage 6 winner ng TOL

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 5
  • 2 min read

ni Elyssa Nichole @Sports | May 5, 2026



Napa-flex ng masel si Stage 6 Winner #91 Min Kyeong Ho ng Seoul Cycling Team nang unang dumating sa finish line sa oras na 05:13:12 nang matapos ang 228.80 km distance mula sa Tuguegarao City hanggang Pagudpud, Ilocos Norte.

Photo: Napa-flex ng masel si Stage 6 Winner #91 Min Kyeong Ho ng Seoul Cycling Team nang unang dumating sa finish line sa oras na 05:13:12 nang matapos ang 228.80 km distance mula sa Tuguegarao City hanggang Pagudpud, Ilocos Norte. MPTC



Pagudpud, Ilocos Norte - Nagpakitang gilas si Kyeong Ho Min ng Seoul Cycling Team matapos nitong tawirin ng mag-isa ang finish line sa Stage 6 ng MPTC Tour of Luzon 2026 na nagsimula sa Tuguegarao City at nagtapos sa Pagudpud Town Hall, kahapon.


Nagtala ng tiyempong limang oras, 13 minuto at 12 segundo sa 228.80 kms. si former Tour of Korea champion Min habang dumating na segundo ang may suot na green jersey na si Russian rider Ivan Anisimov ng LCW UAE Cycling Team.


Nagparamdam na rin si dating Ronda Pilipinas champion Ronald Oranza ng Standard Insurance Philippines matapos nitong tumawid na pangatlo sa meta.


Kasama sina Anisimov at Oranza sa malaking grupo ng siklista na dumating sa finish line, pumang-apat si Sanity Syahmi Mohd-Safee ng National Team Malaysia habang pang-lima si Ronnilan Quita ng 7Eleven Cliqq Roadbike Philippines.


Ayon kay 29-anyos Min na wala sa plano niya ang bumanat sa stage 6 pero nakakita ito ng pagkakataon nang masilayan nitong pagod na ang kanyang mga kasabay sa event. 

Si Russian cyclist Nikita Shulchenko ng LCW UAE Cycling Team na kasama sa second goup ay tumapos ng 16th place pero mananatili sa kanya ang yellow jersey na isusuot ngayong araw sa 22.90 km Individual Time Trial (ITT) Pagudpud - Pagudpud race.


Nakalikom si Shulchenko ng 19:01:14, sapat upang manatili sa tuktok ng Individual general Classification, 49 segundong lamang sa teammate nitong si Yousef Ibraheim Alrefai. 


Dumating sa meta na pang-34th si Korean rider defending champion Joo Dae Yeong ng Gapyeong Cycling Team kaya naman nasa pang 20th siya sa IGC, naghahabol siya ng 3 minuto at 46 segundo.


Nasa pangatlo pa rin ng IGC si Pinoy cyclist Emmanuel Dave Montemayor ng Go for Gold.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page